Curse 7

3.6K 74 3
                                    

[7]

Lessy's POV

"Isang parte na ng iyong nakaraan ang nabuklat"

Bigla akong napatayo sa boses na aking narinig. Hindi ako pwedeng magkamali. Siya si Thena. Ang boses na lagi kong naririnig.

"Sino ka ba?! " sigaw ko rito

Ngunit imbes na sagot ang marinig ko ay isang matinis na tawa ang kanyang ibinigay.

"Hindi ba't sinabi ko na sayo ang aking pangalan? " sagot niya sa akin

Natahimik naman ako. Oo nasabi niya na yun pero bukod doon kailangan ko siyang makilala dahil posibleng may nalalaman siya sa aking nakaraan.

"Mukhang sinabi na ng taksil mong ama ang nalalaman niya." bulong nito

Nabaling ang aking atensiyon sa kanyang sinabi. Paano niga nasabing taksil si Dad?

"Inuulit ko Lessy isang pahina pa lamang ang iyong nabuklat at hindi ang buong kwento. Kaya kung ako sayo mag iingat ka sa mga tao sa paligid mo" sambit nito

Pagkasabi niya noon ay biglang umihip ang hangin sa aking kwarto. Ngunit kalaunan ay bigla itong tumigil.

Napaisip na lamang ako sa lahat ng sinabi ni Thena sa akin. Mukhang may hindi pa sinasabi si Dad.

Habang naglalakad ako papunta sa first subject ko. Tahimik kong inoobserbahan ang mga kilos ng bawat madadaanan ko. Ngunit tulad dati ay hindi ko magamit ang aking kakayahan.

Pagkapasok ko pa lamang sa classroom ay maiingay na ang mga tao dito na animo'y highschool students pa lamang.

Naglakad ako papunta sa pinakadulo at umupo. Habang ako ay nagmumuni pumasok bigla sa isipan ko si Drew. Asan na kaya siya?  Ano kaya ang ginagawa niya.

Sa totoo lang ay madami pa akong katanungan. Katanungang alam kong hindi si Dad o si Drew ang makakasagot.

Ngunit hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Maliban na lamang kung makapunta ako sa pinanggalingan ng aking ina. O kaya naman makahanap ako ng immortal dito.

Pero paano?  Alangan namang tanungin ko siya ng "Hey Immortal ka ba? " naku baka mapunta ako sa mental ng wala sa oras eh.

"Curious? " pambungad na tanong sa akin ni Andrew

Tinanguan ko na lamang siya at nag isip muli. Pero teka paano kung kay Andrew ako makakuha ng kasagutan?  Paano kung ituro niya sa akin ang daan?

Curse (On Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon