Curse 27

928 20 0
                                    

[27]

Lessy's POV

"Yah! " sigaw ko at muli itong sinugod ngunit kagaya kanina ay naglaho muli ito at iniwasan ang aking pagsugod.

"Sabi ko naman Lessy hindi mo ako matatalo" mahina niyang sambit

Hindi ko ito pinansin at tumayong muli.

"At sabi ko din sayo. Hinding hindi ako basta bastang magpapatalo!" sigaw ko

Naglaho ako bigla at pumunta sa likuran niya saka itinutok ang espada ko sa leeg niya.

Akmang sasaksakin ko na ito nang nagulat ako dahil tumagos lamang ang aking espada sa kanyang katawan.

"T-teka!  Bakit hindi ka tinatamaan ng espada ko?! " sigaw ko sa kanya

"Sabi ko naman Lessy hindi mo ako matatalo"sabi niyang muli

Napakunot naman ang aking noo sa sinabi niya. Nababaliw na ata to. Tama bang ulit ulitin ang sinasabi niya?

"Anong pangalan ko? " tanong ko sa kanya

"Sabi ko naman Lessy hindi mo ako matatalo" sabi nito muli

Napatitig na lamang ako dito at pumunta na sa book of knowledge.
Mahigit isang oras akong nakikipaglaban sa kanya tapos malalaman kong hindi pala siya totoo?!  Ayy ang galing sobrang galing!

Itinutok ko naman na ang dagger ko sa cage nang book of knowledge. Agad ko namang inihampas ang dagger sa cage.

"Aish!  Bakit ayaw mabasag?! " sigaw ko

Napadabog na lamang ako at napaupo sa lupa. Relax Lessy.Kailangan mo lang mag isip ng paraan kung paano mababasag ang cage at para makuha mo na ang Book of Knowledge.

Akmang hahampasin ko na ulit ito ng biglang nagliwanag ang kwintas na suot ko. Agad ko naman itong kinuha at pinagmasdan.

"Kung alam mo man kung paano buksan ang cage. Sabihin mo sa akin" bulong ko rito

Bigla naman itong lumipad sa may cage at nagliwanag ito. Sa sobrang liwanag ay napapikit na lamang ako. Nagulat ako na pagmulat nang aking mga mata ay nasa kamay ko na ang Book of Knowledge.

"Magaling Lessy nalagpasan mo ang pangalawang pagsubok"

Agad naman akong napalingon sa boses na aking narinig.

"Laure? " tanong ko rito

Napangiti naman siya sa akin at lumapit.

"Alam kong punong puno ng katanungan ang puso't isip mo Lessy" sabi nito at kinuha ang libro.

"Malalaman mo ang mga kasagutan sa iyong mga katanungan sa librong ito" dugtong niya

Akmang kukunin ko ang libro sa kanya ng biglang inilayo niya ito sa akin.

"Ngunit malalaman mo lamang ang mga iyon kapag nakuha mo saken ang librong ito" sabi niya

"Teka!  Hindi mo ito ibibigay sa akin? "tanong ko sa kanya

Umiling naman ito at tumitig sa akin.

"Ang ikatlong pagsubok. Kailangan mo akong talunin kapalit ng librong ito at ang kapangyarihan ng sandatang iyong napili kung hindi mo magagawa ito ay hindi ko ibibigay ang librong ito" pagpapaliwanag niya

"Tek-" naputol ang aking sasabihin ng biglang nahulog ako sa isang portal na tila ba walang hanggan

Napapikit na lamang ako sa bilis ng mga pangyayari. Bawat pintig ng aking puso ay aking naririnig. Napamulat na lamang ako ng maramdaman ang isang malambot na kama sa aking likuran.

"Hmm nakabalik na ako? " tanong ko sa aking sarili

Ngunit nadismaya na lamang ako ng makita ang gintong kisame sa aking paligid.

"Kailangan kong matalo si Laure" bulong ko sa aking sarili.

Kailangan ko talagang matalo si Laure. Ngunit ano naman ang laban ko sa kanya?  Kabisado na niya ang paggamit sa Elemental Dagger. At mas lalong hindi siya tatablan ng enerhiya ng hangin.

Kaya paano ko siya tatalunin?  Paano?  Kung sa una pa lang ay alam ko nang lamang na ito sa akin?

Tinitigan ko na lamang ang kuwintas ng aking ina.

"Mom kung naririnig mo ako ngayon. Tulungan mo naman akong matalo si Laure" bulong ko rito

Napatingin na lamang ako sa dagger ni Mommy. Sana matalo ko talaga si Laure.

"Pst"

Napalingon naman ako sa pinanggalingan ng boses ngunit wala akong nakita.

"Lessy" bulong nitong muli

Nagulat na lamang ako ng biglang nagliwanag muli ang kwintas na suot ko.

"Lessy" sabi muli nito sa akin

"S-sino ka? " tanong ko sa kanya

Nilapitan niya na lamang ako at niyakap ako ng mahigpit.

"Ang tagal kong inasam na makasama ka anak" sabi nito sa akin

"M-mom?" pautal utal kong sabi

Nginitian niya naman ako at niyakap ng mahigpit.

"Alam kong madami kang katanungan. Katanungan na ang Book of Knowledge lamang ang makakapagsabi sayo. Pero nais kong ipamana sayo ang dagger ko at ang kuwintas" sabi ni Mommy at hinawakan ang aking balikat

"Ito ang magsisilbing gabay mo sa pakikipaglaban kay Laure. Tutulungan ka nila para matalo siya pero tandaan mo na nasa sayo pa din nakasalalay ang lahat" bulong ni Mommy sa akin

"Anak nauubos na ang oras ko kailangan ko nang umalis" mahina nitong sambit at hinalikan ako sa noo.

"Mahal na mahal ko kayo.Kayo ng Daddy mo" bulong ni Mommy sa akin

Akmang yayakapin ko na ito ng bigla itong naglaho.

M-mom. We love you too. Thank you kase nagpakita ka sa akin kahit saglit lang.

Hinawakan ko na lamang ang kwintas ni Mommy.

"Help me tomorrow. Tulungan mo ako para maging malakas sa laban ko bukas" mahina kong sabi.

Pagkagising ko pa lang sa umaga ay ang labanan na agad ang unang pumasok sa isipan ko. Hindi ko alam ngunit sobrang importante nang laban na ito sa akin. Dahil ito lang ang paraan para malaman ang tunay kong pagkatao.

"Lessy magkita tayo sa hardin" pagbasa ko sa note ni Laure

Napahinga na lamang ako ng malalim at dahan dahang pumunta sa hardin. Pagkadating ko doon ay agad kong nakita si Laure. Hinawakan ko muna ang kwintas ni Mommy saka ako naglakad papalapit sa kanya.

"Kagaya ng mga laro ay may panuntunan ang labanang ito" pagpapaliwanag ni Laure

"Nakikita mo ang malaking bilog na ito?  Dito tayo maglalaban" sabi niya

Napatango naman ako at tumitig sa bilog na nakaguhit sa may hardin.

"Pamilyar ka ba sa labanan sa mortal na kung tawagin ay hmm S-suno? Suso?"sabi nito

"Sumo" pagtatama ko sa kanya

"Basta yun na yun!  Kung sino ang unang makalagpas sa bilog ay talo" sabi nito

Tinawag niya naman na ako. Lumapit na lamang ako sa kanya at tumayo sa gitna ng bilog.

"Circle of Two. Ito ang tawag sa labanan na ito. Magsisimula ang laban kapag nilamon na ng apoy ang bilog" sabi niya

Napatango na lamang ako at nagmasid sa galaw niya. Walang ano ano ay biglang umapoy ang aming paligid.

Sumugod naman ito sa akin ngunit nailabas ko kaagad ang dagger ng aking ina at hinarang ito sa kanya.

"Mabilis ka ha"  sabi niya sa akin

Hindi ko na lamang ito pinansin at nagsimula na din ako sugurin ito.



Curse (On Editing)Where stories live. Discover now