Curse 17

1.2K 35 0
                                    

[17]

Spence's POV

"Pinapatawag daw tayo ni Thena" sambit ng isang kawal

Nakita ko naman na tinanguan siya ng kanyang kasama saka siya umalis.

Dahan dahan naman akong pumunta sa gate ng palasyo. Akmang sisirain ko na ito ng bigla itong bumukas. Mukhang alam ni Thena na darating ako dito.

"Sino ka? "

Napatigil naman ako sa boses na aking narinig. Liningon ko siya saka tinitigan. Kagaya ng ibang mga kawal ay nakamaskara din ang isang ito kaya hindi ko maaninag ang kanyang mukha.

"Uulitin ko sino ka?" tanong niyang muli

Nginitian ko na lamang ito at naglakad palapit sa kanya.

"Your worst nightmare" sagot ko sa kanya

Hindi ito nakaimik at bigla niya akong sinugod pero hindi niya ako naabutan dahil naglaho ako bigla at sumulpot sa likuran niya saka ko siya sinaksak gamit ang espada ko.

Nakita ko naman na naging abo na ito. Maglalakad na sana ako ng biglang nagliwanag ang Amulet ni Shera.

Ano kaya ang problema nito?

Dala ng kuryosidad hinawakan ko ito.Nagulat na lamang ako ng tangayin ako ng hangin at dinala sa loob ng palasyo.

"Thena. Kailangan mo na bang gawin yan ngayon?  Ni hindi mo nga alam kung nasaan si Lessy" sambit ng isang boses

Dahan dahan ko naman tinungo kung saan nanggagaling ang boses na iyon.

"Drew kung hindi siya mamatay ngayon hindi mangyayari ang mga plano natin! " sigaw naman ni Thena

"eh paano kung may nangyaring masama sayo?! " sigaw ni Drew sa kanya

Napakunot na lamang ang aking noo sa kanilang dalawa. Ano kaya ang binabalak ni Thena?

"Ako ang Elemental Goddess of Air Drew!  Mas makapangyarihan ako kesa sayo! "malamig na sabi ni Thena kay Drew

Nakita ko naman na medyo napabuntong hininga si Drew at niyakap si Thena. Yak!  Mas bagay talaga kami ni Lessy!

"May nararamdaman akong presensiya sa paligid" biglang sambit ni Drew

Napangiti na lamang ako sa kanyang sinabi at walang ano ano'y ibinato ko sa direksiyon niya ang espada ko.

Ngunit hindi ko inakala na masasalo niya pala ito.

"Spence! " sigaw ni Thena

Dahan dahan naman akong naglakad papunta sa kanila.

"Look who's here" mapang asar na sabi ni Drew

Tinitigan ko na lamang ito at simaan ng tingin.

"Sige na Thena ako na ang bahala sa kanya" sabi ni Drew at hinalikan niya ang pisngi ni Thena

Nakita ko naman na tinitigan ako ni Thena saka tuluyan na itong umalis.

"Anong ginawa niyo kay Thena? " mahinahon kong sabi

"Ginawa?  Haha tanga ka talaga Spence. Wala kaming ginawa kay Thena sadyang gutom lang siya sa kapangyarihan" sabi ni Drew at nginitian ako

"Hindi niya alam siya na pala ang nagagamit!  Haha sa tingin niya ba basta basta na lamang makikianib sa kanya ang mga Dark Souls ng walang dahilan? Thats a big no Spence" dugtong niya dito

Nakuyom ko na lamang ang aking kamao sa mga sinabi niya. Ibig bang sabihin nito ay ginagamit niya lamang si Thena?!  Ibig bang sabihin nito ay niloloko niya lamang ito?

"Funny isn't it?  Akala mo ba mahal ko talaga yung desperadang babaeng yun?! " dugtong niya dito

Hindi ko na napigilan ang aking sarili. Sinugod ko na lamang ito ngunit nakaiwas siya sa aking pagsugod.

"Look how desperate you are to kill me." mapang asar niyang sabi

Ngunit hindi ko na ito pinansin pa at sinugod itong muli. Pero naharang niya ulit ang aking espada at nginitian ako.

Hindi ako nagpatinag naglaho ako at pumunta sa may likuran niya saka ko siya  sinaksak.

"Haha akala mo ba mapapatay mo ako Spence?!" sabi ni Drew at lumingon ito sa akin

"Akala mo ba hangal ako para hindi maisapang papatayin mo ako? " sagot niyang muli sa akin

"Nakakalungkot hindi pa kita pwedeng patayin ngayon Spence pero baka bukas malay mo pwede na" sabi niya

Susugurin ko na sana ito ng bigla siyang naglaho.

"Bwisit! " sigaw ko

Hinawakan ko na lamang ang amulet

"Ibalik mo ako kung nasaan si shera at Lessy" utos ko sa Amulet

Hinila ulit ako ng hangin at walang ano ano'y nakita ko na si Shera na nakatingin kay Lessy.

"Anong nangyari? " pambungad na tanong ni Shera

Napabuntong hininga na lamang ako at tinignan ang maamong mukha ni Lessy

"Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko" sabi ko kay Shera

Nakita ko naman na medyo napakunot ang noo niya sa sagot ko.

Curse (On Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon