Time

301 24 6
                                    

Caprice Terra Falcon

Paulit-ulit nang sinusuntok ni kuya Kaeden ang dark enchanter na sumaksak kay Aithne.

Nang sinabi ko sa kaniya na mentally conscious ang kapatid ko, bigla na lamang siyang tumawa kaya ayun, nagalit si kuya Kaeden at binugbog ang gago.

"Kuya, tama na." Hinila ko siya paatras para mapalayo dito. Baka mapatay niya pa 'to at mas lalo lang kaming walang makuhang impormasyon.

Kahit ako mismo, gustong-gusto ko na siyang patayin, kaso kailangan pa namin ang putanginang 'to dahil siya lang ang may alam tungkol sa kondisyon ni Aithne.

Punong-puno na ng dugo ang mga kamao ni kuya Kaeden, at kahit bugbog-sarado na ang dark enchanter na 'to ay may gana pa rin siyang tumawa.

"Ah, this is how it feels to outsmart an elememtalist?" Ngumisi siya at mas lalo lang siyang nagmumukhang ulol dahil puno ng dugo ang ngipin niya at halos hindi na niya maimulat ang kaniyang kaliwang mata.

"I told you to never underestimate his majesty." He spat. His majesty, my ass.

Hindi karapat-dapat si Kairus na galangin ng ganyan. Walang puso at makitid na utak lang ang pwedeng itawag sa mga kagaya niya.

"Wala kaming pakealam diyan sa naghahari-harian sa inyo. Sabihin mo kung paano gisingin ang kapatid ko!"

"Oh, poor you. And here we thought you're all smart enough to beat us. All it took was a dagger and poof! Down goes an elementalist." He laughed. Kung wala lang ring silbi ang mga salitang lumalabas sa bibig niya, mas mabuti pa't patayin nalang siya.

I assembled rocks to form a hand and choked his neck but before I could tighten my grip, kuya Kaeden stopped me. "He could die."

"I couldn't care less!" Bahala na kung mamamatay siya.

"T-tic... T-toc..." The dark enchanter hardly muttered.

"Caprice." Dammit! Binitawan ko siya dahil alam kong hindi pa siya pwedeng patayin.

He's now unconscious which I'm thankful for. Kapag may karagdagan pang salita na lalabas sa bibig niya, mapapatay ko na talaga siya. Wala akong pakealam kung wala kaming makukuhang sagot mula sa kaniya.

"So the elementalists really are alive." Narinig kong wika ng isa sa mga bilanggo. Isa ata 'to sa mga nahuli noon sa Zephyr mountain.

"What's it to you?" Baling ni kuya Kaeden sa kaniya.

"Oh, nothing much." Ngumisi lang siya at pumikit. Something doesn't feel right.

Ganito rin 'yung ginawa nung dark enchanter na umatake sa village. Si Kol. Palaging nakapikit at hindi nagsasalita, pero hindi naman siya patay, parang nagme-meditate siya.

"Balik na tayo sa taas, kuya." Tinanguan niya ako at sabay kaming nagtungo pabalik sa kwarto ni Aithne.

Simula nung dinala namin rito ang dark enchanter na nahuli namin sa Jade forest, ngayon ko lang ginamit ang kapangyarihan ko sa harap nila. Nakita nga kami nung umatake sa mystic formal at Jade forest bilang mga elementalists pero gamit naman namin ang mga cloak namin 'nun. Ngayon lang nila nakita ang mukha ng isa sa'min, kaya mas lalo lang dapat silang bantayan.

Ang impulsive mo, Caprice!

Pero sigurado naman akong hindi sila makakatakas. Pinalibutan ni Mom ng protective barrier ang dungeon kaya alam naming hinding-hindi sila makakatakas.

"Sa tingin mo anong ipinahiwatig niya nung sinabi niyang, 'tic toc'?" Kahit nahihirapan siya, klarong-klaro parin ang sinabi niyang 'yun.

"Time, probably? Tic toc is the sound of a clock. He must've been talking about time. But what time?" Maski si kuya Kaeden naguguluhan.

Mystic Academy: The Four Elements | ✓Onde histórias criam vida. Descubra agora