The Jade Forest

321 22 0
                                    

Caprice Terra Falcon

Isang linggo na ang nagdaan mula nung na nasira ang barrier. Hindi kasing tibay ang naipalit nila kaya temporary lang muna ito sa ngayon. Nagpadala pa nga si Dad ng palace guards na pumapalibot sa buong paaralan para dagdag seguridad na rin.

"I'll be giving you a paired project for next week because I'll be gone for those days." Miss Raveclaw announced. Sa narinig ko, silang dalawa ni Miss Fell and naatasang maghanap ng paraan para mas mapatibay nila ang barrier ng school, kaya siguro mawawala ito ng ilang araw.

"Hahayaan ko naman kayong pumili ng sarili niyong pair kaya diskarte niyo na 'yun." Ngiti niya samin, "My task for you is to create a healing potion and your mark will depend on how far your potion can heal. For those who have healing powers, you have a different task but you'll only know what it is when I come back." Dagdag nito.

I groaned with what I heared. Akala ko madali lang, like sulat-sulat lang, ganon! Nakakapagod kaya maghanap ng ingredients ng potion, tapos hahaluin pa, tapos ite-testing pa. Ugh!

"You're really not into these stuffs, huh?" Tanong nitong katabi ko.

"Mas gusto ko 'yung may thrill, 'yung may bakbakan, hindi yung ganitong gagawa ng kung ano-ano. Ang boring kaya!"

"It's not that boring if you love doing it." Pangungumbinsi niya.

Well, that's the point diba? I don't love doing it that's why it's boring. Combat class pa rin ang favorite subject ko.

"Well I don't, kaya boring siya."

"I don't mind if you'll ask me to be your partner. If it's boring for you, it's not for me, so we might come up with an agreement." Napatingin naman ako sa kaniya at ngumisi. Tama! Kapag pair ko siya, pwedeng siya na ang gagawa, tapos tutulong lang ako sa sidelines! Galing!

Ampucha, isa talaga akong dumbbell. Pero yaan na, I'll repay him by saving his ass one of these days. Pero sana naman hindi umabot sa life or death situation, mahirap na.

"Talaga?" Panigurado, kumikislap na ang mga mata ko ngayon kaya siya napatawa at tumango.

"Swerte ko talaga sayo, Isaac!"

"What are friends for, right?" Mas lumapad ang ngiti ko sa sinabi niya. Pasalamat lang talaga ako na kahit tinakot siya nung tarantadong kumag na 'yun ay nanatili pa rin siya bilang kaibigan ko. 'Di ko nga alam kung bakit tinatakot-takot niya 'tong si Isaac. Ang kapal rin ng mukha eh.

"Okay, you are dismissed." Agad namang nagsilabasan ang mga kaklase namin at nagtungo sa cafeteria kasi lunch na rin naman.

"Una na ako sayo, Caprice." Pagpaalam nito sakin na siyang tinanguan at nginitian ko lang.

"Ate Raine, may pair na ako para sa assignment." Balita ko dito nang lumapit siya sakin at sabay na kaming lumabas.

"Okay lang, may nag-aya rin sakin eh kaya sumangayon na rin ako." Ayos! 'Yun naman pala eh.

"Pansin mo, ang tahimik ng buhay natin ngayon." Simula kasi nung araw na nasira ang barrier, pinalagpas muna nila ang isang linggo bago tinuloy ang klase, kaya dorm room at palasyo lang ang lagi naming pinupunthan. Wala kaming ibang nakakasalamuha kundi sina Mom, Dad, kuya Kaeden at ang professors na tumutulong sa training namin.

Kakabalik lang nga namin at himala na walang namumulabog ngayon. Dati kasi, papalabas pa lang kami ng house may antipatiko nang bumubungad samin... well, sakin. Kaya mapayapa ang araw ko ngayon kasi walang ganung nangyari.

"Okay na rin 'yun, baka nabawasan na ang panghihinala nila sa'tin. Delikado kapag palagi nila tayong binabantayan." Anito at umupo sa napili naming lamesa.

Mystic Academy: The Four Elements | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon