Curse 10

2K 58 1
                                    

A/n: SpenSsy on the media section.

[10]

Lessy's POV

"Aray! " sigaw ko ng makuryente ako sa enerhiya ng hangin

Napabuntong hininga na lamang ako habang tinitignan ang mga pasa ko

"Pambihira naman Lessy!  Isang linggo na nating ginagawa ito hindi mo pa din makuha? " sabi ni Spence na inip na inip sa pagtuturo sa akin

"Pasensya naman po!  Ni hindi mo nga sinabi na nakakakuryente pala ang hangin eh! " sigaw kong pabalik saka inirapan ko siya

Napabuntong hininga siya at lumapit sa akin.

"Alam mo siguro kailangan mo nang magpahinga Lessy" sabi ni Spence

Napakunot naman ang aking noo sa kanyang sinabi. Pahinga?!  Akala ko ba ay kailangan ko nang matutunan to agad?

"Magandang magpahangin at mag tsaa sa falls doon sa may gubat baka makatulong ito sayo kung paano mo magagawa ng maayos ang pagkontrol sa hangin" sabi nito

Nginitian niya ako at umalis na. Well ano pa nga ba ang magagawa ko?

Kasalukuyan akong nakaupo sa may falls na sinabi niya. Tinitignan ko ang magandang scenario na dulot nito habang pinapakinggan ko ang mga huni ng ibon.

Habang nakapikit ako at nag iisip naramdaman ko naman na may isang nilalang na pumitik sa ilong ko.

"Hi Lessssyy! " maligaya niyang sambit

Napanganga na lamang ako sa aking nakita. Luhh buhay si thumbelina!  Totoo pala talaga siya.

"Hihi nagkakamali ka Lessy hindi ako si thumbelina" sabi nito at umupo sa may kamay ko

"Ako si Shera!  Ang tagapagbantay ng gubat na ito" sabi niya at nginitian ako

"Eh bakit maliit ka? Nasumpa ka ba?  O baka naman shape shifter ka? " taka kong tanong sa kanya

Tinawanan niya na lamang ako at nginitian

"Ano ang mga galos na iyan Lessy?  Ayy bago pala ang lahat nais kong ipakilala ng pormal ang aking sarili!  Hihihi! Ako si Shera ang tagapagbantay ng gubat na ito at ang pixie ng hangin! " tuloy tuloy jiyang sabi

Wow ha uso din pala ang pixie dito?  Bakit hindi ko alam yun?!

Ngunit hindi ba sabi niya pixie siya nga hangin?!  Matutulungan kaya niya ako?

"Teka!  Di ba sabi mo pixie ka ng hangin?  Kung gayon kaya mong ikontrol ito? " tanong ko sa kanya

Tumango tango naman ito at ngumiti

"Nababasa ko sa iyong emosiyon na kailangan mo ng tulong ko.Tungkol saan ba iyon Lessy?  Hihihi" sabi niyang muli

Ikwinento ko naman na kailangan kong matutunang kontrolin ang hangin kahat ng detalye ay di ko pinaglapas. Kahit yung mga palpak ko ay sinabi ko.

"Ah alam ko na!  Baka kase hindi matibay ang koneksiyon mo sa elemento ng hangin kaya ganyan! " sabi nito

"Huh?  Koneksiyon sa hangin? " taka kong tanong tumango tango na lamang ito

"Ngayon ay gagawin mo ay kailangan mong marinig ang awit ng hangin" seryoso nitong sabi

Ha?  Awit ng hangin?  Kumakanta pala ang hangin?

"Ano namang magagawa non para makontrol ko ang hangin? " sabi ko

Lumipad naman siya sa hangin at tumawang muli

"Hihihihi sa ganoong paraan ay humihingi ka ng permiso sa elemento ng hangin na gamitin ang enerhiya nito. Ngunit bago ka nila pahintulutan ay bibigyan ka nila ng isang pagsubok hihihi kaya ngayon ay pumikit ka ang damhin ang hanginnnn" sabi niya saka naglaho

Haluh!  Bakit nawala si Shera?!

Umupo ulit ako at pumikit. Gaya ng sabi ni Shera ay kailangan kong damhin ang hangin. Ilang minuto na akong pumikit pero wala pa ding nangyayari.

"Tama kaya tong ginagawa ko? " tanong ko sa sarili ko

Pumikit muli ako at itinuon ang aking pandinig at atensiyon sa simoy ng hangin. Bigla akong nakaramdam ng kuryenteng tila dumadaloy sa aking katawan. Naging magaan ang aking pakiramdam na tila ba isa akong papel na nagpapadala sa hangin.

"Magaling!"

Napadilat ako sa boses na aking narinig.Lumilingon lingon ako sa aking paligid ngunit wala akong makita kahit na anino man lang.

"Hihihi nandito ako sa baba" sabi nito

Medyo naguluhan naman ako sa sinabi niya ngunit gaya ng sabi niya tumingin ako sa baba.

"LUMILIPAD AKO?! "gulat kong sabi

Buong akala ko ay nakaupo lamang ako sa lupa hindi ko alam na nililipad na pala ako ng hangin.

Naramdaman ko naman na dahan dahan akong ibinababa ng hangin sa lupa.

"Sino ka? " sambit ko sa babae

Tumawa na lamang ito. Teka kilala ko ito ah!  Bakit lumaki yan eh kanina lang ang liit liit niya?

"Hihihi Nandito ako Lessy upanh sabihin sayo na napagtagumapayan mo ang pagsubok na binigay ko hihihi" sabi ni Shera

"Pagsubok?  Yun na ba yun? " sagot ko

Tumango naman ito at nakita kong may marka na dumikit sa aking palad at naglaho

"Yan ang simbolo ng elemento ng hangin. Pambihirang kakayahan alam mo ba na hindi kayang gawin yan ng pangkaraniwang Immortal? " sabi niya sa akin

"Pinagpala ka at binigyan ka ng permiso ng hangin"dugtong niya dito

Akmang magtatanong pa ako ng bigla itong naglaho. Hayy nako lagi na lang silang naglalaho kapag may itatanong ako yung totoo?!  Nakikipaglaro lang ata sila sa akin ehh!

Nakasimangot akong bumalik sa training spot namin. Nakita ko naman si Spence na naka blindfold at nakikipaglaban sa presensiya ng hangin.

Pawis na pawis na ito at pagod na pagod. Dahan dahan akong lumapit sa kanya ngunit nabigla ako ng bigla itong naglaho niyakap ako sa likod.

Ay hindi pala niyakap! Kikiligin na sana ako eh kaso nakatutok yung espada niya sa leeg ko ang sweet naman!

"Hoy Spence! Papatayin mo ba ako ha?! " sigaw ko sa kanya

Nakita ko naman na napangiti ito at tinanggal niya ang blindfold.

"Akala ko kase halimaw sorry wahaha! " pang aasar niya sa akin

Ay halimaw pala ah!  Hihi sa kanya ko kaya itesting kung kaya ko nang ikontrol yung hangin wihihi.

Nginitian ko na lamang siya at inikot ko ang aking dalawang kamay para makagawa ng isang energy ball.

"Hoy! Saan mo natutunan yan?! " sigaw niya sa akin

Ngunit kagaya kanina ay nginitian ko na lamang siya at itinutok sa kanya ang enerhiya na ginawa ko.

"Wahhhhh!!!  Lessy!!  Patigilin mo! " sigaw ni Spence habang kumakaripas ng takbo sa energy ball na ginawa ko

"Hahaha Go Spence!!  Mukha kang bakla! " tawang tawa kong sabi sa kanya

Nakita ko naman na tumakbo ito sa akin at hinalikan ako sa pisngi. Napanganga na lamang ako sa kanyang ginawa at tinignan siya ng masama

"Wahahaha bakla pala ah! " sabi ni Spence saka naglaho

Napangiti na lamang ako sa kabaliwan ng lalaking yun.

"Baliw ka talaga" bulong ko na lamang sa hangin

Curse (On Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon