Curse 26

984 27 0
                                    

[26]

Lessy's POV

"Okay Lessy relax ka lang. Ulitin natin ulit ah" sabi ko sa sarili

Sinubukan ko namang muling maglaho. Ngunit kagaya kanina ay hindi ako nakakalayo bagkus bumabalik ako sa aking silid.

Napasimangot na lamang ako at padabog na kinuha ang mapa.

"Bakit walang nakasulat? " taka kong tanong

Inikot ikot ko itong muli at binasa ng paulit ulit ngunit wala pa din nangyayari.
Sa sobrang inis ko ay naihagis ko na lamang ito ngunit nagulat ako ng bigla itong lumaki at parang naging carpet.

"Luh?!  Totoo naman pala ang magic carpet eh! " sabi ko na manghang mangha sa akin nakikita

Umupo na lamang ako dito. Akmang hahawakan ko na ito ng bigla akong nahulog at biglang napaupo sa damuhan.

"Ahh" daing ko at pinagpag ang damit ko

Napatingala naman ako at nakita kong sumasara na ang portal. Napa buntong hininga na lamang ako.

Akala ko matutupad na ang pangarap kong maging si Jasmine! Portal pala eh!
Padabog ko na lamang na nilakad ang daanan.

"Saan ko ba mahahanap ang mga Troll na ito? " bulong ko sa sarili ko

"HELLO??  TROLL'S???! " sigaw ko ngunit walang dumating

Napasimangot na lang ako at umupo sa isang bato.

"I see your true color's shining through" pagkanta ko

Bakit walang lumalapit?!  Eh di ba gusto naman nang Troll's ang kantang yun?  Theme song pa nga ata nila eh.

"Magpakita na kayo please" bulong ko

Nagulat naman ako nang biglang may gumulong na bato sa paanan ko.

"May TAOOOO!!! " sigaw niya

Bigla namang nagsigalawan lahat ng bato sa paligid ko. Napatayo na lang ako ng bigla kong naramdaman na may tumusok sa puwet ko.

"Hmmp! TAO! TAO! TAO! " sigaw niya

Napatakip na lamang ako ng tenga. Ang ingay nila ha.

"TAHIMIK! " sigaw ng isa sa mga Troll

Gumulong naman ito palapit sa akin at tumitig.

"Immortal" mahina niyang sabi

Hinawakan niya naman ang aking kamay at pumikit. Weird.

"Isang Elemental Goddess!" sigaw nito at dinilat ang kanyang mga mata

"Nagkakamali kayo diyan. Hindi ako isang Elemental Goddess"sabi ko sa kanila

Ngunit umiling iling ito at hinawakan muli ang kamay mo.

"Nanalaytay sa dugo mo ang dugo ng isang Elemental Goddess. Hmm ikaw ang anak ni Rosseta? " tanong niya ng nagtataka sa akin

Napatango na lamang ako at umupo sa may lupa.

"Kilala niyo si Mama? " tanong ko sa kanila

Tumango na lamang silang lahat.

"Hindi mo ba alam iha?  Na ang iyong ina ang dapat na naging Elemental Goddess. Ngunit dahil sa mga Dark Souls napilitan siyang patayin ang kanyang sarili upang mailigtas ka" sabi ng Troll sa akin

"Ngunit bakit? Bakit ginawa yun nang aking ina?  Bakit nais niya akong mailigtas? " tanong ko sa kanila

"Walang nakakaalam. Maliban na lamang sa isang libro na matagal ng nakatago sa kwebang iyon" sabi niya

Tinignan ko naman ang tinuro niya. Agad agad akong tumayo at nagsimulang maglakad papunta doon.

"Mag iingat ka Lessy. Wala nang nakakalabas na buhay sa kwebang iyon. Heto kunin mo ito" sabi niya

Kinuha ko ito at tinitigan.

"Ayan ang kuwintas ng iyong ina. Naway patnubayan ka ng mga Elemental Goddesses" sabi nila

Sinuot ko na ito at naglakad. Akmang pasasalamatan ko na sila ng bigla silang naglaho.

Dark Souls. Dahil sa inyo nagsakripisyo ang aking ina. Dahil sa inyo ay hindi ko na siya nakilala. Kaya pag nalaman ko lahat ng kagaguhan niyo sa pamilya ko. Sorry Drew pero mukhang ituturing na kitang tunay na kalaban ko simula ngayon.

Kasalukuyan akong naglalakad sa loob ng kweba. Nagbabakasakali na mahahanap ko kaagad ang Book of Knowledge.

Ang libro na kung saan ko malalaman ang lahat lahat. Ang coincidence lang na isipin. Bakit ito ang pangalawang pagsubok na binigay sa akin ni Laure. Posible kaya na kilala niya ang aking ina?

Napatigil na lamang ako sa pag iisip nang makita ang isang libro na nakalagay sa isang cage.

Ito na kaya ito?  Ang book of knowledge!  Akmang hahawakan ko na ito ng naramdaman kong parang niyayanig ang kuweba.

"Hindi mo makukuha ang book of knowledge! " sigaw nito

Napalunok na lamang ako ng makita ang isang higanteng ibon na nasa aking harapan.

"P-please kailangan kong makuha ito" sagot ko dito

Nakita ko naman na medyo napatawa ito. Bigla siyang nag anyong tao at itinutok ang espada niya sa akin.

"Talunin mo muna ako" sabi niya

Hindi na ako nakasagot ng bigla niya akong sinugod at nasugatan ang aking braso.

"Ahh" daing ko at napatingin sa kanya

Bigla itong umikot sa akin at nasugatan muli ng kanyang espada ang aking pisngi.

"Hinding hindi mo makukuha ang Book of Knowledge" sabi niya sa akin

Akmang sasaksakin na niya ako sa aking bewang ngunit naharang ko ito gamit ang dagger ng aking ina.

"Saan mo nakuha yan? "tanong niya sa akin

Hindi ko na lamang siya pinansin at tumalon sa likod niya.

"Huwag nang madaming satsat tapusin na natin to! " sigaw ko

Nginitian niya na lamang ako at itinaas ang espada niya.

"Magpaalam ka na ngayon." sabi niya sa akin

Napatingin na lamang ako sa kanya nang matalim.

Curse (On Editing)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant