Curse 19

1.2K 34 0
                                    

[19]

Lessy's POV

"Kalbo??!  Helllo?!  Asan ka na?! " sigaw ko

Napasimangot na lamang ako ng makitang wala ni isa man lang na nilalang ang nakarinig sa akin.

"KALBO!!  JOSE?!  WALLY?!  KAILANGAN KO NG TULONG NIYO!" sigaw kong muli

"Walang kalbo dito" sabi ng isang boses

Napalingon na lamang ako ng makita ang isang lalaking nakatingin sa akin.

"Eh?  Hindi ba uso ang magpagupit dito? " tanong ko sa kanya

Umiling iling ito at parang nagpipigil ng tawa.

"Hoy!  Sino ka ba ha?! " sigaw ko sa kanya

"pfft haha alam mo miss kung type mo ako pwede mo namang diretsuhin eh! " sabi niya saka kinindatan ako

"Luh?!  ASA ka naman! " sigaw ko sa kanya

Ngunit tinawanan niya ako. Akmang maglalakad na ako paalis ng hinila niya ako.

"Alam kong kailangan mo ng tulong ko" sabi niya sa akin

Napataas naman ang isa kong kilay sa sinabi niya.

"Bakit kalbo ka ba?! " asar na sagot ko sa kanya

"Hindi pero matutulungan kita sa problema mo. " sabi niya

"At paano naman?" tanong ko sa kanya

"Sabihin na nating hindi ako kalbo pero alam ko ang kasagutan sa tanong ni Narah sayo" sabi niya

Tinitigan ko na lamang ito at hindi nagsalita.

"T-teka?!  Sino si Narah?! " tanong ko sa kanya

Napailing na lamang siya at hinila ako

"Hoy!  Kidnapper! " sigaw ko

Ngunit hindi niya na lamang ako pinansin at hinila ulit. Kasalukuyan kaming naglalakad patungo sa hindi ko alam kung saan.

"Saan ba kase tayo pupunta? " tanong ko sa kanya pero hindi niya ulit ako sinagot.

Patuloy lamang kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa isang hagdan.

"Nandiyan ang hinihingi ni Narah kailangan lang nating umakyat" sabi ni Klent

Tinignan ko naman ang hagdan at napanganga sa sobrang taas. Yung totoo?!  Hagdan pa ba yan?  May katapusan ba yan?  Bakit hindi ko makita?

Nagsimula namang umakyat si Klent sa hagdan. Sumunod na lamang ako para makuha ko na yung hinahanap ni Narah. Sino ba kase si Narah?!

"Sino ba yung Narah? " tanong ko rito

Nilingon niya naman aki ng bahagya

"Siya yung bumasag ng kulungan mo kanina" maikli niyang sagot

Napatango na lamang ako sa kanyang sinabi at patuloy na naglakad.

Maghahapon na at medyo malapit na din kami sa tuktok. Pero hanggang ngayon ay hindi ko alam kung ano ang sinasabi niyang kukunin namin dito.

"Klent ano ulit yung sadya natin dito? "tanong ko sa kanya

Ngunit hindi niya ako sinagot at napatigil sa paglalakad saka siya may itinuro.

"Yan ang sadya natin" sagot niya

Napalingon naman ako sa itinuro niya at nakita doon ang isang korona.

"There's a legend in that crown" sabi niya habang naglalakad palapit sa korona

Curse (On Editing)Where stories live. Discover now