Curse 15

1.3K 37 1
                                    

[15]

Lessy's POV

"Spence!  Tara na! " sigaw ko sa kanya

Agad naman siyang pumunta sa aking tabi at naglakad.

"Hayy ano ba kase itong pinagawa ni Shera! Sasanayin ka niya ba talaga o papatayin?! " reklamo ni Spence

Binatukan ko na lamang ito at patuloy na naglakad. Kasalukuyan kaming papunta sa invisible forest.

"Alam mo ba kung anong meron doon?!  KAMATAYAN!  YUN ANG NANDOON! " sigaw muli ni Spence

Napailing na lamang ako at tinignan ang mapa na binigay ni Shera. Base sa mapang ito nasa bandang harap lang namin ang invisible forest.

Tinignan ko naman ang paligid ngunit wala akong ibang nakita kundi isang bangin lamang.

"Kita mo na?!  Kamatayan yan! " sigaw muli ni Spence

"Manahimik ka Spence! " sigaw ko rito saka ko siya tinignan ng masama

Patuloy ko lamang tinitigan ang bangin. Paano kaya kung tumalon ako diyan?  Baka naman nasa baba yung Invisible forest?

"Walang katapusan ang bangin na iyan." sabi ni Spence

Napalingon naman ako sa kanyang sinabi. Walang katapusan?  Eh paano naman kami makakarating sa Invisible forest?

Maglalakad na sana ako papunta sa bangin ngunit may mga naka itim na cloak ang humarang sa akin at pinalibutan kami ni Spence.

"Sino kayo?! " sigaw ko sa kanila ngunit hindi sila umimik

Nagkatinginan naman kami ni Spence at inihanda ang sarili namin. Akmang susugod kami ni Spence ng biglang nanigas ang aming mga katawan.

"Spence?!" sigaw ko sa kanya

Nginitian niya na lamang ako na tila ba pinapahiwatig na ayos lang siya.

Pinilit kong gumalaw pero hindi ko maigalaw ang aking katawan. Para bang naging bato na ito sa sobrang tigas at parang naka glue ang aking mga paa sa lupa.

"Anong kailangan niyo?! " sigaw ni Spence

Ngunit hindi sila muling umimik.

"Tignan mo nga naman kung sino ang nandito" sabi ng isang lalaki

Tinitigan ko na lamang ito at hindi na pinansin. Patuloy ko pa ding pinipilit na makagalaw ngunit hanggang ngayon ay wala pa ding nagbabago.

'Gamitin mo ang hangin'

Nagulat naman ako sa aking narinig. T-teka!  Boses yun ni Spence ah?

'Huwag ka nang mag isip pa Lessy!  Mamaya ko na ipapaliwanag'

Sabi niyang muli.

"Akala ko ba ikaw yung nakatakda? Ang hina mo naman! " bulyaw sa akin ng lalaki

Sinamaan ko na lamang ito ng tingin at nag concentrate sa enerhiya ng hangin.

Naramdaman ko naman bigla na may dumaloy na kuryente sa aking katawan.

'Here this song oh energy
Run your magic through our skin
When this happen the spell shall break
And this body shall be free'

Bigla naman akong nakaramdam ng lamig ng sinambit ko ang mga katagang iyon.

"Spence! " sigaw ko sa kanya saka ko siya nilapitan

Nakita ko naman na medyo napangisi ang lalaking nakamaskara.

Agad ko namang nilabas ang dagger ko at ginawa itong latigo.

"Hmm mukhang nagkamali ako" sambit ng lalaking nakamaskara

Nakita ko naman na sinenyasan niya ang mga kasama niyang sumugod.

Agad ko naman iwinasiwas ang latigo sa lupa. Nakita ko naman na tumilapon ang iba ngunit may mga iilang natira pa din.

"Lessy!  Ako nang bahala ikaw na sa master nila! " sigaw ni Spence

Tumango na lamang ako at pumunta sa direksiyon ng lalaking nakamaskara.

Agad ko namang ginawang dagger ulit ang latigo at ibinato sa kanya. Sakto naman na tumama ito sa kanyang bewang.

"Lessy. Lessy. Lessy" seryosong sabi niya sa akin habang naglalakad palapit sa akin

Napahakbang naman ako palikod at tinignan siya ng seryoso.

"S-sino ka?! " sigaw ko sa kanya

Ngumiti na lamang ito at dahan dahan niyang tinanggal ang kanyang maskara.

"Bakit hindi tayo maglaban ngayon Lessy? Tignan natin kung hindi ka magsisi sa mga taong pinanigan mo" sabi niya at itinutok sa akin ang espada niya

Hindi na lamang ako nakagalaw at tinitigan ko ito.

"Oh my Lessy. Anong problema? " sabi nito

Akmang yayakapin ko na ito ng bigla niya akong sinaksak gamit ang dagger ko.

"D-drew" sabi ko sa kanya

Isang ngisi na lamang ang kanyang isinagot at lumapit sa akin.

"Kagaya ka pa din ng dati Lessy madali kang maapektuhan ng nararamdaman mo. " sabi niya sa akin at hinalikan ako sa aking pisngi

"Paano na lamang pag nalaman mo ang katotohanan? " dugtong niya at niyakap ako

Napapikit na lamang ako sa ginawa niya. God knows how I miss him so much. But why?

"I just want whats best for you Lessy" mahina niyang sambit

Magsasalita na sana ako ng bigla niyang hinugot ang dagger saka muli niyang isinaksak sa akin.

"And dying is whats best for you" sabi niya saka siya dahan dahang umalis

"W-why? " pautal utal kong sabi

Hindi niya na lamang ako sinagot at naglaho ito ng parang bula.

"D-drew" mahina kong sambit

Naramdaman ko naman na medyo nanghihina na ako. Dahan dahan akong napapikit dahil sa sakit na aking nararamdaman. Hindi dahil sa pagkakasaksak sa akin ngunit dahil ang taong pinakamamahal ko ang gumawa sa akin nito.

Curse (On Editing)Where stories live. Discover now