Afoot

274 23 6
                                    

Zion Reed

Gaya ng sabi nila, pumunta kami ni Daze sa likurang bahagi ng school grounds.

Wala akong alam sa ibang superiors pero alam kong pupunta rin sina Thudner at Vale. Hindi kakayanin ng ego ni Thunder ang hindi maging parte sa labanang ito at si Vale naman siguradong pupunta 'yon dahil kay Raine. In love na ata ang ice prince natin eh.

"I still feel so bad." Biglang bikas ni Daze.

"Kaya nga tayo nandito para man lang makabawi tayo sa nangyari." Kahit na sinabi nina Raine na hindi nila kami sinisisi, alam namin na maiiwasan pa sana namin ang resulta ng lahat ng 'yon kung hindi lang kami nakealam.

Isa rin 'yung si strong girl, palaging nagpaparinig. Galit ata 'yun sakin.

Ay, hindi pala 'ata' kasi galit talaga siya.

Alam naman ng lahat na mainitin ang ulo 'nung babaeng 'yun, pero iba ang pakiramdam kapag galit siya.

Ayokong may galit siya sakin, hindi ko alam kung bakit pero nakababalisang isipin na tuwing makikita niya ako ay ang una niyang maaalala ay ang pagkawala ng kanilang ama.

I don't have the right to say that it pains me to know that she thinks of me as one of the reasons for her father's death, but I can't help but wish to turn back time and prevent myself from making that mistake.

Gagawin ko lahat para mapatawad niya lang ako.

Nakarating na kami sa likurang bahagi ng school grounds at nagulat ako nang makitang nandito pala silang lahat.

"Took you long enough." Pambungad sa amin ni Jamie. Katabi niya si Kaeden at Liam, ang iba naman ay may sari-sariling kumpulan. Nasa unahan naman sina Vale at Thunder tahimik lang na nakatalikod sa lahat.

"Is everyone here?" Napabaling kami kay Aria na nagsalita. Katabi niya ang mga kapatid niya at sa likod nila ay may nakahanda nang portal para sa pagtawid namin.

"Listen up." Ngayon si Aithne naman ang nagsalita, "Just for precautionary measures, I'm leaving Kaeden with the queen. If anyone wants to stay behind this is your last chance to back out. I won't be responsible for your lives if something happens to you on the other side."

Isang nakakabinging katahimikan ang pumalibot sa amin. Sino ba namang hindi mababalisa sa mga salitang, "I won't be responsible for your lives if something happens to you on the other side"?

Kadalasang sasabihin ng mga pinuno ay "I am responsible for all of you", pero iba talaga 'tong babaeng 'to.

"Jamie, stay with Kaeden." Napabaling kaming lahat kay headmistress nang nauna itong binasag ang katahimikan.

"But mo--"

"Please." Nagmamakaawang tugon nito kay Jamie. She's worried for her daughter, that's understandable.

"The teleporter can stay." Ani Aithne, "When nothing happens here, she can teleport the ones left behind to help the others who goes through the portal."

Napalingon kaming lahat kay Jamie para malaman ang sagot nito.

"I understand." Tango nito.

"Then I'll stay too." Napalingon kami kay Liam nang nagsalita ito.

"I can be a messenger for both parties. You can talk to me through telepathy so that we can keep up with how the battle is going. So whenever you need help, I can immediately tell Jamie to teleport us over there." May punto ah.

Tama nga naman siya, mas mapadali ang reinforcements kapag alam ng mga nandito ang mga nangyayari sa shadow realm.

"The telepathic stays." Tango ni Aithne dito.

Mystic Academy: The Four Elements | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon