Curse 11

1.7K 46 1
                                    

[11]

Lessy's POV

"Hoy babae gising naa!! "

Dumilat naman ako ng bahagya at nakita ko si Spence na binubulabog ang tulog ko.

"Lessy!  Gising na!! " sigaw niyang muli

Tinakpan ko na lamang ang aking magkabilang tenga at pumikit.

"Ahh ayaw mong gumising ah tignan natin kung di ka pa gigising dito wahaha" sabi niya

Ngunit hindi ko siya pinansin bahala siya sa buhay niya.

"Wahhhhhh!  Hoy!  Walangya ka Spence!" sabi ko

Napabangon ako agad at inirapan siya.
Nakita ko naman na tawang tawa lamang siya. Paano ba naman kase binuhusan ako ng tubig ng damuho buti na lang malamig ang ginamit niya tsk!

"Ano bang kailangan mo?!  Madaling araw pa lang oh! " sigaw ko

Nakita ko naman na namula ang kanyang mukha at hindi makatingin sa akin ng maayos luh baliw na ata to kanina lang tawang tawa siya tapos ngayon kung makaasta parang nahihiya.

"A-ano. T-training Aish!  Magbihis ka nga muna! " sigaw niya

"Ha?  Nakadamit naman ako ah!  Problema mo ba?!" sabi ko

Umiwas siya nang tingin at ngumuso. Yung totoo?  May topak yata tong si Spence eh.

"A-ano kase" pautal utal niyang sabi

"Ano?! " sabi ko pabalik

Kinamot niya na lamang ang kanyang batok at pumikit.

"Bakat" sabi niya

Medyo naguluhan naman ako sa sinabi niya. Pero biglang nag sink it sa utak ko yung sinabi niya. Tinignan ko naman agad ang dibdib ko at nakita kong nakatingin siya dito.

"WALANGYA KA MANYAKK!!! " sigaw ko sa kanya sabay binato ko ng dagger ko

"Ang gwapo ko namang manyak!  Kasalanan ko ba kung di ka nag bra?!  Sabagay wala namang silbi yung bra eh! " pa chill chill niyang sabi ngunit halata sa kanya na naiilang ito

Pero teka?!  Sinasabi niya bang flat ako?!  Excuse me!

"EH KASALANAN KO DIN BA NA BINUHUSAN MO AKO NG TUBIG?! KYAAHHH!! " sigaw ko sa kanya

Akmang titirahin ko na siya ng energy ball ngunit bigla itong naglaho.

Napailing na lamang ako at napairap.

"Gwapo sana manyak naman tss! "

Nakasimangot akong pumunta sa training grounds namin ni Spence nakita ko naman siya na nakahiga sa may damuhan.

"Pst! " sabi ko sabay tapik sa kanya

"Oh andyan ka na pala?  T-teka!  BAKIT GANYAN ANG SUOT MO?! " sigaw niya

"Eh masama bang mag mini skirt?!  Tsaka desente naman to ah! " sagot ko sa kanya

"May naka mini skirt ba na nakikipaglaban?!  Hayy tignan mo nga yang blouse mo!  Kita kili kili mo! " bulyaw niya saken

Napairap na lamang ako sa sinabi niya. Hindi ba niya alam ang salitang Fashion??! Sabagay kahit ano namang isuot niya gwapo pa din siya.

T-teka sinabi ko bang gwapo siya?!  Yak as if!

"Oh ayan! " sabi ni Spence sabay bato sa akin nang yellow sleeveless top take note fitted! isang leather jacket na may naburda na L sa may gilid niya maong pants na fitted at knee high boots

"Yung totoo?!  Mag tr-training ba ako o magsasaka?! " sabi ko sa kanya

"Manahimik ka Lessy magpalit ka na doon! " sabi mi Spence at tinulak ako

Sinimangutan ko na lamang ako at nagpalit sa may tent na itinayo niya. Pagkalabas ko ay nakita ko ang mga inaayos niyang iba't ibang uri ng sandata.

"Para saan yan? " tanong ko sa kanya

Tinignan niya ako at pumunta sa harapan ko.

"Ang mga sandatang ito ay may iba't ibang katangiang taglay. Ikaw mismo ang pipili kung ano ang gusto mo ngunit nasa sa kanila na din kung sasama sila sayo" sabi ni Spence

"T-teka!  Sinasabi mo bang may buhay ang mga sandatang yan?!  Paano pag natutulog ako eh bigla akong sugurin ng sandatang yan?!" tanong ko kay Spence

Binatukan niya naman ako at tinignan ng masama.

"Hindi ka susugurin niyan baliw!  Dahil ikaw ang master niya.Parang sa mundo ng mga mortal nakakita ka na ba ng yaya na sinugod yung amo niya?!  Hindi di ba? " sabi ni Spence at tinulak ako papunta sa mga sandata

"Teka pala!  Huwag mo silang hahawakan!  Yung napili mo lamang ang hawakan mo." dugtong ni Spence

Tinanguan ko na lamang siya at tinignan ang mga sandata. Sinuri ko silang mabuti. Ngunit parang wala akong magustuhan sa mga ito. Hindi nila napukaw ang atensiyon ko maliban sa sandatang nasa pinakadulo

"Spence ano ito? " sabi ko saka itinuro ang isang dagger na kulay asul

"Secret! Bleeh! " sagot niya

Wow ha!  Ang tino tino ng tanong ko!  Pilosopo talaga tong lalaking to sarap kalbuhin eh! 

Inirapan ko na lamang siya at tinitigan ang dagger. Bakit parang gusto kong kunin ito? hayy ito na nga lang

Dahan dahan kong hinawakan ang Dagger.

"Hmm good choice. Alam mo ba na espesyal ang sandatang yan dahil taglay nito ang enerhiya ng mga elemento? " pagpapaliwanag ni Spence

Elemental Dagger pala ito eh. Buti na lamang at hindi ako sinugod neto.

"Kung inaakala mong sayo na yan nagkakamali ka. Kailangan mo munang patunayan ang sarili mo" sabi ni Spence

Napanganga naman ako sa sinabi niya. Ano?!  Pagsubok na naman?

"Paano ko naman gagawin yun? " sabi ko at tinaasan siya ng kilay

"Kaya nga nandito ako para mag train sayo di ba?!  Darating ang pagsubok na ibibigay ng Dagger na yan sayo kung alam niyang handa ka na" sabi ni Spence

Tumango na lamang ako at sumunod sa kanya.

"Ngayon subukan nating alamin ang mga abilidad ng sandata mo" sabi niya

Napabuntong hininga na lamang ako at iwinagayway sa ere yung sandata. Ngunit walang nangyari. Nakita ko naman si Spence na nagpipigil ng tawa

"Hindi ka magician Lessy itigil mo yan pft" natatawa niyang sabi

Inirapan ko na lamang ito at tinignan

"Ngayon tumakbo ka hanggang sa gubat at bumalik dito at dapat hindi ka tumigil o magpreno" sabi ni Spence

"NABABALIW KA NA BA?!  PAANO KO YUN MAGAGAWA?! " sigaw ko kay Spence

"Basta!  Takbo na go! "sigaw niya

Inirapan ko naman ito at tumakbo na ng tuluyan. Takbo lamang ako ng takbo hanggang sa hiningal at hindi ko na kinaya.

"H-hindi naman siguro malalaman ni Spence na huminto ako saglit wihihi" masaya kong sabi

Umupo muna ako sa may bato ngunit nagulat ako ng buhatin ako ng hangin at ibalik sa training grounds.

"Hindi ba sabi ko sayo huwag kang magpapahinga? Kapag tumigil ka man ng kahit na saglit ay ibabalik ka kaagad ng hangin dito at magsisimula ulit" seryosong sabi ni Spence

"Bwisit ka Spence! " sigaw ko sa kanya at nagsimulang tumakbo ulit

Curse (On Editing)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant