Curse 30

937 20 0
                                    

[30]

Lessy's POV

"Sino si Spence? " tanong niya

Napakurap kurap na lamang ako sa sinabi niya.Ay oo nga pala wala pa sa panahing ito si Spence! Bakit ba nakalimutan ko?!

"Ahh ehh Wala! " sabi ko sa kanya

"Halika na at hinahanap na tayo" sagot nito tumango naman ako sa kanya at dahan dahang sumunod.

"Ina" sabi nito at yumuko

"Rosseta? Kamusta na ang pakiramdam mo? " tanong nito at tumingin sa akin

Napatingin na lamang ako sa likod at tabi ko. Asan na kaya si Mommy? Nagulat na lamang ako ng bigla akong kinurot ng lalaking nasa tabi ko.

Tinignan ko lamang ito. Kumunot naman ang aking noo sa inasta niya.

"Ahh! " sabi ko na lamang

"Bakit mo ba kami pinatawag ina? " tanong ng lalaking nasa tabi ko

"Ipinatawag ko kayo dahil may importanteng misyon kayong dapat gawin" sagot nito

Importante? Ito na ba iyon? Ito ba yung misyon ni Mommy noon kaya niya nakilala si Dad?

"Kailangan niyong pumunta sa mundo ng mga mortal"sabi nito sa amin

Medyo napangiwi naman ako sa sinabi niya. Heto na malalaman ko na ang isang inaabangan kong kasagutan.

"Kailangan niyong siguraduhin na hindi mapupunta sa Dark Souls ang isang Immortal na sanggol doon, " sabi niya

"At bakit naman ina? " tanong ng lalaking katabi ko

"Dahil panganib ang nag aabang kung hindi kayo magtatagumpay" sagot nito

Isang sanggol na dapat hindi makuha ng Dark Souls? Panganib? Imposible namang ako yun dahil hindi pa ako pinapanganak! Kung ganoon ay sino? Sino ang batang iyon?

Third's Person's POV

Sa kabila ng pag iisip ni Lessy ay hindi pa din siya maniwanagan. Puro katanungan ang nasa ulo niya ngayon at hindi niya alam kung ano ang gagawin niya.

"Rosseta kanina ka pa tulala" sabi ng lalaking kanina pang nasa tabi ni Lessy na akala niya'y si Spence.

Hindi na lamang ito sumagot at tumingin sa malayo. Hindi alam ni Lessy na kausap niya ngayon ang kanyang tiyohin na si Rick. Ang kapatid ng kanyang ina at ang tatay ni Spence.

Walang kaalam alam si Lessy na malaki ang naging parte ng tiyohin niya para lang mailigtas siya.

Lumipas ang hapon ay hindi pa din mapakali si Lessy. Tila ba ay pakiramdam niya kilala niya ang batang kanilang dapat iligtas. Ngunit nagdadalawang isip ito. Parang ang hangin na mismo ang naglalayo sa kanya papunta sa misyon na iyon. Parang ayaw ng hangin na malaman ni Lessy ang buong katotohanan. Ang totoong nangyari sa kanyang ama at ina.

"Rosseta oras na ng ating pag alis" sabi ni Rick

Tumango na lamang si Lessy at sumunod kay Rick.

Ngunit bigla siyang nakaramdam ng pagkahilo. Ang kanina niyang magulong isipan ay mas lalong gumulo dahil sa sakit ng kanyang ulo.

Hindi siya makatayo o makasigaw man lang ang tanging naaaninag niya ay si Rick na taimtim siyang pinagmamasdan.

Ipinikit niya ang kanyang mga mata ngunit bigla itong napamulat. Para bang umaapoy ang kanyang katawan. Para bang unti unti siyang namamatay sa init na kanyang nadarama.

"Lessy"

Napatingin na lamang si Lessy sa direksiyon na iyon. Nakita niya ang isang lalaking nagliliwanag. Sa sobrang liwanag nito ay hindi niya maaninag ang kanyang mukha

"Hawakan mo ang kamay ko" sabi sa kanya ng lalaki

Agad agad niya namang hinawakan ang kanyang kamay. Sa isang iglap ay biglang lumiwanag ang paligid.

"Asan tayo?" takang tanong ni Lessy sa kanya

Nagtaka naman si Lessy sa dalawang pintong kanyang nakikita. Ang isa ay kulay ginto ngunit ang isa naman ay kulay itim.

"Ako ang diwa ng Book of Knowledge" sabi nito

"Lessy makinig ka. Ang kuwentong iyong pilit na binubuklat ay hindi mo pa pwedeng matuklasan! " sabi nito

Napakunot naman ng bahagya ang noo ni Lessy at napabuntong hininga.

"Gusto ko lang malaman ang katotohan" mahinang sabi ni Lessy

"Ang katotohanang tanging ang ama mo lamang ang makakasagot" sabi nito kay Lessy

Nagtaka naman si Lessy. Sigurado siyang hinding hindi magsisinungaling.

"May mga nalalaman ang iyong ama tungkol sa nakaraan ng iyong ina" pagpapatuloy nito

"Ang pintong ito. Ito ang nakaraan. Kung papasok ka rito ay malalaman mo ang lahat lahat ngunit kasabay ng pagpanaw ng katawan ng iyong ina ay ang paglaho ng iyong kaluluwa. Ibig sabihin ay hindi na maitatala ang pangalang Lessy sa mga kasaysayan"

"Ang pangalawang pinto naman. Ang pinto ng kasalukuyan. Ikaw ay babalik sa inyo at may pagkakataon kang malaman ang lahat. At hindi lang iyon maililigtas mo din ang iyong ama"

"Maililigtas? " takang tanong ni Lessy

"Dalawang araw na ang lumipas simula ng natulog ka. At tatlong araw na lamang ay kabilugan ng buwan na. Naghahanda na ang mga puwersa ng Dark Souls. Pero ikaw? Kayo? Anong inihanda niyo?"

"Nasa sayo ang desisiyon Lessy pag isipan mong mabuti"

Hindi na lamang nakaimik si Lessy. Tama ang sinabi ng diwa ng Book of Knowledge. Sa kanya nakasalalay ang lahat. Ngunit hindi na pwedeng may mamatay pa.

Pinihit ni Lessy ang gintong pinto. Nanalangin na sana tama ang naging desisyon niya.

Biglang nagliwanag ang kanyang paligid at sa isang iglap ay kaharap na niya si Spence.

"Akala ko hindi ka na magigising" sabi ni Spence dito

Isang mahigpit na yakap lang ang kanyang itinugon kay Spence.

"Kailangan na nating gumawa ng paraan Spence. Malapit na ang kabilugan ng buwan" bulong ko rito

"Kung ganoon ay may alam akong makakatulong sa atin sa labanang ito" sagot ni Spence

"Sino? " nagtatakang sabi ni Lessy

"Ang mga Fallen Angels"

Hindi na lamang nakaimik si Lessy at sumandal kay Spence.

Hindi nila alam na may mga matang kanina pa nakatitig sa kanila. Hindi nila alam na nasasaktan ito sa bawat yakap na ibinibigay nila sa isa't isa.

"Nagseselos ka? "

Napalingon na lamang si Tanya sa likod niya.

"D-dark Soul" mahina nitong sambit bago siya tuluyang nawalan ng malay.

Curse (On Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon