Curse 16

1.2K 40 0
                                    

[16]

Spence's POV

"Anong nangyari? " tanong sa akin ni Shera

Hindi ko siya pinansin at hinawakan ang kamay ni Lessy. Patuloy ko pa din itong pinagmamasdan. Tatlong araw na itong tulog ngunit hindi pa din bumabalik ang kanyang kaluluwa. Posible kaya na talagang mawawala na siya?

"Spence mukhang nagtataka ka na din kung bakit hindi pa siya nagigising" sabi sa akin ni Shera at tumabi ito sa akin

"Nagsinungaling si Thena sayo" sabi niya sa akin

Tinignan ko naman ito ng puno ng pagtataka. Bakit naman magsisinungaling si Thena sa akin?

"Anong ibig mong sabihin Shera? " tanong ko rito

Tinakpan niya naman ang mata ko at parang may ginawa ito dahil sobrang nagliwanag ang aking paligid.

"Pwede mo nang buksan ang iyong mga mata" sabi ni Shera

Pagmulat ko ay nakita ko si Lessy na mahimbing pa ding natutulog ngunit nag iba na ang kanyang damit,nakalugay ang kanyang buhok at napapalibutan ito ng mga bulaklak. Ngunit ang mas nakapagtaka sa akin ay ang korona na nasa ulo niya.

"Walang propesiya na nakatala Spence." sabi niya sa akin

"Si Lessy ang nawawalang Elemental Goddess Spence. Kaya lamang ito hinanap ni Thena upang patayin. Ngunit mukhang naunahan na siya" sabi ni Shera habang sinusuklayan ang buhok ni Lessy

Napatingin naman ako kay Lessy at hinalikan ang kanyang pisngi.

"Saan ka pupunta? " tanong ni Shera

"Kay Thena. Shera huwag mong hahayaan may makaalam sa nangyari kay Lessy babalikan ko siya pagkatapos kong harapin si Thena" sabi ko sa kanya

Akmang maglalakad akong palayo ng hinila ako ni Shera.

"Tanggapin mo ito Spence" sabi ni Shera saka inabot sa akin ang kanyang amulet

"Tinataglay nito ang halos kalahati ng aking kapangyarihan. Gawin mo ang nararapat" sabi nito

Tumango na lamang ako at isinuot ang Amulet na ibinigay niya.

Nagsimula na akong naglakad papunta sa palasyo ng Elemental Goddess of air na walang iba kundi si Thena.

Pinagmamasdan ko ang buong paligid at nagulat ako ng nakita ko na Dark Souls ang mga nagbabantay sa bawat sulok ng palasyo.

"Mukhang tama nga ang sinabi ni Shera" sabi ko sa aking sarili

Ngunit nakakapagtaka lamang na si Thena ang naging Elemental Goddess of Air. Nakakapagtaka sobrang nakakapagtaka ang mga nangyari.

Mukhang may hindi ako nalalaman at yun ang aking aalamin.

Thena's POV

"Drew!  Hindi ba't sinabi ko na ako ang tatapos sa babaeng yun?! " sabi ko ngunit hindi man lang umimik si Drew

"Kung ako sayo umalis ka na dito" sabi ni Drew

Hindi ko na lamang ito pinansin at tinignan ang aking salamin. Hindi pwedeng masira ang aking mga plano!  Hindi pwede!

"Oh anong gagawin mo ngayon? " sabi ni Drew at lumapit ito sa akin

Inilabas ko naman ang potion na matagal ko nang itinatago.

"Ito lamang ang tanging paraan Drew" sabi ko sa kanya saka ko muling tinago ang potion

"Mukhang huli ka na Thena ngayon ang ikatlong araw. Sigurado akong magbabalik na si Lessy." sabi ni Drew

Sinamaan ko na lamang siya ng tingin at naglakad palayo.

"Hindi pwede!  Kailangang may pumigil sa kanya para bumalik! " sabi ko rito

Naramdaman ko naman ang yakap ni Drew sa aking likuran.

"Akala ko ba gusto mo siyang mamatay? " takang tanong niya sa akin

Tumango naman ako at tinitigan siya.

"Ngunit hindi sapat ang sandata niya para mamatay siya hanggang sa kanyang kaluluwa" sabi ko sa kanya

"At ang potion na ito na lamang ang makakagawa ng aking nais. Hindi ba nakakatuwa Drew? Mararamdaman ng katawan niya ang sakit ngunit hindi niya ito mararamdaman hanggang sa unti unti nang maglalaho ang kanyang kaluluwa. At sino pa ba ang papalit sa kanya kundi ang nakahanap sa kanya na walang iba kundi ako" sabi ko saka ko hinalikan ang pisngi ni Drew

"At paano ka naman makakasiguro? " tanong sa akin ni Drew

Nginitian ko siya ng pagkalawak lawak at ipinakita ang aking palad.

"P-paanong napunta sayo ang markang iyan?! " sigaw sa akin ni Drew

"Dahil simula ng gamitin ni Lessy ang enerhiya ng hangin. Simula noon ay lumipat na sa akin ang marka ng isang Elemental Goddess" sabi ko sa kanya

"At bakit?! "tanong niya sa akin.

"Dahil ang Elemental Goddess ay hindi maaaring gumamit ng ano mang elemento liban na lamang kung ibibigay niya na sa iba ang trono"pagpapaliwanag ko sa kanya

Tinignan ko na lamang ang marka na nasa aking palad. Tanda ito na ako ang susunod na magiging reyna. Tanda ito na magiging mas makapangyarihan na ako at tanda ito na unti unti nang natutupad ang aking mga plano.

Sa ngayon Lessy matulog ka na ng mahimbing dahil sa oras na makuha ko na ang gusto ko. Mawawala ka na din sa mundong ito.

Curse (On Editing)Место, где живут истории. Откройте их для себя