Curse 12

1.5K 41 1
                                    

[12]

Lessy's POV

Hinihingal akong napaupo sa may damuhan. Pagod na pagod na ako pero ayaw akong patigilin ng bruho!  Akala niya ba madali lang tong pinapagawa niya??!  Eh ang sakit sakit na ng paa ko!

Napapikit muli ako ng naramdaman kong hinila ako ng hangin papunta sa training grounds.

"Lessy!  Kung kelan naman malapit ka na doon ka pa tumigil? " masungit na sabi ni Spence

Inirapan ko na lamang ito at humiga sa may damuhan.

"Ang sakit na kaya ng paa ko!  Pwede magpahinga muna?! " sabi ko kay Spence

Hindi naman niya ako pinansin at umalis. Hayy salamat mukhang makakapagpahinga na ako ng maayos.

Nakapikit pa din ako at dinadama ang paligid. Ang hirap pala nito. Akala ko noong una madali lang akala ko hahawak ka lang ng sandata hindi ko inaasahan na ganito kahirap ang lahat.

Feeling ko nga eh nabawasan ako ka agad ng sampung kilo dahil lang sa pagtakbo na yun!

"Lessy" bulong ni Spence sa akin

Dumilat naman ako at nakita ko siyang nasa ibabaw ko..

"Hoy!  Huwag po bata pa ako! " sabi ko saka tinakpan ko ang katawan ko

"Pft haha assuming hahaha sasabihin ko lang sana na kakain na" matawa tawang sabi ni Spence

Inirapan ko naman siya at binatukan. Saka gumulong paalis sa ilalim niya

"Bwisit ka talaga! " sigaw ko

Narinig ko lamang ang tawa niya. Dahil sa sobrang asar ko ay naibato ko agad sa kanya yung dagger ko pero nasalo niya ito agad.

"Sus!  Haha ang bagal mo naman! "pang aasar ni Spence saka ngumiti ng nakakaloko

Sinimangutan ko na lamang siya at tumakbo papunta sa kanya pero bigla itong naglaho at sumulpot sa likod ko sabay tutok sa akin ng Dagger.

Tinignan ko na lamang siya at kinindatan saka sinikmurahan siya. Sakto naman na naitapon niya yung dagger kaya tumakbo ako ng mabilis at sinalo ito.

"Nice Lessy mukhang may epekto na yung pagtakbo mo kanina ah medyo bumilis ka na! " sabi ni Spencer saka pumalakpak

Inirapan ko na lamang ito saka pumunta sa tent namin.

Tahimik lamang kaming dalawa habang kumakain. Siguro naramdaman niya na medyo asar ako sa kanya idagdag mo pa ang pagod ko kaya siguro medyo mainit ang ulo ko ngayon.

"Kain ka pa Lessy pagkatapos niya ay tatakbo ka ulit" seryoso na sabi ni Spence

Tumango na lamang ako at tinuloy ang aking pagkain.

Nakaupo ako ngayon sa may damuhan dito sa training grounds habang nag uunat. Mag ga gabi na pala ulit.

Tinitigan ko na lamang ang langit at huminga ng malalim. Pinikit ko na lamang ang aking mga mata at nagpadala sa simoy ng hangin.

"Bangon na Lessy!! " sigaw ni Spence

Napabalikwas naman ako at bumangon na kaagad. Nakatulog pala ako!  Hayg buti na lamang at hindi na ako binuhusan ng tubig ni Spence!

"At dahil nakapagpahinga ka na pwede na ba nating umpisahan ulit ang training? " tanong ni Spence

Sinimangutan ko naman siya agad pero ang damuho tinawanan lang ako!

"Sige na takbo na haha" sabi ni Spence

Nagsimula naman akong ulit tumakbo. Ewan ko pero sa pagkakataong ito ay hindi ako nakaramdam ng sakit o kaya naman pagod. Siguro nasanay na yung katawan ko kaya ganito.

Binilisan ko pa ang pagtakbo ko at nagpadala sa hangin. Pakiramdam ko ngayon ay nakikiisa ang hangin sa pagtakbo ko. Para bang lumilipid ako pero hindi.

Napatigil na lamang ako bigla ng nagpagtanto ko na nandito na ako sa may falls sa gubat!  Luh lumagpas na pala ako ng hindi ko namalayan.

Napaupo na lamang ako sa may bato dito at nagpahinga ng konti.

"Nakks! " sigaw ni Spence saka tumabi sa likod ko

Tinignan ko na lamang siya at napabuntong hininga.

"Ang galing mo haha pero ang gwapo ko pa din!! " sabi ni Spence

Binatukan ko naman siya agad at tinawanan.

"Gwapo ka diyan hahah!  Mukha ka kayang asong ulol! " sabi ko sa kanya habang tumatawa

Nakita ko naman na medyo sumeryoso ang mukha niya at nilapit niya ang mukha niya sa akin

"Luhh! Joke lang! " sabi ko sa kanya

Pero nanatili itong seryoso at mas lalo niya pang inilapit ang mukha niya yung tipong nararamdaman mo ang kanyang paghinga. Napapikit na lamang ako at hinintay ang gagawin niya.

"Kyahhh!!  Spence walangya ka! "sigaw ko

Tawa lamang siya ng tawa habang kinikiliti niya ang aking tagiliran.

"Asong ulol pala ha!  Hahaha" sabi niya saka mas kiniliti niya pa ako

Tawa lamang ito ng tawa ngunit nagulat ako ng bigla niya akong buhatin na parang sako ng bigas

"Hoy!  Papatayin mo na ba ako Spence?! " sigaw ko sa kanya

"Haha kung ako sayo pumikit ka! "sigaw ni Spence

Sinunod ko naman ang sinabi niya at naramdaman ko ang paglubog namin sa tubig.

"Wohoo!  Di ba ang saya!  Hahaha" sabi ni Spence saka lumusong ulit

Tinawanan ko na lamang siya saka winisikan ng tubig.

"Hoy di pwede yan!" naka pout na sabi ni Spence

Sumakay na lamang ako sa likod niya.

"Swimming na Spence bilis! " sigaw ko sa kanya

Napatawa na lamang ito saka lumangoy habang nakasakay ako sa likod niya.

Makalipas ng halong tatlong oras na pagbababad sa tubig. Ay naisipan namin ngayong mag star gazing.

"Alam mo Lessy para kang bituin" sabi ni Spence

Tinignan ko naman siya ng nagtataka

"Bakit naman? " sagot ko

Nginitian niya lamang ako at tumingin din saken

"Kase wala lang trip ko lang haha! " sabi niya

Binatukan ko na lamang siya at tumawa din. Tahimik lang naming pinagmamasdan ang kalangitan ng maramdaman ko ang pagyakap niya saken.

"Hoy Spence hokag-" hindi ko na  naituloy ang aking sasabihin ng makitang tulog na pala ito.

Hinayaan ko na lamang siya at niyakap din siya pabalik.

"Good night" bulong ko sa kanya at natulog kami habang yakap ang isa't isa

Curse (On Editing)Where stories live. Discover now