Curse 34

908 18 0
                                    

[34]

Spence's POV

Paulit ulit akong naglalakad paikot dito sa  kwarto na aming pinagpupulungan. Hindi ko alam pero pakiramdam ko may mali. Pakiramdam ko may hindi tama.

"Shera pwede mo bang pakiramdaman sa hanging kung may nangyari kay Lessy? " tanong ko sa kanya

"Kaya ko naman iyon Spence pero mas maganda kung makikita natin ito" sagot ni Shera

Tumapat naman sa salamin si Shera. T-teka?! Ito yung salamin ni Thena ah!  Bakit nakay Shera yan?

"Iba ang salaming ito Spence" sagot ni Shera

Napatango na lang ako at pinagmasdan ang kanyang ginagawa.

"Spence mukhang may masamang nangyari kay Lessy" bulong ni Shera

"Hindi kayang ipakita ng salamin ang nangyayari. May humahadlang sa kapangyarihan nito" dugtong ni Shera

Agad akong tumayo sa aking narinig. Hindi pwedeng pati si Lessy ay mawala sa akin.

"Spence saan ka pupunta? "tanong ni Klent

Ngunit hindi ko ito sinagot bagkus ay nagtuloy tuloy lang ako sa paglalakad.

"Spence! "sigaw ni Klent at tumakbo papunta sa akin

"Masisira mo ang plano kapag ginawa mo yan! " sigaw niyang muli

"Pero si Lessy! " sigaw ko sa kanya

"Tama si Klent,Spence hindi natin maaring sirain ang plano" bulong ni Narah

Napabuntong hininga na lamang ako at umupo. Bakit ba kase ang tagal gumabi?
Sa totoo lang hindi ko alam kung bakit nagkakaganoon si Lessy sa akin. Simula ng makita ko siyang binabantayan niya akong matulog nag iba na siya. Naging malamig ang pakikitungo niya sa akin. Para nga akong sakit sa kanya eh. Sakit na kailangang iwasan para hindi ka mahawa.

"Nawawala si Cleanese!"

Agad akong mapabalikwas ng tayo sa narinig ko. Tumakbo ako kaagad sa kiroroonan ni Cleanese ngunit iba ang bumungad sa amin.

"Isang sulat?" tanong ni Shera

Agad ko naman itong kinuha at binasa.

"Dark Souls.  Alam kong sobra na silang nakasakit sa inyo ngunit minsan ba hindi niyo natanong kung bakit sila nagkakaganyan? Pwes ako alam ko ang dahilan." basa ko ng mahina

Nagkatinginan naman kaming lahat sa sulat na animo'y naputol.

"Nababalutan ng kakaibang salamangka ang sulat na ito" sabi ni Shera

"Kung ganoon ay paano natin mawawasak ang salamangka? " tanong ni Klent

Bigla namang pumunta sa harap ang mga Fallen Angels sa pamumuno ni Liam at Ali.

Agad namang inilapat ni Ali ang kanyang kamay sa sulat at walang ano ano'y biglang nagliwanag ang kanyang mga mata.

"Pakinggan niyo siyang mabuti Elemental Creatures" bulong ni Liam sa amin

Tumango naman kaming lahat at tinuon ang atensiyon namin kay Ali.

"Nagsimula ang lahat ng ito kay Savannah. Ang anak ng dating pinuno ng Dark Souls.

Nang natapos ang unang digmaan sa pagitan ng Dark Souls at Elemental Creatures. Buong akala ng lahat ay naging payapa na ang lahat. Akala nila ay hindi na muling sasanib sa kasamaan ang mga Dark Souls.Ngunit hindi nila alam na dahil sa paghihiganti ng anak ng yumaong hari ay magbabago ang kapayapaang inakala ng lahat.

Ayon sa propesiya. Isang batang lalaki ang isisilang sa pagitan ng mabuti at masama. Noong una ay hindi naunawaan ni Savannah ang propesiyang ito. Ngunit ng nalaman niyang nagkaanak ang kanyang ama sa isang mortal. Naisip niya na ito ang kakailanganin niya para maghiganti.

Nilason ni Savannah ang utak ni Drew buong akala ni Drew ay sinadyang patayin ng mga Elemental Creatures ang kanilang ama. Hanggang dito lang ang nalalaman ko kaya sana makatulong ito"

"T-teka ibig sabihin ba nito ay hindi talaga alam ni Drew ang totoong nangyari? " tanong ko kay Shera

Umiling naman ito at napabuntong hininga.

"Kung ganoon ay may kumokontrol pala kay Drew. Pero ang tanong bakit hindi natin siya nakikita? Bakit hindi natin siya maramdaman?" tanong ni Klent

Yan din ang hindi ko alam. At ngayong gabi. Pagsapit ng kabilugan ng buwan malalaman namin ang buong katotohanan.

"Maghanda na tayo nalalapit na ang oras" sabi ni Ali

Napatango naman kaming lahat at sinimulang kunin ang aming kanya kanyang sandata.

Kasalukuyan kaming nakatago sa mga kakahuyan sapat lang para makita ang ginagawa ng mga Dark Souls.

Agad ko namang pinakawalan ang mga itim na paro parong nilagyan nila Shera ng lason patungo sa tatlong kawal na nakabantay sa may gate. Ng nakita naming bumagsak na ang mga ito ay dahan dahan naming itinago ang kanilang mga katawan at sinuot ang kanilang kasuotan.

"Tara na sa loob" bulong ko kay Liam at Klent

Napatango na lamang sila at naglaho na din si Ali.

"Asan papunta yun? " tanong ko kay Liam

"Andiyan lang sa tabi mo nakatago sa hangin" sabi ni Liam

Naglakad na kami papunta sa loob. At itinanim ang mga potions sa ibat ibang sulok ng palasyo.

"Balita ko may nahuli na namang Elemental Creature" bulong ng mga alipin

Tinanguan ko na lamang si Klent at Liam hudyat na kailangan na nilang gawin ang pinagusapan. Habang ako ay pasimpleng nakikinig sa mga sinasabi ng alipin.

"Oo Lessy daw ang pangalan eh. Inutusan nga ako ngayong tignan ang kanyang kalagayan" sabi ng isang alipin

Nabuhayan naman ako ng loob at unti unting sinundan ito. Lessy ililigtas kita pangako yan.

Curse (On Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon