Curse 36

1.1K 23 0
                                    

36 (Last Chapter)

Third Person's POV

Tumakbo kaagad si Spence papunta kay Lessy. Ngunit isang malamig na katawan na lamang ang kanyang nasilayan na tila ba unti unting naglalaho.

"L-lessy" mahina niyang bulong dito

Dahan dahan niyang niyakap si Lessy at paulit ulit na hinalikan ang kanyang kamay nagbabasakaling magigising siya dahil sa kakulitan nito. Ngunit nagkamali ito.

Tinignan niya ng masama si Drew. Akmang sasaksakin na ni Spence si Drew ng bigla itong nawalan ng malay. At kagaya ni Lessy ay sinlamig ng yelo ang kanyang katawan. At unti unti na din itong naglalaho.

"S-Spence" bulong ni Thena

"Please ikaw na ang bahala sa baby ko" mahina nitong sabi

Agad na kinuha ni Spence ang iniluwal ni Thena na bulaklak. Isang bulaklak na balang araw ay mamumukadkad. Isang bulaklak na naglalaman ng anak ni Thena.

"T-thena lumaban ka" mahinang bulong ni Spence sa kanya

Ngunit umiling ito sa kanya.

"S-sapat na ang paninirahan ko dito. K-kailangan ko n-nang umalis" mahinang sabi ni Thena

Yayakapin na sana ni Spence si Thena ngunit bigla itong nawalan ng malay at naging isang paru paro.

"Paalam Thena" mahinang sabi ni Spence at tuluyan na lamang naglaho ang paru paro sa kanyang paningin.

Akala ng lahat ay tapos na ang labanan. Ngunit nagkakamali silang lahat.  Hindi nila alam na dinala ni Savannah ang kaluluwa ni Lessy pati na rin ni Drew sa ibang dimension. Sa ibang lugar na kung saan ay walang makakatuntong sa kanila.

"Lessy bumangon ka"

Bigla na lamang napadilat si Lessy sa hindi malamang dahilan.

"M-mom?" mahinang sabi ni Lessy

Agad niya naman itong niyakap ng mahigpit. Hindi niya akalaing makikita niya ang kanyang ina. Hindi niya akalaing mayayakap niya pa ito. Halo halong emosiyon ang nararamdaman ni Lessy.

"Patay na ba ako? " tanong ni Lessy

Napatawa naman ng bahagya si Rosseta sa sinabi ng kanyang anak.

"Iligtas mo ang mga Elemental Creature's Lessy" mahinang sabi ni Rosseta

"Saka na natin pag usapan ang pag upo mo sa trono anak. Basta mag iingat ka. Pindutin mo ang kwintas na ibinigay ko sayo kapag gusto mong bumalik dito" sabi Ni Rosseta at hinalikan ang noo ng kanyang anak

Pipigilan pa sana ni Lessy si Rosseta ngunit bigla itong napapikit at pagmulat niya ay isang babae ang bumungad sa kanya.

"Savannah?! " sigaw ni Lessy

"Why hello bitch. Kamusta ang panlalandi mo kanina Spence, Klent at Drew?  Baka gusto mo pang idagdag si Liam? " sigaw ni Savannah

"Kung may malandi man dito ikaw yun! " sigaw naman ni Lessy

Napatawa na lamang si Savannah at tumingin kay Lessy ng matalim.

"Alam mo bang nanganganib ang buhay ni Drew ngayon? Yes nanganganib ang buhay niya at dahil ito sa akin!  Haha ang galing ko no?!  Nauto ko kayo?  Hindi niyo alam na all this time ako ang kumokontrol sa katawan ni Drew! " sigaw ni Savannah

"Opps hindi ko na pala dapat sinabi iyon haha. So let's make a deal shall we? "sabi nito

"Anong deal? "tanong ni Lessy

"Simple lang talunin mo ako at ibabalik ko ang buhay ni Spence. Lulubayan ko na din ang mga Elemental Creatures but! "

Napakunot na lamang ako ng noo sa sinabi niya.

"Kailangan nating maglaban gamit ang enerhiya ng hangin"

Third Person's POV

Hindi na hinintay ni Savannah na makasagot si Lessy. Agad niya itong tinira ng energy ball.

Dahil hindi alam ni Lessy ang gagawin ay hindi niya ito kaagad naiwasan dahilan ng pagkakaroon niya ng pasa sa kanyang balikat.

"Suko ka na ba bitch?! " sigaw ni Savannah

Agad namang sinuklian ito ni Lessy ng air wave na kung saan ay dumaloy ang bolta boltaheng kuryente sa hangin.

Napaupo naman si Savannah sa lakas ng pagkakatama sa kanya.

"Ako susuko?  Asa! " sigaw ni Lessy

Biglang nagdilim ang paningin ni Savannah at naglaho ito sabay sulpot sa may harapan ni Lessy at sinakal siya.

"Mamatay ka na! " sigaw ni Savannah habang dinidiinan pa lalo ang pagkakasakal kay Lessy

Madaming bagay ang tumatakbo sa isipan ni Lessy. Akala niya ito na ang kanyang kamatayan ngunit nagkakamali siya dahil may pag asang sumilay sa kanyang mga mata.

Biglang lumabas sa kanyang mga kamay ang Elemental Dagger.

"oh ano ha?!  Mamatay ka na Lessy! " sigaw ni Savannah

Agad namang itinaas ni Lessy ang Dagger.

"I summon your power" mahina nitong sabi

Pagkasabi nito ni Lessy ay bigla niyang sinaksak si Savannah sa kanyang likuran.

Dahan dahang tumayo si Lessy at kinuha ang kanyang dagger.

"Sorry Savannah" mahina niyang sabi at tuluyan na itong naglaho sa hangin.

Tapos na. Hindi akalain ni Lessy na sa isang iglap ay matatapos ang labanang kay tagal niyang pinahandaan at pinaglaban.

"Hangin ibalik mo ako sa kinaroroonan nila Spence" mahina nitong sabi

Lessy's POV

"Lessy! " agad naman akong napalingon sa sigaw na aking narinig

Nagulat na lamang ako ng bigla aking niyakap ng mahigpit ni Klent.

"Mabuti at ligtas ka" bulong sa akin ni Klent

"EHEM! "

Agad kaming napahiwalay sa yakap ng makita si Spence sa aming tabi at pilit na tinutulak si Klent.

"Ako naman Brad!" sigaw nito

Napatawa na lamang ako sa inasta ni Spence at niyakap siya ng mahigpit.

"Mukha kang asong ulol haha! " sigaw ko sa kanya

"Spence. Ang saya ko. Ang saya saya ko na nakasama muli kita." bulong ko sa kanya

"Mahal kita Lessy" bukong ni Spence

Ngunit isang ngiti lamang ang isinagot ko sa kanya. Mahal din kita Spence. Mahal na mahal ngunit hindi tayo pwede dahil alam kong mas mahal mo si Tanya.

Agad namang naputol ang aking pag iisip ng bumungad sa aking harapan si Shera.

"Lessy hindi ka pa ba aalis? " tanong ni Shera

"Ha?  Aalis? " sagot ko

"Oo tapos na ang kabilugan ng buwan at 18 ka na!  Ibig sabihin ay kailangan mo nang umupo sa iyong trono" pagpapaliwanag nito

Agad akong napatingin kay Spence at nginitian ito ng napakalawak.

"I know what to do Spence dont worry" mahina kong sabi sa kanya

Magtiwala ka sa akin Spence. Babalik ako pangako at sana sa pagbabalik ko ako naman ang mahalin mo.
Hinawakan ko naman kaagad ang kwintas ng aking ina at pumikit.

Curse (On Editing)Where stories live. Discover now