Curse 8

2.7K 58 1
                                    

[8]

Lessy's POV

"Oh anak bakit nakabusangot ka diyan?  Umagang umaga oh" sabi ni Dad habang kumakain

Umupo na lamang ako at nagsimulang kumain.

Tahimik kaming kumakain ni Daddy ng biglang may sumulpot sa tabi ko.

"Lessy nakahanda ka na ba? "sambit nito

Napasimangot na lamang ako at tumango.

"Thena? " mahinang sabi ni Daddy

Tumango na lamang si Thena at biglang naglahong muli. Tinignan naman ako ni Daddy na tila tinatanong kung ano ginagawa niya dito.

"Training daw dad" tinatamad kong sabi

Nandito ako ngayon sa kwarto at nag eempake ng mga gamit ko. Mukhang kakaumpisa pa lamang ng college life ko eh matatapos na agad dahil sa training na ito.

Tuloy tuloy lamang ako sa pag aayos ng may kumatok sa pinto.

"Bakit Dad?  May sasabihin ka po? " sabi ko at lumapit sa kanya.

"Kunin mo ito" sabi ni Daddy at binigay sa akin ang dagger ng aking ina.

"Oh Dad bakit malungkot ka?  Haha babalik pa naman ako eh" sabi ko kay daddy

Nginitian niya na lamang ako saka ako niyakap ng mahigpit. One thing is for sure ma mi miss ko ng sobra si Daddy.

"Lessy kailangan na nating umalis" sabi ni Thena

Tumango na lamang ako at kinuha ang aking mga gamit kumaway na muna ako kay Daddy at tuluyan nang nagpalamon sa hangin.

"Aray ko! "sigaw ko ng bumagsak ako sa damuhan

Inilibot ko naman ang aking paningin sa lugar na ito.

"Halahh!  Asan ako?! " sigaw ko

Nakaramdam naman ako ng tao sa likod ko kaya agad kong inilabas ang aking dagger at itinutok dito.

"Woah!  Easy ka lang Miss ganda papanget ka niyan" sabi nito saka sumipol

Inirapan ko na lamang siya at itinago ang dagger sa secret compartment sa boots ko.

Pinulot ko naman ang mga gamit ko at naglakad sa gubat na ito. Oo sa gubat ako dinala ni Thena. Like what??!  Bakit sa dinami dami ng lugar sa gubat pa talaga?!

"Uyy saglit lang Miss!  Sigurado ka ba diyan sa dinadaanan mo?  Bahala ka baka may halimaw na nakaabang sayo" sabi ng lalaking to

Hindi ko na lamang ito pinansin at patuloy na naglakad ano namang halim-

"KYAHHHHHH!!" sigaw ko ng malakas

Nakita ko namang napatawa itong kasama ko.

"Bwisit ka!  May gana ka pang tumawa eh may dragon sa harapan natin??! " sigaw ko pabalik

"Hahaha paano naman kase nakakatawa yung mukha mo!  Parang batang kalye na nakakita ng sumo wrestler! " sigaw niya at tumawa siya ng malakas

"Wow ha!  Sa mukhang to?!  Batang kalye??!  Nahiya naman ako sa beauty ko" sabi ko saka nag hairflip

Narinig ko namang mas lalong lumakas ang tawa nito tss baliw!

"Hoy ano yan?!  Huwag mong takutin yang dragon hindi naman nananakit yan eh! " sigaw niya

Inirapan ko naman ito saka itinago muli ang dagger ko. Lumapit naman siya sa dragon at may ipinakain. Nakita ko naman na tumalon ito at saktong sa likod ng dragon siya lumanding.

You've got to be kidding me!  Paano niya natalon ang ganoon kataas?!  Tao pa ba yan?! Ay oo nga pala Immortal pala yan.

"Sasakay ka ba o maiiwan ka?! " sabi niya

Sumimangot naman ako at lumapit sa dragon. Yumuko naman ito at hinayaan ko na lamang ang hangin na iangat ako at isakay.

"Nakokontrol mo yang hangin?? " taka niyang tanong

Umiling naman ako at kumapit sa bewang niya. Mahirap na no!  Baka ihulog ako ng dragon.

"Si thena ang nagkokontrol nito para saken. Sabi niya pag kailangan ko ng tulong mararamdaman ng hangin." paliwanag ko sa kanya

Nakita ko naman na nakangiti siya ng malawak.

"Alam mo Miss kung gusto mo akong yakapin sabihin mo na lang!" sabi nito

Anak nang?!  Ang epal ng lalaking to ah!  Akala niya naman gwapo?  Tignan mo nga yung mukha! Mukhang asong ulol!

Inirapan ko na lamang ito saka tinanggal ang kamay ko sa pagkakakapit sa kanya. Mahirap na no!

Pumikit naman ako at nagdasal. Lord kung sakaling mamatay ako sa byahe kayo nang bahala sa akin ah!  Sabihin mo kay Daddy na mahal na mahal ko siya.

Naramdaman ko naman na nag umpisa ng lumipad ang dragon ng dahan dahan.

"Hoo!  Akala ko mabilis lumipad to! " sigaw ko

Hindi naman umimik ang kasama ko. Relax na relax ako habang nakatingin sa langit. Ngunit nagulat ako ng biglang bumilis ng sampung beses ang lipad ng dragon.

"Wahhhh!! Walangya kang damuho kaaaa!!! " sigaw ko

Narinig ko naman natumatawa lang ito at ipinaikot ikot ang dragon ngunit sa isa niyang pag ikot ay nahulog ako bigla.

"TULONG!!!! " Sigaw ko

Inaninag ko naman ang pagbabagsakan ko. Katapusan ko na ba?  Hanggang dito na lamang ba ako?

Akmang pipikit na ako ng naramdaman kong may sumalo sa akin. Ipinilit kong linawin ang aking paningin kahig hinang hina na ako ay gusto kong malaman kung sinong tumulong sa akin.

Kumurap kurap ako saka ko siya tinignan.

"D-drew" mahina kong sambit

Ngunit bago ko pa siya tuluyang mayakap ay naglaho na ito. Bigla namang nagdilim ang aking paningin at sa isang iglap ay natumba ako sa lupa at nawalan ng malay.

Curse (On Editing)Where stories live. Discover now