Curse 4

4.5K 112 1
                                    

[4]

Thena's POV

Tahimik kong pinagmamasadan si Lessy sa aking salamin. Halata sa kanyang mukha ang pagtataka. Alam kong binabalot na ito ng kuryosidad.

"Thena anong ginagawa mo diyan? "

Napalingon naman ako sa boses na aking narinig.

"Nakabalik ka na pala" sagot ko sa kanya

Nakita ko naman siyang bahagyang napatango.

"Siya ba si Lessy? Ang napil-" tinakpan ko ang kanyang bibig at matalim siyang tinignan

"Manahimik ka Spence ayaw nating may makaalam ng impormasiyon na iyon" sabi ko sa kanya saka ko siya binitawan

Bakas sa pagmumukha niya ang pagtagaka. Tila ba tinatanong niya kung bakit hindi pwede.

"Dahil sa oras na malaman nila ang tungkol doon hindi na maisasatupad ang propesiya" sambit ko saka ko siya tuluyang iniwan

Kailangan kong mapanatiling ligtas si Lessy dahil sa oras na dumating sila. Sa oras ng kanilang pagbabalik siya ang magiging sagot at gabay namin sa lahat ng mga mangyayari. Kaya walang dapat mangyaring masama sa kanya.

Lessy's POV

Isang araw na naman ang lumipas ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa din kilala kung sino man ang gumugulo sa akin.

At sobrang nakakapagtaka lang na hindi ko magamit ang aking mga abilidad. Oo nakakabasa pa rin ako ng mga iniisip ngunit kapag ginagawa ko yun ay bigla akong mawawalan ng malay. Para bang may pumipigil sa akin na gawin iyon.

Kasalukuyan akong naglalakad ngayon sa hallway ng aking eskwelahan. First day ko ngayon sa college ngayon at dahil nga sa Daddy ko ang school na ito naisipan niya din na ako muna ang mamahala habang wala siya.

Patuloy lamang ako sa paglalakad ng may nakabanggaan ako. Napaupo naman ako sa sahig.

"Sorry Miss" sabi nito
napatigil naman ako ng makita ko ang mukha ng lalaking nakabungguan ko.

"L-lessy? " pautal utal nitong sabi

Nanghihina naman akong tumayo at pinagmasdan ang mukha niya.

"Babe!  Bakit ba ang tagal mo?! "

Napalingon naman kaming dalawa sa babaeng sumigaw. Umangkas naman ito sa kamay ni Drew.

Ilang beses pa akong tinitigan ni Andrew saka ito umalis.

Its been two years but the pain is still there. Ganito siguro talaga pag totoong minahal mo ang isang tao.

Halos maghapon akong nakaupo sa opisina ko dito sa school. Hindi na akong nag abalang kumain man lang o pumasok sa mga klase ko.

"Lessy"

Agad naman akong napalingod sa boses na iyon.

"Hindi mo ako makikita" dugtong pa nito

Napabuntong hininga na lamang ako.

"Sino ka ba talaga?!  Anong kailangan mo sa akin? " sabi ko

"Ikaw? Sino ka ba talaga? " sagot niya sa akin

May punto ang sinabi niya.Sino nga ba ako?  At bakit ako ganito?

"Kung gustong mong malaman ang kasagutan tanungin mo ang taong pinakamalapit sa puso mo" sabi niya saka tuluyang naglaho ang boses.

Si Andrew?  Ano namang kinalaman niya sa akin?  Isang lang ang magagawa ko para malaman ang lahat. At sana hindi ko ito pagsisihan.

Curse (On Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon