No Idea

338 18 5
                                    

Zion Reed

"Dapat kasi sinama natin si Jamie, eh!" Nababagot na ako dito sa sasakyan. Ilang oras ba naman kasi ang biyahe galing sa mortal realms papunta sa entrance ng barrier. Kung nandito lang si Jamie edi sana kanina pa ako nakahiga sa malambot kong kama.

"How many times do we have to remind you that she was given a different mission along with Winona and Liam?" Hindi ko na nga ata mabilang kung pang-ilang ulit na 'tong sinabi ni Penelope sa'kin.

"Pwede naman kasing si Amanda nalang ang pinasama dun at satin si Jami--Aray!" Sinamaan ko ng tingin si Daze nang bigla lamang niya akong binatukan.

Pinanlakihan niya ako ng mata pero wala akong pakealam. Amanda was very helpful, if she just wasn't being a bitch the entire time. Nakakarindi na rin siya minsan--ay hindi pala minsan, palagi na!

The mission the headmistress gave us was to work with Yna Castillo-an enchanter who chose to live in the mortal realms. She reported some unusual behaviors from her end and she wanted people from the realm to check on it because she couldn't do it all by herself. She wasn't trained, if worse comes to worst.

Our job was to observe and report. Walang bakbakan ang nangyari kasi wala naman kaming nakasalubong na kaaway. Ang sabi lang ni Miss Castillo, nawawala daw ang karamihan sa lista niya ng mga enchanters na napunta sa mortal realms.

Matagal na rawng may nangyayaring kakaiba dito tulad ng pag-atake mga kampon nina Kairus pero nakakaya naman nila 'yun, ngayon lang talaga umabot sa punto na may nawawala na. Kung bakit? Hindi namin alam.

Before the academy was even established, some light enchanters wanted to live peaceful lives when the whole thing about Kairus happened. Putanginang Kairus na 'yan. Namumuhay ng tahimik ang mga light enchanters tapos magbibida-bida siya.

Pinayagan naman sila ng Hari at Reyna na mamuhay sa mortal realms kung iyon ang sa tingin nilang makakabuti para sa pamilya nila.

Isa lamang ang hiningi ng Hari at Reyna, at 'yun ay dapat hindi na nila gagamitin ang mga kapangyarihan nila, para na rin maproteksyonan at maitago ang lahi namin sa mga mortal. Mahirap na, baka madiskubre nila ang kagwapuhan ko at ipagasawalang-bahala na lang nila ang mga iniidolo nila dito.

But on a serious note, a lot actually lived outside the realm as full enchanters that no longer practice magic, and some of them even found love, giving life to half-mortal enchanters. Ganun talaga eh, add the bed, subtract the clothes, divide the legs and multiply. 'Wag niyong i-deny, alam na nating lahat 'yan.

These halflings can either inherit their parent's magic or stay powerless and normal. Kadalasan dumidepende kung gaano kalakas ang enerhiya ng kapangyarihan ng magulang niya.

Kapag malakas ang daloy ng enerhiya, walang dudang mamamana niya ang kapangyarihan nito, hindi man kasing lakas pero magagamit niya pa rin. Pero kapag mahina ay mananatiling normal lang ito at walang kapangyarihan.

Wala pa naman akong nakakasalamuha na half-breed, pwera nalang sa apat na babaeng 'yun. Pero sa tingin ko rin hindi naman sila ganun. Ang lakas kasi ng magic energy nila, mas malakas pa kaysa sa normal na enchanter. At hindi naman talaga madalas napapadpad sa Mystic realm ang mga half-breeds dahil 'di nila gustong ihasa ang kanilang mahika. Ewan ko nga kung bakit eh. Ang dali-dali nga gawin ang lahat ng bagay dahil dito.

Mystic Academy: The Four Elements | ✓Where stories live. Discover now