Curse 5

3.8K 105 7
                                    

[5]

Lessy's POV

Tahimik kong sinusundan si Andrew. Lahat ng pupuntahan niya ay pupuntahan ko din.

Nagmumukha na nga akong stalker eh pero wala akong pakialam. Kailangan ko ng kasagutan at siguro siya lamang ang makakapagbigay noon.

Patuloy lamang sa paglalakad si Andrew papunta sa isang madilim na eskinita.

Sinusundan ko lamang ito ngunit palihim lamang. Ayoko siyang gulatin. Ngunit sa lagay na ito ako pa yata ang magugulat.

"May nakasunod ba sa yo? " tanong ng lalaki kay Andrew

Yumuko bg bahagya si Drew na tila ba nagbibigay ng pugay at respeto sa kanya.

"Wala po kamahalan" sagot ni Andrew

Kamahalan?  Kung ganoon ay posible kayang may kinalaman si Andrew kung bakit ganito ako?

Tahimik lamang akong nagmamasid sa kanilang dalawa. May inabot yung lalaki kay Drew na itim na kahon saka ito naglaho.

Puno ng katanungan ang aking ulo ngayon. Akmang aalis na ako ng biglang nagsalita si Drew.

"Lessy alam kong nandiyan ka" tawag ni Drew

Dahan dahan naman akong nagpakita sa kanya.

"Anong kailangan mo? " tanong niya sa akin

Hindi na ako nagdalawang isip pa na nagtanong.

"I want answers. Mga sagot na ikaw lamang ang makakapagsabi" seryoso kong sabi sa kanya.

Bahagya naman itong natawa. Yung tipong iiyak ka na sa sobrang saya.

"Bakit hindi mo tanungin ang iyong pangahas na ama?! "bulyaw niya sa akin

Magtatanong na sana ako ng bigla itong naglaho. Bakit?  Anong kinalaman ni Daddy dito?

"Sabi ko sayo sa taong malapit sa puso mo hindi sa taong dumurog ng puso mo" bulong muli nito sa akin

"Sino ka ba ha?! " sigaw ko sa kanya habang nililibot ang aking mga mata umaasang makita ko ito o ang anino niya

"Tawagin mo na lamang ako sa pangalang Thena" sabi nito

Ilang segundo pa ang lumipas ay naramdaman kong wala na ito sa paligid.

Litong lito akong umuwi kailangan kong makausap si Daddy. Sana siya na ang kasagutan sa mga tanong ko.

Habang inaantay ko si Daddy sa kanyang opisina dito sa bahay ay hindi ako mapakali. Paulit ulit akong naglakad lakad sa opisina ni Daddy.

"Oh Lessy?  Bakit di ka mapakali diyan?  Makati ba yang paa mo nak at hindi ka matigil sa paglalakad? " pambungad na tanong ni Daddy

Lumapit naman ako agad kay Daddy at sumimangot.

"Dad na co confuse na ako I need answers" sabi ko sa kanya

Nakita ko naman na napabuntong hininga si Daddy na tila ba alam niya ang gusto kong malaman.

"Sigurado ka na ba nak?  Pag nalaman mo ito mag iiba na ang buhay mo kase tiyak ko na babalikan ka na nila" mahinang sambit ni Daddy

Yumakap na lamang ako kay Daddy at bahagyang napatango sa tanong niya.

"Dad Im ready" sabi ko sa kanya

Napabuntong hininga naman ulit si Dad saka siya umupo. Sumunod naman ako sa kanya.

"It all started when I fell inlove with Rosetta"

Curse (On Editing)Where stories live. Discover now