Uncanny

387 29 9
                                    

Raine Aqualine Falcon

"You should rest." Sabi ko kay Aithne. 

We were all relieved and thankful nang magising siya. Hindi namin alam kung paano 'yun nangyari pero hindi muna namin 'yung binigyang pansin, ang importante ay gising na siya.

Lahat kami nag-aalala nang nag-seizure siya. Biglaan kasi 'yung nagyari kaya lahat kami ay nataranta at kung sinu-sino nalang ang tinawag namin para hingan ng tulong. Sinundo ni Aria si miss Raveclaw at mabuti na rin na kasama niya si miss Wolf nun kaya sabay silang nagteleport dito. Hindi rin nagtagal nang makarating ang sitwasyon sa ibang mga professors at isa-isa ring nagsidatingan ang mga ito dito sa palasyo.

Alam kong nagtataka si Aithne kung bakit napaka-crowded ng kwarto niya ngayon, pero ang ibig lang sabihin nito ay maraming nag-aalala sa kaniya at nagpapasalamat kami sa mga taong hindi kami pinabayaan kahit na wala naman talaga silang obligasyon na i-prioritize kami.

"Your sister is right, Aithne. You should rest." Ani Dad. Nagka-ayos na sila ni Mom pagkauwi niya kagabi, and we all know how that went. Halos maiyak sa kakatawa si Caprice nang sinabi ni mom na kagabi sila nagbati. 

"Hindi pa natin alam kung anong nangyari sa'yo. We'll ask you questions once you've fully recovered." Wika naman ni miss Raveclaw.

Hanggang ngayon ay tulala pa rin siya sa batang nakayakap sa kaniya. Alam kong nalilito siya dahil kaharap niya ngayon ang isa sa mga pinapahalagahan niyang tao na buong akala niya'y patay na. Alam kong marami siyang tanong pero kailangan niya munang magpahinga.

"No, I'm fine." Biglang saad nito habang nanatili ang tingin kay Jace.

"We know you want to talk, ate, but you need to rest." Si Aria na ngayon ang kumukumbinse sa kaniya, pero sadyang matigas ang ulo ng isang 'to. Ayaw niya talagang may nag-uutos sa kaniya.

Ang gusto lang naman namin ay ang makasiguro na maayos na talaga siya. Ang hirap rin kausap eh.

"I've been asleep the entire time and you expect me to sleep again?"

Magsasalita na sana ako nang bigla itong bumaling sakin, "And don't you dare use your powers to serenade me to sleep."

Napanguso naman ako dahil dun. Wala pa nga akong ginawa.

"Yup, she's fine alright." Sukong saad ni Caprice.

"I need to talk to my sisters. Alone."

Ayaw niya talagang magpahinga. Well there's no use in trying kasi kapag ayaw niya, ayaw niya talaga. Period.

Magkasing tigas sila ng ulo ni Caprice pagdating sa mga ayaw nilang gawin.

Nagkatinginan muna kaming lahat bago bumuntong hininga si Dad at tumango.

"We'll leave you girls be. Nasa common room lang kami." Tinanguan namin si Dad bago isa-isa silang lumabas.

"Uh..." Nagpaiwan saglit si kuya Kaeden at tumitig kay Jace na nakayakap kay Aithne.

"He stays." Anito nang nakuha niya ang ibig-sabihin ni kuya.

"Okay. Call us if you need us." Tinanguan niya lang ito bago siya tuluyang lumabas.

"Mama, are you angry?" Nagulat kami ng biglang nagsalita si Jace. Akala namin ay nakatulog ulit ito dahil hindi ito umiimik kanina.

"O-of course not, J-jace." This is one of those rare moments where Aithne stutters. Naintindihan ko naman na hindi niya inaasahan na ito ang bubungad sa kaniya paggising niya.

Mystic Academy: The Four Elements | ✓Where stories live. Discover now