Curse 18

1.2K 36 0
                                    

[18]

Spence's POV

"Tumigil ka Spence!  Hindi natin sila pwedeng basta bastang sugurin! " sigaw sa akin ni Shera saka naglakad palapit sa akin

"Eh ano pala Shera?!  Tutunganga na lang tayo? " sagot ko sa kanya

Napabuntong hininga naman si Shera at tumingin sa kalangitan.

"Hindi natin pwedeng gawin yun habang wala pa si Lessy." mahina nitong sambit

"Ngunit walang kasiguraduhan ang pagbabalik ni Lessy! " sabi ko sa kanya

Umiling umiling naman si Shera at lumapit sa katawan ni Lessy.

"Anong gagawin mo? " tanong ko kay Shera

Hindi niya na lamang ako pinansin at pinagpatuloy ang ginagawa niya. Kinuha niya ang dagger ni Lessy at sinugatan niya ang kanyang sarili.

"Shh" sabi niya sa akin

Napatango na lamang ako sa sinabi niya.

"With this flesh I summon thee
Pour your magic into me
Make this soul come back for me
Immortal's life it should be"

Bigla namang nagliwanag ang buong paligid.

"Ano yan? " tanong ko kay Shera habang nakatingin sa boteng hawak niya.

"Posibleng maibalik nito ang buhay ni Lessy." sabi ni Shera at pinainom kay Lessy ang potion na ginawa niya.

"Bakit hindi gumagana? " tanong ko kay Shera saka tinignan si Lessy

"Ayaw siyang pakawalan ni Narah" mahinang sabi ni Shera

"Narah? " tanong ko sa kanya

Napatango na lamang siya at tumingin sa akin.

"Si Narah ang pixie ng panaginip at imahinasyon" sabi ni Shera

"eh ano naman?  Hindi naman isang panaginip si Lessy" sabi ko kay Shera

Umiling iling naman ito

"Ang katawan niya hindi pero ang kaluluwa niya oo. Habang hindi pa ito nakakabalik sa katawan niya mag mi mistulang isang panaginip o imahinasiyon na lamang si Lessy"

"Pero kapag hindi nagawang makabalik ni Lessy sa katawan niya unti unting maglalaho ang kaluluwa niya at mapupunta sa langit" sabi ni Shera

"Ngunit paano niya mapapayag si Narah? "tanong ko kay Shera

"Kailangan niyang patunayan na karapat dapat siyang mabuhay muli" sagot nito

Napabuntong hininga na lamang ako sa sinabi ni Shera.

"Lessy sana makabalik ka na" bulong ko sa kanya saka ko siya niyakap

Lessy's POV

"PAKAWALAN NIYO AKO DITO! " sigaw ko

Nagmasid masid naman ako sa paligid pero hanggang ngayon ay wala pa din akong makitang kahit na isang immortal

"PAKAWALAN NIYO AKO! " sigaw kong muli

Napabuntong hininga na lamang ako at napaupo.

Halos tatlong araw na akong nandito. Hindi ko man lang alam kung paano ako napadpad dito at mas lalong hindi ko alam kung nasaan ako!

"Tignan mo nga naman." sabi ng isang tinig

Napalingon na lamang ako sa boses na aking narinig.

"S-sino ka? " tanong ko sa kanya

Tinaasan niya naman ako ng kilay at binasag ang kulungan ko.

"Kung akala mo ay nakalaya ka na nagkakamali ka." sabi nito

Napakunot naman ang aking noo sa kanyang sinabi. Paanong hindi pa ako nakakalaya eh nakalabas na ako sa kulungan?

"Hindi ka na Immortal ngayon" sabi nito sa akin

"Isa na lang imahinasiyon ngayon ang iyong kaluluwa" sabi niya

"NAMATAY AKO?! " sigaw ko sa kanya

Tumango tango naman ito at lumapit sa akin.

"Pero may paraan pa para bumalik ka sa katawan mo" sabi niya

"Kailangan mo lamang ibigay ang hinihingi ko sa iyo" dugtong niya

Ngumiti ito sa akin at nagliwanag ang kanyang mga mata.

"At ano naman iyon? " sabi ko

"Hmm I want the most precious thing. Its the power that lies in your head" sabi niya

Bigla ko namang hinawakan ang aking ulo. Huh?  Wala namang kapangyarihan ang ulo ko ah!

"Hoy! Teka! " sabi ko sa kanya ngunit tuluyan na itong naglaho

Ano naman kaya ang ibibigay ko sa kanya?  Yung utak ko?!  O baka naman gusto niya ng kalbo?  Ano kaya?!

"May nakalimutan akong sabihin. May isang araw ka lamang para ibigay ang hinihingi ko" sabi niya sa naglaho muli

Napa face palm na lamang ako sa sinabi niya.

The power that lies in my head.

Maghahanap na talaga ata ako nga kalbo.

Curse (On Editing)Where stories live. Discover now