Curse 24

1K 25 0
                                    

[24]

Lessy's POV

"Lessy naririnig mo ba ako? " sabi ni Spence

Napailing na lamang ako at pumukit

"Huwag kang maingay Spence! " sabi ko sa kanya

"Eh ano naman?  Hindi naman tayo maririnig noon. Hindi niya nga alam makipag usap gamit ang isip eh" sabi ni Spence

Hindi ko na lamang siya sinagot at pumikit. Ilang segundo pa ang lumipas ay may naramdaman akong kakaibang presensiya sa paligid.

"Andito na siya" sabi ko saka ko isinara ang aking isip

Hindi nila pwedeng malaman ang totoong pakay ko sa babaeng ito.

"May balak ka pang magpaka sleeping beauty ngayon Maunthe? " sabi niya

Tse! Buti inamin mong mas maganda ako sayo pfft haha.

"Sayang gusto sana kitang patayin eh! " sabi nito at naramdaman ko ang isang patalim sa may tiyan ko

"Pero hindi pwede baka makipag break saken si Drew! " dugtong niya

Bigla namang tumahimik ang paligid at naramdaman ko na lamang na hinawakan niya ang amulet na suot ko. Ngunit bago pa niya ito tuluyang makuha ay bigla itong natumba.

Agad agad ko namang minulat ang mata ko at nakita ko ang babaeng impostora na mahimbing na natutulog.

"Ilang oras ang bisa ng potion? " tanong ko kay Narah

"Mga isang araw, kaya kailangan mong bilisan kung ano man ang gagawin mo" sabi ni Narah

Kumuha naman na ako ng isang hibla ng buhok ko at nilagay sa potion na para doon sa babae. Dahan dahan kong pinainom sa kanya ang potion at walang ano - ano'y biglang naging kamukha ko siya.

"Lessy?!  Bakit dalawa ka na?! " sigaw ni Spence

Napailing na lamang ako at kumuha ng isang hibla nang buhok ng babae saka ko inilagay sa potion ko.

Dahan dahan ko naman itong ininom at nilunok agad.

"Ahmm what do I look? " sabi ko sa kanila

Nagkatinginan naman silang dalawa at inabot sa akin ang salamin.

Shems!  Para akong multo sa sobrang puti!  Ilang foundation ba ang nauubos nito sa isang araw?!

"Wow kamukha mo na si Shera! " sigaw ni Spence

Binatukan ko na lamang siya at tinignan sila ng seryoso.

"Gaya ng sabi ko dati kailangan natin siyang ibalik sa itsura niya talaga! " sabi ko

"Teka!  Bakit naman pati ikaw n-" hindi ko na lamang pinatapos ang sinabi ni Spence at naglaho.

Sakto sa kwarto niya pa ata ako napadpad. Nagmasid masid naman ako sa mga gamit nang bruha.

"Ano ito? " tanong ko habang hawak ang isang notebook

Only a gorgeous lady like meh!  As in me!  As in CLEANESE can read this oh so lovely diary.

P/s: I love you babe!

Napailing na lamang ako sa nakasulat sa diary. Baka pwede ko itong magamit para malaman kung nasaan si Shera.

Itinapat ko ang aking mga kamay sa diary.

"With this magic we'll see
This diary should be
Hidden into thin air
But come when I seek"

Bigla namang naglaho ang diary. So Cleanese pala ang pangalan ng bruhilda!  Teka kung maarte siya magsalita ibig sabihin ba noon ay kailangang mag inarte din ako?!

Curse (On Editing)Where stories live. Discover now