Curse 35

972 18 0
                                    

[35]

Third Person's POV

Pagkaalis ng alipin na sinusundan ni Spence ay dali dali itong nagtungo sa silid na kanyang pinagmamasdan. Pero imbes na si Lessy ang bumungad dito nagulat na lamang siya ng makita niya si Tanya na sinasabunutan si Lessy.

"Tanya!" sigaw ni Spence at pilit na inilayo ni Spence si Lessy kay Tanya.

Ngunit dahil sa nababalutan ng tatak ng Dark Souls si Tanya ay hindi nito magawang hawakan ang dalaga.

"Spence!  Umalis ka na! " sigaw ni Lessy sa binata

Ngunit umiling si Spence at pilit na hinahawakan si Tanya.Pero sa bawat hawak nito sa katawan ng dalaga ay isang lason ang pumapasok sa kanyang katawan.

"Tanya!  Bakit mo ba ito ginagawa?!" sigaw ni Spence

Ngunit gaya ng inaasahan ay hindi siya pinansin ng dalaga bagkus ay kanya itong tinutukan ng isang patalim.

"Gusto mong mamatay Elemental Creature?! Pwes ngayon na ang kamatayan mo! " sigaw ni Tanya at sinugod si Spence

Buti na lamang ay nakaiwas ang binata sa tirang iyon. Gumawa naman si Spence ng sandata galing sa enerhiya ng hangin.

"TANYA! GUMISING KA! HINDI IKAW YAN! "sigaw ni Spence

Hindi nagpatinag si Tanya at sinubukan uli nitong sugurin si Spence. Ngunit naharang ito ni Spence.

"Hindi kita kilala" malamig na sabi ni Tanya at ibinato ang espada niya kay Spence. Tumama ito sa bewang ni Spence.

"Spence! " walang ibang nagawa si Lessy kundi sumigaw at maiyak na lamang habang nakikita ang taong sobrang importante sa kanya na nakaluhod at namimilipit sa sakit.

Akmang isasaksak na ni Tanya ang espada sa may dibdib ni Spence ng biglang dumating si Drew.

"ANONG IBIG SABIHIN NITO?! "sigaw ni Drew at sinuntok si Spence

Hindi naman napigilan ni Lessy na sumigaw sa kanyang nakita.

"WALANGHIYA KA! " sigaw ni Lessy

Napangisi na lamang si Drew at hinila si Spence papunta sa tabi ni Lessy. Agad namang hinawakan ni Lessy si Spence.

Itinutok naman ni Drew sa kanila ang tatak ng pagiging Dark Soul.

"Sabi ko naman sayo Lessy paggising mo talo na kayo" mapang asar na sabi ni Drew kay Lessy

Akmang ilalagay na niya sa kanilang katawan ang tatak ng may narinig silang pagsabog sa loob ng palasyo.

Agad namang naglaho si Drew at Tanya na nag aalangan pa kung ano ang uunahin.

Lessy's POV

"Spence!" sigaw ko rito

Dahan dahan namang minulat ni Spence ang kanyang mga mata. At kahit nahihirapan siya ay pinilit niyang abutin ang antidote na kanyang dala.

Sa isang iglap ay biglang bumalik ang lakas ni Spence at nawala ang kanyang mga sugat.

Agad niya namang pinutol ang mga nakatali sa aking katawan at inalalayan akong tumayo.

"Lessy. Im sorry" mahina nitong sabi

Wala akong ibang nagawa kung hindi yakapin siya ng mahigpit. Gustong gusto kong sabihin sa kanya ngayon kung gaano ako nag alala sa kanya. Kung gaano ko siya iniyakan at kung gaano ko siya kamahal.

Ngunit alam kong kahit gawin ko pa yun ay hinding hindi magbabago ang nararamdaman niya kay Tanya. Kahit isa na siyang Dark Soul ngayon. Hinding hindi ko magagawang kunin ang pagmamahal na ibinibigay niya rito.

Curse (On Editing)Where stories live. Discover now