Curse 14

1.4K 38 0
                                    

[14]

Lessy's POV

"SPENCE!  PWEDE BANG MAGPAHINGA NAMAN TAYO?! " sigaw ko rito

Hindi niya lamang ako pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Napairap naman ako sa ginawa niya.

"Remind me again kung bakit tayo umaakyat sa bundok sa kalagitnaan ng madaling araw? " tanong ko rito

"Secret" sagot niya naman sa akin

Napabuntong hininga na lamang ako sa inasta ni Spence. Believe me or not hindi ko na mabilang kung ilang beses ko tinanong iyon at ang lagi naman niyang sagot ay ang mahiwagang SECRET na yan!

Patuloy lamang kami sa pagakyat. Medyo nahihirapan na ako dahil sa suot kong boots.

"Kung hindi ka naman kase baliw!  Mag bo boots na nga lang may takong pa" sabi ni Spence sa akin

Sinamaan ko na lamang siya ng tingin at nilampasan siya sa paglalakad. Patuloy lamang ako sa paglalakad.Hindi na akong nag abala pa na lingunin man lang si Spence.

"Lessy!  Saglit! " sigaw niya sa akin

Hindi ko na lamang siya pinansin at mas binilisan pa ang aking paglalakad.

"KYAHH!!  TULONG! " sigaw ko habang nakahawak sa isang sanga ng puno.

"SPENCCEE!!  AYOKO PANG MAMATAY!! " sigaw kong muli

Tinignan ko naman ang bangin na aking babagsakan. Napalunok na lamang ako ng nakita kong malalim pala ito.

T-teka?!  Asan na ba si Spence?!

"LESSY?!  ASAN KA?! " sigaw ni Spence

"HOY BRUHO!!  NANDITO AKO SA BABA! " sigaw ko sa kanya

Nakita ko naman na liningon niya ako at napatigil.

"Pfft mukha kang unggoy! " sabi ni Spence saka tumawa

"Hoy letse ka!  Mamamatay na ako oh! " sigaw ko sa kanya

Nakita ko naman na medyo natauhan ito.Akmang hihilain niya na ang kamay ko ng biglang naputol ang pinagkakapitan ko.

"LESSY! " sigaw ni Spence

Napapikit na lamang ako sa sobrang bilis ng mga pangyayari. Hindi ko na maaninag si Spence ngunit nakikita ko na ang aking pagbabagsakan.

Dahan dahan na lamang akong napapikit at nagdasal ng paulit ulit.

"SHERA!!!! " sigaw ko

Lumingon ako ngunit walang nagparamdam kahit na ano.

"TULONG! " sigaw kong muli

Ngunit kahit na ano ay wala akong narinig. Tahimik ko na lamang na pinapakinggan ang aking paligid.

Nakaramdam ako ng malamig na bagay sa aking likuran na dahilan ng aking pagkakamulat.

"BUHAY PA AKO?! " sigaw ko at sinampal sampal ang aking sarili

"Hihi hindi ba obvious? " sabi ng isang tinig

Napalingon naman ako kaagad sa boses at isang maliit na nilalang naman ang sumalubong saken.

"S-shera? " sambit ko dito

Nginitian niya na lamang ako pero nagulat ako ng nag iba ito ng anyo at naging kasinlaki ko.

"Masaya akong makita kang muli Lessy." seryoso nitong sabi

"WAHHHHHHHHH!!! "

Napatingin naman kami sa taas kung saan namin narinig ang sigaw. Hindi ko napigilang mapatawa sa mukha ni Spence.

"Pfft haha mukha kang bakla Spence! " sabi ko sa kanya

Nginitian na lamang niya ako at pumunta sa aking tabi.

"At least hindi gaya mo na mukhang unggoy pfft" sabi niya saka pinigilan ang kanyang tawa

Inirapan ko na lamang siya at tumingin kay Shera.

"Ano yun Lessy?  Nararamdaman ko na kailangan mong muli ang aking tulong" sambit ni Shera

"Shera alam kong mas malakas ka sa mga Elemental Goddesses dahil kabisado mo na ang iyong elemento" pagpapaliwanag ni Spence

Napangiti naman si Shera na tila alam niya ang aming hinihiling.

"Sumunod kayo sa akin" seryosong sambit ni Shera

Tahimik kaming sumunod ni Spence kay Shera. Habang naglalakad kami ay hindi ko maiwasang hindi mapansin ang mga dyamante na pakalat kalat lamang sa paligid.

"Ang mga dyamanteng iyan ang bumubuhay sa kapangyarihan ng hangin" pagpapaliwanag ni Shera na tila ba nababasa niya ang aking isipan.

"Oo tama ka nababasa ko ito. At maging si Spence ay nababasa niya ang nasa isip mo" dugtong ni Shera

Napatigil naman ako sa aking paglalakad at tinignan ko sila.

"Tila may bumabagabag sayo Lessy?" tanong ni Shera

"Nagtataka lamang ako kung bakit hindi ko na kayang gamitin ang kakayahan ko" sabi ko sa kanila

Nagtinginan lamang silang dalawa at nginitian ako.

"Normal lang iyan Lessy alam mo kase ang mga nakakataas na gaya niyo ni Spence ay hindi nagagamit ang kanilang kakayahan bago maging legal ang edad niyo. Maging si Spence ay napagdaanan din yan" sabi sa akin ni Shera

"Ngunit bakit? " nagtataka kong tanong sa kanila

"Dahil kailangan mong patunayan sa Elemental Goddesses na karapat dapat kang hirang-" tinakpan agad ni Shera ang bibig ni Spence kaya hindi na niya naituloy ang kanyang sasabihin.

Nagpatuloy lamang kami sa paglalakad habang makarating kami sa isang kweba.
Nakita ko naman na inilabas ni Shera ang kanyang Amulet at biglang nahati ang lagusan ng kweba.

"A-asan tayo? " nagtataka kong tanong habang tinitignan ang paligid.

"Ang lugar na ito ang sentro ng kapangyarihan ng hangin. Tanging mga karapat dapat lamang ang nakakapasok dito. " sabi ni Shera

Karapat dapat?  Hindi ko alam kung aasa akong isa ako doon o hindi. Medyo naguguluhan pa din ako lalo na sa sinabi nila nakakataas. Madami pa talaga akong kailangang tuklasan tungkol sa nakaraan ko.

"Nandito ka ngayon dahil kailangan mo ng tulong ko." sabi ni Shera

"Ngayon sasanayin kita sa kung hanggang saan lamang ang iyong kakayanin" dugtong nito

Tumango na lamang ako ngunit nagulat ko ng biglang may mga patalim na sumalakay sa akin.

Napahawak na lamang ako sa balikat ko na ngayon ay nagdudugo na.

"Gawa sa enerhiya ng hangin ang mga patalim na iyan. Kung hindi ako nagkakamali ay alam mo na kung paano gumawa ng espada gamit ang hangin." sabi nito

Lalapitan na sana ako ni Spence pero bigla itong naikulong sa isang cage.

"Madami ka pang dapat matutunan Lessy." sabi nito ng seryoso sa akin

"Simulan na natin ang pagsasanay" malamig na sabi ni Shera

Napatango na lamang ako sa sinabi niya.

Curse (On Editing)Where stories live. Discover now