Curse 21

1.1K 28 0
                                    

[21]

Andrew's POV

"Naniwala naman ba sila sayo?" tanong ko

Tumango naman siya at nginitian ako.

"Alam mo babe!  Bakit ba kase ako ang napili mo?  Like duh?!  I have to act na mabait!" pagrereklamo niya

Niyakap ko na lamang siya at hinalikan.

"Babe alam mo naman na kailangan nating gawin to di ba?  Susuportahan mo naman ako babe di ba? " tanong ko sa kanya habang hinahalikan ng dahan dahan ang kanyang leeg

"Ahmm hmn b-babe" ungol niya

Nginitian ko na lamang siya at hinalikan ng dahan dahan.

"Hmm Drew" sabi niya

Napangiti na lamang ako sa inasta niya at niyakap siya ng mahigpit.

"Drew?!  Andyan ka ba? " sigaw ni Maunthe

Napabitaw naman kami kaagad sa pagyayakapan. Sakto naman ang paglaho niya ng dumating si Maunthe.

Dahan dahan itong naglakad palapit sa akin at ngumiti.

"Bakit ka nandito Maunthe? " malamig na tanong ko sa kanya.

"Ahm wala kase akong makausap eh" sabi niya at tumabi sa akin

Napailing na lamang ako sa inasta niya. Napakaisip bata hindi ko akalain na kailangan ko siyang pagtiisan!

Kung patayin ko na kaya siya?  Hmm pero hindi pwede masisira ang plano ko pag nawala siya.

"Kamahalan" sambit ni Klent at yumuko

Nakita ko naman na medyo nagulat si Maunthe sa kanya. Nah impossible. Siguro naman ay hindi niya ito makikilala.

"Maunthe sumama ka muna kay Klent may tatapusin lamang ako" sabi ko

Nakita ko naman na tinitigan niya ako na tila may inaantay. Ngunit hindi ko na lamang ito pinansin.

I dont care about her and her feelings. Kahit na ilang beses pa siyang mamatay wala akong pakialam. Dahil kung sakaling mamatay siya ako pa ang unang magdidiwang.

Pero hindi pa sa ngayon. I need her, I need her power.

Maunthe's POV

kasalukuyan kaming naglalakad ni Klent sa isang hardin. Actually hindi kami sabay maglakad ang weird nga eh para tuloy akong prinsesa na may body guard.

"Pst! " tawag ko sa kanya

Napalingon naman siya at tinitigan ako. Luh?  Parang gusto akong patayin nito ah!

"Hindi naman kita kakainin eh! Bakit ayaw mo akong lapitan? " sabi ko sa kanya

Dahan dahan naman itong lumapit sa akin. Nagmasid masid naman siya sa paligid.

"Lessy makinig ka! " sabi niya sa akin ng pabulong

Nakita ko naman na may inabot itong kuwintas.

"Lagi mong susuotin yan pero huwag na huwag mong ipapakita sa iba" sabi nito ng seryoso

Napatango naman ako dito at tinignan ang hawak niyang bote.

"Uhm ano masyado tayong close di ko keri" sabi ko sa kanya

Medyo nagulat naman siya at humiwalay ng konti. Naku buti na lang baka makita pa kami ni Drew.

"Inumin mo yan bago ka matulog mamaya" sabi niya ng mahina

"Eh paano pag ayoko? " sagot ko sa kanya

Tinaasan niya naman ako ng kilay at ngumiti.

"Papatayin ko Daddy mo" sagot niya

Bigla naman akong kinilabutan sa ngiti niya kaya napatango na lamang ako at umalis na.

Ang weird niya ha?!  Feeling ko mamatay na ako sa presensiya niya ewan ba!  He's just too weird to take!

Spence's POV

"Shera ayan ka na pala! " sabi ko sa kanya

Hindi na lamang ito umimik at bahagya akong inirapan.

"anong nangyari sa pinuntahan mo?! Nakita mo ba si Lessy?! " sigaw ko sa kanya

Napabuntong hininga na lamang siya at umiling. Bakit parang may nag iba kay Shera?  Oo,  tipid siyang magsalita pero ang weird niya eh!

"Hoy! Shera!  Nakita m-"

"SABI NANG HINDI EH!  BAKIT BA ANG KULIT KULIT MO?! " sigaw niya sa akin

Napanganga naman ako sa naging reaksiyon niya. Ano ba kaseng nangyari at nagkakaganyan si Shera?

"Uhm I mean hindi ako nakapasok sa loob no!  Its just nakakaasar there! "sabi niya at nagdabog

Napakunot naman ang aking noo sa kanyang sinabi.

"Kailan ka pa natuto ng salita ng Mortal? " taka kong tanong sa kanya.

Napatigil naman siya ng bahagya at nilingon ako.

"N-naririnig ko kay ano kay LESSY! " sagot niya

Hindi ko na lamang ito pinansin at nag isip. Imposibleng matutunan niya kay Lessy yan dahil unang una sa lahat hindi pa naman nagsalita si Lessy ng ganyang lengguwahe dito.

At isa pa isa siyang Ancient Pixie kaya sobrang imposible naman na babaliin niya ang mga paniniwala at tradisyon nila.

May hindi tama dito. At kailangan ko itong baguhin. Pero ano naman kaya ito?

Curse (On Editing)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ