Curse 6

3.7K 92 1
                                    

[6]

Lessy's POV

"Rosseta? " taka kong tanong kay Daddy

Napatango naman siya sa akin.

"Yes si Rosseta ang biological mother mo" kalamadong sabi ni Dad.

Biological mother ko?  Si Rosseta? Ibig bang sabihin nito ay hindi talaga nagkaanak si Mom and Dad?!

"Okay ka lang ba Daddy? O baka naman natutulog ka pa?" sabi ko sa kanya

Umiling iling naman ito at tumingin sa akin. Isang makahulugang tingin ang kanyang ibinigay. Para bang may isang malking sikreto ang nakaabang.

"Si Rosseta. Kagaya mo din siya. Nakakabasa ng isip ng tao nakakarinig sa mga saloobin at mga hinanakit ng isang tao" paliwanag ni Daddy

Tahimik din lang naman akong nakikinig. Sana lang malinawagan na ako. Dahil hindi na kaya ng kuryosidad ko ang mga nangyayari. Lalo na ang pagbabago ni Drew. At mas lalo na sa mga nangyayari at nakakausap nito.

Mario's POV (Daddy ni Lessy)

Tahimik na nakikinig si Lessy sa bawat sinasabi ko. Alam kong naguguluhan na siya at alam kong mangyayari ang araw na ito.

Labing pitong taon kong pinaghandaan ang araw na ito. Ang araw kung saan alam kong sa anumang oras ay pwedeng mawala si Lessy sa puder ko. Ang araw na kung saan alam kong babawiin na nila ito sa akin.

"Dad please tell me everything" sambit ni Lessy

Tinanguan ko na lamang siya at nagpatuloy sa kwento ko.

FLASHBACK
Year 1999

"Miss I'm sorry" sabi ko sa babaeng nakabanggaan ko.

Isang ngiti ang isinagot niya sa akin. Isang napakatamis na ngiti na ngayon ko lamang nasilayan.

Akmang magsasalita ako ng bigla kaming makarinig ng sigaw.

"Rosseta! Kailangan na nating umalis! " sigaw ng isang lalaki

Lumapit ito sa babaeng nakabanggaan ko kanina. Marahas niya itong hinawakan sa kanyang kamay.

Rosseta pala ang pangalan niya. Napakagandang pangalan para sa napakagandang babaeng tulad niya.

Unti unti silang lumayo na tila ba nagtatalo.Dahil sa kuryosidad ko ay sinundan ko silang dalawa ng palihim.

"Rosseta! Ilang beses ko bang dapat sabihin sayo?!  Huwag na huwag kang makikipag usap sa mga mortal! " sigaw ng lalaki sa kanya

Nagtaka naman ako sa sinabi ng lalaki. Hindi ba sila mortal? Ano naman kaya sila?  Immortal?  Mga taong lobo?

"Ngunit Rick!  Ano bang silbi ng pagpunta natin dito?! " sigaw ni Rosseta pabalik sa kanya.

"Kailangan nating matapos ang ating misyon ng tahimik. Iyon ang utos ng nakatataas kaya dapat sumunod ka na lamang" sabi ni Rick saka tuluyang na silang naglaho

Curse (On Editing)Where stories live. Discover now