Combat Class

751 30 11
                                    

Caprice Terra Falcon

Nang matapos ang History session ay lumabas na ang mga kaklase namin para sa next class. As much as I want to be the first one there, kailangan naming magpaiwan dito. Aunt Minerva has a lot of explaining to do.

"Aunt Minerva! Bakit naging guro ka dito?" Bungad na tanong ni Ate Raine nang makalabas na ang lahat.

"Ayaw niyo ba? Ouch, sinasaktan niyo ang mahiwaga kong puso." Maarteng wika niya at hinawakan pa ang dibdib niya na parang nasasaktan.

"Cut the drama, aunt Minerva." Ani Aria.

"Okay, okay, ang hilig niyo talaga sa linyang 'yan."

"Kasi ang hilig mo ring magdrama." Sagot ko.

"Nandito ako dahil utos iyon ng ama niyo. Kailangan parin kayong masubaybayan kahit nandito na kayo sa Academy. Mahirap na."

"Kaya naman namin ang sarili namin." Sabi ko.

"Alam naman naming malalakas na kayo, ina niyo at ako pa nga ang nagtraining sa inyo, paminsan-minsan ang ama niyo rin. Ngunit kailangan ito para sa kaligtasan ninyo. Oo, nandito nga kayo sa akademya pero hindi natin masisiguro ang oras kung kailan lulusob ang mga kawal ni Kairus." Mahabang paliwanag niya.

Oo nga naman. Especially now that we cannot show our real powers, hindi namin kayang magsanay sa mga ito, baka may makakaalam pa.

"Naintindihan namin, aunt Minerva." Wika ni Ate Raine.

"Sige na, pumasok na kayo sa next class niyo." Tinanguan namin siya at hinalikan sa pisngi.

Yes! Combat class here I come!

"You seem happy." Kumento ni Aria habang patungo kami sa training room.

"Damn right, I am!" I exclaimed.

Nang makapasok na kami sa room ay tahimik lamang ang lahat. Tamang-tama wala pang teacher.

Sa sahig nakaupo ang lahat, walang desks or chairs dito dahil isa itong training room, half of it is covered by a transparent wall, sa isang side kaming mga estudyante at sa kabila naman ay malaking space, mukhang diyan kami magsasanay dahil may dalawang lamesa sa magkabilang dulo nito, hula ko mga weapons ang nandun.

"Good morning, enchanters." Wika ng taong pumasok.

Teka, familiar yung boses niya.

Napatabon ako sa tenga ko nang may tumili na mga babae. Ano bang problema nila?

Lumingon ako sa taong kakadating lang, at tama nga ako.

"Kuya Kaeden?" Napatingin naman ako kay Ate Raine dahil sabay namin iyong binulong.

"OMG! Nandito siya! Sa classroom namin! Gosh!"

"Siya ba yung teacher namin dito? Diba nag-aaral pa siya?"

Mystic Academy: The Four Elements | ✓Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ