Curse 25

1.1K 23 0
                                    

[25]

Spence's POV

"Malubha ang sugat niya Spence pero mamaya maya magigising na din siya" sabi ni Narah

Napatango na lamang ako at tinignan si Lessy. Hayy hobby na niya talaga ata ang humiga. Kung hindi masasaksak, malalason naman!

"Spence" napatingin ako sa humawak sa aking balikat

"Tanya?  Anong ginagawa mo rito? " taka kong tanong sa kanya

Nginitian niya ako at niyakap ng sobrang higpit.

"S-spence sobrang na miss kita. Hindi mo lang alam kung gaano ako nangulila sayo" bulong nito sa akin

Inilayo ko naman siya sa akin at hinawakan ang kamay ni Lessy.

"Kalimutan mo na ako Tanya." tipid kong sabi sa kanya

Napatitig naman ito sa aking kamay na kahawak ang kamay ni Lessy.

"Akala ko may babalikan pa ako." bulong nito at tumalikod sa akin

Pasensiya na Tanya ngunit hindi na tayo puwede. Oo,  minahal kita noon minahal kita ng sobra sobra. Ngunit tadhana na mismo ang naghihiwalay sa ating dalawa.

Niyakap ko na lamang si Lessy at hinalikan ko siya sa pisngi. Si Lessy, simula ng dumating siya sa buhay ko natuto akong magmahal muli. Natutong akong lumaban muli at nagkaroon ako nang pag asa. Pag-asa na sa kanyang mga mata ko lamang nakita.

"Lessy" bulong ni Shera

"Kung sana ay hindi ako nagpauto sa kanila. Sana hindi mo na ako kailanganing iligtas" sabi nito at hinalikan ang noo ni Lessy

"Mabuti at maayos ka na Shera? " tanong ko dito

Tumango na lamang ito at napatingin sa langit.

"Nakaligtas nga ako ngunit tignan mo ang kalagayan ni Lessy ngayon. Tignan mo ang nangyari sa kanya ng dahil sa akin" malungkot nitong sabi

Akmang sasagutin ko pa si Shera nang biglang umapoy ang katawan ni Lessy. Nabitawan ko siya agad at tinignan.

"Anong nangyayari?!" sigaw ni Narah

Lumapit naman si Shera sa tabi ni Lessy at kinuha nito ang Dagger ni Lessy.

"Sa tingin ko nangyayari na Spence. Kailangan nang patunayan ni Lessy ang sarili niya upang maangkin na niya ng buong buo ang sandatang ito" pagpapaliwanag ni Shera

Napatango na lamang kaming lahat at pinagmasdan ang nagliliwanag na katawan ni Lessy.

Bumalik ka Lessy. Aantayin kita pangako ko yan sayo.

Lessy's POV

Napamulat ako ng dahan dahan ng maramdaman ko ang paghila sa akin ng hangin. Tila ba ginigising ako ng hangin ngunit hindi ko alam kung anong dahilan.

Pagmulat ko ay bumungad sa akin ang gintong kisame. T-teka?!  Asan ba ako?

"Nasa tahanan kita Lessy" sabi ng isang tinig

Dahan dahan naman akong tumayo at tinignan ang nagsalita.

"Ako si Laure ang huling tagapangalaga ng espadang pinili mo ngayon"

Tagapangalaga?  Kailan pa naging brilyante ang dagger ko?  Hayy ano ba itong iniisip ko!  Nababaliw na ata ako ehh!

"Ano naman kailangan mo saken? Babawiin mo na ba ang dagger? " tanong ko sa kanya

Umiling iling ito at nginitian ako nang malawak.

"Kailangan mong malampasan ang mga pagsubok ko para mapasayo ang tunay na kapangyarihan ng Elemental Dagger"sabi nito

Curse (On Editing)Where stories live. Discover now