Curse 3

5K 134 1
                                    

[3]

Lessy's POV

Unti unti kong idinilat ang aking mga mata. Tanging ang puting kisame lamang ang bumungad sa akin.

Ano bang nangyari? 

"Lessy! " sigaw ni Dad at nilapitan ako

"W-what happened?" tanong ko kay Dad

Niyakap niya  ako at umupo sa tabi ko.

"You fainted again" sabi ni Dad ng may halong pag aalala

Tinignan ko si Daddy at sinubukang basahin ang isipan niya ngunit hindi ko magawa. Ano bang nangyayari sa akin?

Mario's POV (daddy ni Lessy)

Pinagmamasdan kong matulog ang aking anak. Kamukha niya talaga si Rosseta. Kamukha niya ang babaeng sobrang minahal ko.

Hindi ko naiwasang hindi niyakap si Lessy. Kung hindi dahil sa akin ay malamang normal kang pinanganak. Kung hindi dahil sa kapangahasan ko ay hindi ito nangyayari sayo ngayon.

Oo may alam ako kung bakit ganyan si Lessy pero pinaniwala ko silang dalawa ni Amanda na isumpa si Lessy. Dahil balang araw ayokong makuha nila ang kaisa isa kong anak.

"D-dad" pautal utal na sabi ni Lessy

Agad naman ang lumapit sa kanya

"Yes anak? " sagot ko

Nginitian niya na lamang ako at nakita kong may itinuro siya sa may bandang bintana.

"Look how beautiful that butterfly is Daddy. Ngayon lang ako nakakita ng gold na paru paro" mangha niyang sambit

Napalingon naman ako sa kanyang itinuro. Isang pamilyar na paru paro ang bumungad sa akin.

Lessy's POV

Nakita ko namang napatulala si Daddy sa kanyang nakita. Hmm baka siguro namangha lang ito kaya ganyan. Ipinagsawalang bahala ko na lamang ang reaksiyon ni Daddy at natulog.

Mabilis na natapos ang mga araw nandito ako ngayon sa kwarto ko sa bahay at nagmumuni muni. Hanggang ngayon ay hindi ko pa din maintindihan ang mga nangyari. Tahimik lamang akong nag iisip ng biglang may pumasok sa aking isipan.

"Nalilito ka na ba?" sambit nito

Napamulat ako ng marinig ko ang boses na iyon. Siya yun hindi ako pwedeng magkamali.

"Sino ka?! "matapang na sigaw ko sa kanya

Narinig ko lamang ang isang halakhak.

"Sundan mo ang simoy ng hangin at doon mo ako makikita.Sasagutin ko lahat ng tanong mo ngunit gawin mo ito kapag handa ka nang ipagtanggol ang sarili mo"sabi nito

Nagtaka naman ako sa kanya. Pinakiramdaman ko ang paligid ngunit hindi ko na narinig pang muli ang boses.

Madami nang mga tanong sa aking isipan na kailangan ng kasagutan at alam kong ang tanging makakasagot nito ay ang boses na lagi kong naririnig.Pero paano ko siya hahanapin?

Curse (On Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon