Curse 33

844 18 0
                                    

[33]

Andrew's POV

"Kamusta ang bata? " tanong ko sa komadrona ni Thena

Hindi na lamang siya sumagot at iginaya ako papunta kay Thena.

"Mag sa-siyam na linggo na siyang buntis" sabi ng komadrona

"Ibig bang sabihin noon ay manganganak na siya? " tanong ko rito

"Sa kabilugan ng buwan siya manganganak mahal na hari." sabi nito

Napatango na lamang ako at tinignan si Thena.

"Bakit hindi mo sinabing buntis ka? " mahina kong tanong sa kanya

Ngunit hindi niya ako inimik at patuloy pa din siya sa pag iyak. Akmang sasampalin ko na siya ng maalala kong buntis ito kaya niyakap ko na lamang ito ng mahigpit.

"Keep our baby safe Thena" mahina kong sabi

Kasalukuyan akong papunta sa kwarto ni Tanya. Kinuha nila si Cleanese sa akin? Pwes kukunin ko din si Tanya sa kanila.

"Bakit mo ako dinala dito?" sabi ni Tanya

"Oh? Bakit ka nagtatanong? " sagot ko sa kanya

Tinakpan ko naman ang kanyang mga mata at inilagay sa kanya ang tatak ng Dark Souls.

"Tanya gumising ka" mahina kong sabi sa kanya

Dahan dahan naman itong gumising at tinitigan ako.

"Drew"mahina niyang sabi sa akin

Hinaplos ko naman ang kanyang mukha at hinalikan ang kanyang pisngi.

"Tanya kailangan nating pabagsakin sila Spence lalong lalo na si Lessy" sabi ko kay Tanya

"Kung gayon kailangan na nating maghanda. Kailangan na nating mapabagsak ang mga Elemental Creatures" sabi nito at niyakap ako

Napangiti na lamang ako ng malawak sa inasta nito. Siguradong matatalo kayo Lessy. Sigurado ako.

Thena's POV

"Aghh!" sigaw ko habang hawak ang tiyan ko.

"Anong nangyayari sa iyo" tanong ng komadrona na sa akin

Napatingin na lamang ako sa tiyan ko.

"Manganganak na ata ako" mahina kong sabi dito

Agad niya naman akong inalalayang umupo at hinaplos ang tiyan ko. Nagulat na lamang ako ng biglang may paro paro na lumabas sa tiyan ko.

"Mukhang nagsisimula na itong lumabas ngunit" sabi ng komadrona

"Ngunit ano?! " tanong ko rito at patuloy sa paghawak ng aking tiyan

"Tila ba may humahadlang sa paglabas nito." sabi ng komadrona

Napailing na lamang ako at hinaplos ang aking tiyan. Anak, kapit ka lang ha. Malapit na. Maililigtas din tayo nila Lessy.

"Iwan niyo muna kami"

Agad akong napalingon sa boses na aking narinig.

"Tanya? " taka kong tanong sa kanya

Ngunit tinaasan niya lang ako ng kilay at umupo sa harap ko.

"Ikaw pala ang nagdadala ng tagapagmana ng Dark Souls" mahina niyang sabi

Napakunot naman ang aking noo sa inasta niya.

"Huwag kang mag alala kapag pinatay ka na ni Drew ako na mismo ang mag aalaga sa anak mo. O sabihin na nating anak namin" sabi niya dito at hinaplos ang tiyan ko

"Ano bang pinagsasabi mo Tanya?! Kumampi ka na ba sa Dark Souls? Paano na si Spence?! " sigaw ko sa kanya

"Sino si Spence?" mahina niyang sambit

Akmang sasagot na ako ng biglang dumating si Drew.

"Tanya? Anong ginagawa mo rito? Hindi ba sabi ko sayo ay antayin mo ako sa kwarto natin?"tanong ni Drew kay Tanya

Nginitian na lamang siya ni Tanya at hinalikan ang pisngi ni Drew. Napaiwas naman ako ng tingin sa ginawa ni Tanya.

"Sige na Tanya bumalik ka na sa kwarto natin" sabi ni Drew

Agad namang sinunod ni Tanya ang utos ni Drew. Ngunit bago ito tuluyan makaalis ay inirapan niya ako.

"Anong ginawa mo kay Tanya?" mahina kong sabi rito

Umupo naman si Drew sa aking tabi at hinaplos ang mga sugat ko.

"Heto inumin mo. Kaya niyang gamutin ang mga pasa at sugat mo" sabi ni Drew

Dahan dahan kong kinuha at ininom ang ibinigay niyang tsaa. Ilang saglit pa ay tuluyan nang naghilom ang aking mga sugat.

"Bakit mo ginagawa ito? " mahina kong tanong sa kanya

"Paghihiganti lang ang gusto ko Thena. Alam kong alam mo yan"sabi ni Drew sa akin

Dahan dahan nitong hinaplos ang aking tiyan.

"Mukhang malapit nang lumabas ang anak natin Thena." sabi nito sa akin

Napatango na lamang ako sa kanya at napabuntong hininga.

"Huwag mo nang ituloy Drew." sabi ko sa kanya ngunit hindi niya ako pinansin at tuloy tuloy lang sa paglalakad.

Lessy's POV

"Nakahanda na ba ang lahat? "sabi ko sa kanila

Nakita ko naman ang pagtango nilang lahat.

"Lessy sigurado ka na ba sa gagawin mo? Baka ikaw naman ang mapahamak!" sigaw ni Klent

"Klent ayos lang ako" sabi ko sa kanya

Nagulat na lamang ako ng niyakap niya ako ng mahigpit.

"Kailangan ko nang umalis" bulong ko rito

Akmang maglalakad na ako ng bigla may humila sa akin.

"S-spence" mahina kong sabi

"Mag iingat ka" mahina niyang sabi

Akmang yayakapin niya na ako ng iniwas ko ang sarili ko at dahan dahang umalis.
Kasalukuyan akong nandito sa may gate ng kaharian ng Dark Souls.

"Mukhang manganganak na bukas si Thena kasabay ng pag usbong ng kabilugan ng buwan"

Napatingin naman ako sa kanila at dahan dahan silang sinundan.

"Inuutusan ko ang Elemento ng hangin na itago ako at huwag hahayaang makita ng iba kahit na ano pa ang gawin ko" mahina kong bulong

Bigla naman akong binalot ng hangin at naramdaman kong niyakap ako nito.

Dahan dahan kong sinundan ang dalawang alipin hanggang sa makarating ito sa isang kwarto. Nang makaalis na ang mga alipin ay tinanggal ko ang pagkakatago ko sa hangin at lumapit kay Thena.

Bakas sa kanyang mukha ang pagtataka.

"Lessy? Anong ginagawa mo rito" tanong ni Thena

"Halika na Thena kailangan na nating umalis! " sabi ko rito at hinila ko ito

"Lessy huwag mo na akong iligtas! Hindi ako aalis dito! "sigaw ni Thena.

"At bakit?! " tanong ko sa kanya

"Dahil sa anak namin"

Agad naman akong napalingon sa boses na akinh narinig.

"Drew" mahina kong sambit dito

Akmang susugurin ko na ito ngunit naunahan niya ako dahilan ng pagkakabagsak ko sa sahig.

"Matulog ka muna Lessy paggising mo talo na kayo" bulong nito sa akin

Wala na akong ibang nagawa kundi ang pumikit. Ilang segundo pa ang lumipas ay tuluyan na akong nawalan ng malay.

Curse (On Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon