Burning Rites

351 20 9
                                    

Raine Aqualine Falcon

Isang linggo na ang nagdaan mula nung nangyari ang lahat ng 'yon, at isang linggo na ring walang imik sina Aithne. Kumakain lang kapag kailangan nang kumain at agad ring bumalik sa kani-kanilang kwarto pagkatapos.

Kahit si Jace nag-aalala na sa amin kaya palagi siyang nasa tabi ni Aithne.

Ako lang ang naglakas loob na kumausap sa mga pumupunta dito kung may kinakailangan, but still, I couldn't have a stable conversation. Mabuti na rin at nandito si kuya Kaeden.

"The Burning Rites for your father will happen tomorrow." Biglang sambit ni Mommy habang kumakain kami. Natigilan kaming lahat doon pero walang naglakas loob na magsalita. "We cannot delay it much longer, all of the light enchanters must have the chance to send him off along with us." 

The Burning Rites ceremony is similar to what you call a funeral in the mortal realms, but it is more sacred here since enchanters have stronger connections to the essence of the world than the mortals.

The body of the dead is placed on top of a flowerbed. Ang mga bulaklak na pumapalibot sa higaan ay nakadepende sa taong hihiga doon. Kadalasan sumisimbolo ang bulaklak sa kung ano ang ninanais ng pamilya para sa paglakbay ng pumanaw.

The flowerbed will be drifted away in the ocean of Polus. The ceremony is traditionally held in that ocean because the waters are blessed by Polus, the god of the seas. Through his blessing, the soul's journey to the afterlife will be secured and unbothered.

Once the bed is structured in the middle of the ocean, a family member of the dead must shoot the arrow of passing flames to burn the cadaver.

Ang abo ng pumanaw ay hahalo sa karagatan, kasama na ang bulaklak na pumapalibot rito, hudyat ito na tumawid na ang kaluluwa nito sa kabilang buhay.

Nang nanatili kaming tahimik ay napabuntong hininga na lamang ito

"I know it's hard and I feel your pain. Al--"

"Our pain is nothing compared to yours." Ngayon ko lang ulit narinig ang boses niya mula noong araw na 'yon. Nagtaas siya nang tingin at kitang-kita sa mga mata niya ang pagod.

"We're sorry for not being by your side, knowing that among all of us, this is the hardest on you."

"We all have our own ways of coping. Lahat tayo nasaktan, anak. It's not your fault, and I will never get tired of reminding you that." Hindi man siya nagsasalita, alam kong sinisisi pa rin ni Aithne ang kaniyang sarili sa nangyari.

Kaya siya walang imik simula nung araw na 'yon, dahil hindi niya parin pinapatawad ang sarili niya kahit na wala naman talagang sumisisi sa kaniya kundi ang kaniyang sarili lamang.

Hindi niya man sabihin ay alam kong pumupunta siya sa training room at doon siya naglalabas ng sama ng loob. Tuwing natatapos siya at bumalik na sa kwarto niya, naiiwan niyang wasak ang silid, ako ang naaawa sa pabalik-balik na nag-aayos doon.

"Sorry kung wala kami sa tabi mo, Mom. Kung kailan kailangan mo kami saka pa kami wala sa sarili." Biglang wika ni Caprice.

"Gaya ng sabi ko, we were all hurt." Binigyan niya kami ng maliit na ngiti, "We had our own ways of dealing with the pain, and I will not hold that against you. As long as you won't hurt yourself, I will always understand you." Her warm smile put us at ease, as always.

She's too kind for her own good, ito ang kahinaan niya Kahit na may kapangyarihan siya, dahil sa kabutihan sa kanyang puso, hindi niya magawang matatalo ang sarili niyang kapatid.

"How are you?" Para akong biglang binuhusan ng malamig na tubig sa tanong ni Aria. 

Lahat kami naging abala sa sarili naming lungkot, ni hindi na nga namin natanong si Mom kung kumusta na siya.

Mystic Academy: The Four Elements | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon