Unexpected Turn of Events

347 25 2
                                    

Raine Aqualine Falcon

Mamayang gabi na ang formal na pinakahinihintay ng mga estudyante nitong nakaraang linggo.

Ang sabi, na move daw dahil naging busy ang mga superiors sa paghahanap samin dahil ang akala nga nila ay naligaw kami sa Daemonion.

Isang galit na galit na Amanda pa nga ang bumungad samin dahil sa katangahan daw naming hindi nakabalik agad sa inilaan na oras. Magla-lash out na nga sana si Caprice kundi lang siya napigilan ni Aithne.

"Napaka-ironic naman nitong kulay ng gown na to." Reklamo ni Caprice habang nakatingin sa gown niyang nakalapag sa kaniyang higaan. Si kuya Kaeden daw ang pumili nito para samin dahil ayaw daw nilang mabinat kami kasi kakagising lang namin.

"I mean, maganda naman talaga siya, pero seryoso? Ito talaga ang ipapasuot niya?" Napatingin pa ito sakin at sa gown na nakalapag rin sa higaan ko.

Ang naisip nila na theme sa formal ay yung parang royal ball daw. Pasosyal kasi deserve naman daw ng lahat na makaranas na para silang mga prinsipe at prinsesa paminsan-minsan. Tapos may seating arrangement pa silang nalalaman, dapat daw hindi puro Alba o puro Griseo ang magkasama sa iisang table, kailangang mixed.

"Susuotin mo rin 'yan?" Tanong pa niya.

"Bakit naman hindi? Si kuya Kaeden ang pumili nito para satin, napaka-ungrateful naman natin kung hindi natin ito susuotin." Tama naman kasi. Nag-effort pa si kuya na pumili nito tapos hindi lang din pala masusuot.

"Para na ring binubuking natin ang sarili natin." Napakamot pa siya sa kaniyang batok.

Alam ko naman na may ipinaparating si kuya Kaeden kaya niya pinili ang mga ito. Pero kasi nga nagtatago kami, hindi parin pwede kahit slight hints man lang.

Isang brown beaded halter neck chiffon gown na may smooth pleats ang pinili niya para kay Caprice. Parang European-American style pa nga siya dahil sa design na parang may cape sa likod.

 Parang European-American style pa nga siya dahil sa design na parang may cape sa likod

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Habang sakin naman ay navy blue na embroidered plunging neck long gown. Kitang-kita ang kaluluwa ko nito, jusko po. Ano ba 'tong naisip ni kuya Kaeden?

 Ano ba 'tong naisip ni kuya Kaeden?

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Mystic Academy: The Four Elements | ✓Where stories live. Discover now