Curse 13

1.5K 41 0
                                    

[13]

Lessy's POV

Mabilis na lumipas ang araw. Kung ano ano na ang mga tinuro ni Spence sa akin. Tinuruan niya ako kung paano humawak ng sandata at kung paano ito gamitin.

Pati ang physical strength ko alam kong lumakas ako kahit papaano. Ikatlong linggo na namin ngayon sa training.

Kasalukuyan akong nakablindfold at susubukang kalabanin si Spence. Sabi kase niya kailangang matalas ang aking pakiramdam sa pakikipaglaban hayy ewan ko ba sa kulugong yun! Well kahit naman loko loko yun I admit magaling siyang makipaglaban.

"Lessy!  Handa ka na ba?! " sigaw ni Spence

Tumango na lamang ako at napatawa sa sinabi niya rume rated K si Spence ah haha.

"Alam mo Lessy masusugatan ka agad pag ganyan ka.Uso naman daw ang focus di ba?! " sigaw ni Spence

Sinimangutan ko na lamang ito at pinakiramdaman ang galaw niya. Isa sa mga natutunan ko sa training ko ay ang paggamit ng enerhiya ng hangin sa lahat ng pagkakataon.

Nakiramdam ako sa paligid. Naririnig ko ang kanyang mga pag padyak sa aking bandang likuran. Hindi ako lumingon ngunit nakiramdam ako sa kanyang mga susunod na gagawin.

Naramdaman ko naman na may bagay itong ibinato sa akin. Agad akong tumalon papunta sa likuran niya at sinipa ang kanyang tagiliran.

"Balak mo ba akong patayin Spence?! " sigaw ko sa kanya

Hindi na lamang ito umimik at sinugod ako. Agad ko namang naharang ang kanyang sandata gamit ang dagger ng aking ina.

Hindi ko na siya inantay na gumalaw muli hinugot ko na ang aking dagger sa loob ng aking boots at ginawa itong espada.

"Mukhang bumibilis ka na ah" sabi ni Spence

Hindi ko na lamang ito pinansin. Ngunit nagulat ako ng bigla niya akong tinira ng kanyang espada na tumama sa aking balikat.

"Kung hindi ka mag fo focus Lessy mamatay ka kaagad" sabi niya at sinugod muli ako

Naging alerto naman ako kaagad at nag backflip. Ginawa kong muling dagger ang aking sandata saka tumakbo ako paikot sa kanya at sinugatan ang kanyang hita.

"At kung hindi ka din magiging alerto maiisahan ka ng kalaban" sabi ko rito

"haha talaga lang ah tignan natin" sabi ni Spence

"Hoy Spence!  Madaya ka!  Bakit naglaho ka ha?! " sabi ko rito saka tinanggal ang blindfold ko

At tama nga ang hinala ko naglaho nga si Spence. Maglalakad na sana ako palayo ng bigla itong sumulpot sa aking harapan saka niya ako hinalikan sa pisngi. Ngunit mas nagulat ako ng hapitin niya ako sa aking bewang at itinutok ang kanyang espada sa aking likod.

"Walanghiya kang manyak ka! "sigaw ko rito

Tinawanan niya lamang ako at niyakap.

Kasalukuyan kaming nandito sa tent namin at ginagamot ang mga sugat na natamo namin kanina sa training.

"Haha bakit ba kase ang seryoso mo kanina? Yan tuloy nasugatan kita sa balikat mo. Sayang yang kinis ng kutis mo haha" sabi ni Spence

Binatukan ko naman siya at inirapan.

"Manyak ka talaga! "sigaw ko dito

Tinawanan niya lamang ako at umupo sa harapan ko.

"Bukas ang ikaapat na linggo" sabi nito ng seryoso

"Sigurado ka na bang handa ka nang kalabanin si Thena? " tanong ni Spence

Tinignan ko naman siya sa kanyang mga mata.

"Di ba nga sabi mo sa akin umpisa pa lamang ng ikaapat na linggo bukas kaya siguro ay kakayanin ko. Teka bakit ba parang takot na takot kang kalabanin ko si Thena?! " sagot ko sa kanya

Tinapik niya lamang ako saka ngumiti sa akin.

"Kung inaakala mong mahina si Thena diyan ka nagkakamali. Dahil sa mundong ito isa siya sa mga Elemental Goddess." sabi ni Spence

Napalunok naman ako ng sunod sunod dahil sa sinabi niya. Nagpapatawa ba siya?!  Ano naman ang laban ko sa isang Elemental Goddess?!

"T-teka!  Kung isa siya sa mga Elemental Goddess anong Element niya? " tanong ko sa kanya

Tumingin naman siya sa akin at sinabi ang mga katagang nagpatibok ng sobra nv aking puso

"Air" sambit ni Spence

"KYAHHH!!  BAKIT NGAYON MO LANG ITO SINABI SA AKIN?! " sigaw ko sa kanya

"pfft haha huwag ka ngang sumigaw nagmumukha kang baklang ni rape wahaha" sabi nito habang tumatawa ng sobra yung tipong maiiyak na siya sa sobrang saya

Nakasimangot na lamang akong umupo at tinignan si Spence hanggang sa matapos siyang tumawa.

"May pag asa ka pa! " sabi ni Spence at tumingin ng seryoso sa akin

"You see si Thena?  Hindi lang naman siya ang naging Elemental Goddes of air madami pang nauna sa kanya" dugtong ni Spence.

"Huh?  Eh di ba Immortal kayo?!  I m-mean tayo!" sigaw ko sa kanya

Nakakapagtaka lamang kase. Hindi ba ang Immortal ay hindi namamatay?

"Alam mo kase oa lang talaga ang mga mortal kaya nasabi nilang hindi namamatay ang mga Immortal. Ang totoo niyan ay may tatlong buhay ang bawat isa sa atin pero" sabi ni Spence na tila ba nag aalinlangan kung sasabihin niya sa akin o hindi ang kanyang nalalaman

"Pero ano?! " sigaw ko sa kanya

Napabuntong hininga naman siya at tumingin sa akin.

"Pero kahit na tatlo ang buhay nating mga Immortal nasa kaluluwa pa din natin nakasalalay kung gusto pa nating mabuhay o hindi" sabi niya sa akin

Napatingin naman ako sa malayo sa sinabi niya.Ibig sabihin ba noon ay ayaw na ng ina kong mabuhay muli?  Ibig bang sabihin non ay ayaw niya kaming makasama?

"Mali ang iyong iniisip" sabi ni Spence

Napalingon naman ako sa kanya at tinignan siya.

"Sa kaso ng iyong ina. Ang katawan na niya mismo ang umayaw sa kaluluwa niya. Ibig sabihin noon ay hindi na ito makabalik dahil tapos na ang misyon niya sa ating mundo."  pagpapaliwanag aa akin ni Spence

"Yun nga balik tayo sa sinasabi ko. Hindi lang si Thena ang naging Elemental Goddess of air kaya sigurado kong hindi pa siya bihasa." sabi sa akin ni Spence

"T-teka!  Sinasabi mo ba na may makakatulong sa akin na maging magaling sa paggamit ng hangin? " tanong ko sa kanya

Tumango naman ito at nginitian ako.

"Hindi tulad natin. Ang mga pixie ng bawat elemento ay hindi namamatay. Nandiyan na sila simula sa pinakaunang namumuno hanggang ngayon sa kasalukuyan dahil sila ang itinuturing tagapagpayo ng mga Elemental Goddess. Kaya tiyak kong alam na nila ang kahinaan at kalakasan ng elementong kanilang pinanghahawakan" sabi ni Spence

Napaisip naman ako sa sinabi niya. T-teka ibig bang sabihin ay si Shera ang tinutukoy niya? 

"Pwede ko bang malaman kung anong pangalan ng pixie ng hangin?" tanong ko sa kanya

Nginitian niya na lamang ako at umiling.

"Hindi na kailangan kilala mo na siya" sabi nito saka kinindatan ako

Napangiti naman ako ng malawak sa kanyang sinabi. Kung ganoon ay may pag asa akong manalo laban kay Thena.

"Hoy Lessy!  Haha huwag kang masyadong mag isip gumaganda ka lalo" sabi sa akin ni Spence

Nag init naman ang aking mukha at iniwas ang tingin sa kanya. Tinawanan niya na lamang ako at nginitian ng malawak.

Curse (On Editing)Where stories live. Discover now