Curse 20

1.2K 29 0
                                    

[20]

Andrew's POV

"Drew asan tayo? " tanong ni Lessy

Nginitian ko na lamang siya at hiniga sa kama.

"Mamaya ka na magtanong Maunthe sa ngayon matulog ka muna" sabi ko sa kanya

Hinawakan niya naman ang aking mga kamay at niyakap ito.

"Maunthe?" tanong niya

"Simula ngayon Maunthe na ang pangalan mo at hindi Lessy." sagot ko sa kanya

Tumango na lamang ito at pumikit na.

Akmang maglalakad na ako palayo ng bigla akong pinigilan ni Maunthe.

" I love you" mahina niyang sambit

Niyakap ko na lamang ito at umalis na.

Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa dungeon.Let's just say na bibisitahin ko ang isa sa mga tumulong sa akin para magawa lahat ng plano ko.

"Well,well,well kamusta ang paborito kong galamay? " sabi ko sa kanya

Sinamaan niya na lamang ako ng tingin at hindi pinansin.
Bigla naman akong naasar sa ginawa niya kaya inihampas ko sa mukha niya ang hawak kong espada.

"Arghh! Walanghiya ka! " sabi niya

"Oh?  Bakit Thena?  Hindi ka ba masaya para sa mahal mo? " sabi ko saka ko siya nginitian

"Niloko mo ako" mahina niyang sambit at unti unting bumuhos sa kanyang mga mata ang mga luha niya

Napatawa na lamang ako sa inasta niya at sinampal siya.

"Kung tutuusin ay pwede na kitang patayin ngayon Thena pero mukhang may silbi ka pa. Kung i pa rape kaya kita sa mga kawal dito?  Pero teka hindi na lang haha! " sigaw ko sa kanya

Dahan dahan naman akong naglakad palayo ngunit bago ako tuluyang makaalis ay nilingon kong muli si Thena.

"And by the way Thena thanks for the other night sobrang nag enjoy ako" sabi ko saka ko siya nginitian.

Umpisa pa lamang ito ng lahat ng ginawa nila sa amin. At sisiguraduhin kong sa akin mapupunta ang huling halakhak.

Shera's POV

"Ano ba ang nangyari kay Lessy?!  Bakit hindi niya tayo maalala?! " sigaw ni Spence

Napabuntong hininga na lamang ako dahil sa sinabi niya. Mukha nga talagang naisahan kami. Pero ang pinagtataka ko bakit hindi nila pinatay si Lessy?  Bakit hinayaan nila na mabuhay ito? At lalong lalo na bakit binura nila ang mga ala ala ni Lessy?

"Kailangan may gawin tayo Shera! " sigaw ni Spence

Napatango na lamang ako sa sinabi niya.

Kailangang malaman ko ang tunay na nangyari kay Lessy. At isa lamang ang kilala kong makakasagot sa katanungan ko.

"Shera?!  Saan ka pupunta? " pigil sa akin ni Spence

"Sa kabilang dimension" tipid kong sabi saka ako naglaho.

Pero nagulat ako ng nakita si Spence sa tabi ko.

"Sama ako" sabi niya

Napailing na lamang ako sa inakto niya. Ano pa bang magagawa ko eh andito na siya. Hindi ko naman siya pwedeng paalisin eh lalo na ngayon sobrang delikado na.

"Narah!  Magpakita ka! " sigaw ko sa paligid

Nakiramdam naman ako sa paligid at naramdaman ang presensiya na nasa may likod namin.

"Shera. Ilang dekada na ng huli tayong nagkita" sabi nito at naglakad papunta sa amin

"Anong sadya niyo dito? " mahinahon na sabi ni Narah

Magsasalita na sana ako ng pinigilan ako ni Spence.

"Kailangan naming malaman ang nangyari kay Lessy" sabi ni Spence

Napatigil naman ng bahagya si Narah at tinitigan kami.

"Kung yan ang gusto niyo" sabi ni Narah

Itinaas niya naman ang kanyang mga kamay. Bigla naman sumulpot sa harapan namin ang Celestial crown.

"T-teka bakit kulay itim ang korona? " takang tanong ni Spence

"May isang hangal na nagsumpa sa korona. At base sa nangyari kay Lessy mukhang mawawalan ng kahit na anong ala ala ang humawak nito" sabi ni Narah

"Ngunit bakit naalala niya si Drew?!  Bakit?! " sigaw ni Spence

Napailing na lamang si Narah at pinaglaho niya sa kanyang mga kamay ang korona.

"Sino ang may gawa nito?" tanong ko kay Narah

"Isang dark soul. Sila lamang ang may kakayahang lasunin ang kapangyarihan ng koronang ito. Ngunit nakakapagtaka na nakapasok ang isang Dark Soul sa dimensyong ito" sagot ni Narah

"Liban na lamang kung may nagtaksil sa atin at nakipagtulungan sa mga Dark Soul" dugtong ni Narah

"Ngunit ano namang mapapala nito sa mga Dark Souls? " tanong ko kay Narah

"Hindi ko din alam Shera ngunit sa tingin ko ay nasa panganib na tayong lahat. Hindi biro ang mga galaw ng nga Dark Souls sigurado akong may pinaplano silang malaki at pwede itong magpabagsak sa atin" sabi ni Narah

Napatango na lamang ako sa sinabi niya. Isa lang ang natatanging paraan para malaman ko ang lahat.

"Shera saan ka pupunta?" tanong ni Narah

"Kung saan ko malalaman ang lahat" sagot ko kay Narah

Nakita ko naman na bahagyang napatango si Spence at Narah. Tuluyan na akong naglaho at pumunta sa aking pakay.

Curse (On Editing)Where stories live. Discover now