Curse 9

2.2K 53 0
                                    

[9]

Thena's POV

"Ano na naman bang kalokohan ang ginawa mo Spence?! " sigaw ko rito

Kasalukuyan naming binabantayan si Lessy. Simula kanina ay tahimik lamang si Spence at walang kibo. Siguro ay sinisisi niya ang kanyang sarili ngunit higit pa sa inaakala ang nangyari.

"So their on the move huh? "sabi ko kay Spence

Tumango na lamang ito at tinitigan si Lessy.

"Hmm"

Napalingon agad kami kay Lessy na kakagising lamang agad namang lumapit si Spence at niyakap ito.

"L-lessy sorry" sabi ni Spence

Nginitian na lamang ito ni Lessy ng matamlay.Iniwas ko na lamang ang aking paningin sa kanilang dalawa. Bakit ganoon?  Bakit parang nagseselos ako?

Posible kayang may nararamdaman na ako sa Spence na yun?  Ang imposible namang mangyari.Hinding hindi ka magkakagusto sa lalaking yan Thena hinding hindi.

"Thena? Pwede ba tayong mag usap? " sabi ni Lessy

Hinarap ko naman ito at tumango. Nakita ko din na nakasunod sa likod niya si Spence na tila nag aalala.

"Handa na ako. Ituro mo sa akin lahat ng nalalaman mo" sabi nito

Tinignan ko naman siya ng matalim.

"At bakit naman nagbago ang isip mo Lessy?  Bakit naging determinado ka bigla? " tanong ko sa kanya

Humihinga naman siya ng malalim at tinignan ako.

"Dahil gusto kong malaman kung ano ang nangyari sa aking ina at lalong lalo na kay Drew. Kaya gagawin ko lahat para malaman ang totoo kahit na itaya ko pa ang buhay ko" mahina niyang sambit

Kung ganoon ay tama ako. May namamagitan nga sa kanila ng lalaking sumusunod sa kanya.

"Spence! Ikaw ang magsasanay kay Lessy bibigyan kita ng isang buwan para maging bihasa sa pakikipaglaban gamit ang armas." sambit ko kay Spence yumuko naman ito sa akin at lumapit kay Lessy

"Lessy pagkatapos ng iyong isang buwang paghahanda nais kong pumunta ka kaagad dito mismo sa lugar na ito at tayo ay magtutuos." seryoso kong sabi sa kanya

"Kung sakali mang matalo mo ay ay tutukungan kitang ilabas ang iyong tunay na kapangyarihan at sasabihin ko sayo ang buong katotohanan sa nangyari sa iyong ina" sabi ko

Nakita ko naman na tila naging masaya ito sa desisiyon ko at umalis na.

"Bakit Thena?  Sigurado ka na bang handa siya para sa katotohanan? " tanong ni Spence

Tinitigan ko siya at nilagpasan

"Alam mo naman na kailangan natin siyang ihanda sa lahat ng mga mangyayari.Kaya dapat ay isagawa mo na ang pagsasanay sa lalong madaling panahon" sabi ko saka naglakad paalis

Ngunit bago ako tuluyang makaalis ay hinawakan ni Spence ang aking balikat dahilan upang bumilis ang tibok ng aking puso.

"Makakaasa ka Thena" sambit nito at nilagpasan na lamang ako

Lessy's Pov

Tahimik aking nakaupo sa damuhan habang nagmamasid masid sa palagid. Iniisip ko pa din si Drew. Ano ba talagang nangyari sayo Drew?  Bakit ka nagkaganyan?

"Alam mo baka mabaliw ka sa kakaisip"

Napalingon na lamang ako sa nagsalita

"Oh anong ginagawa mo dito Spence? " tanong ko sa kanya at tumitig sa ulap

Tinayo niya naman ako at hinarap sa kanya.

"Tuturuan kita kung paano ako mahalin" sabi nito

"Joke lang!  Hahaha sus!  Syempre mag eensayo na tayo ano pa nga ba? " tawang tawang sabi nito

Binatukan ko na lamang ito at inirapan.

"Oh edi umpisahan na natin! " sabi ko sa kanya

Bigla namang naging seryoso ang tingin niya sa akin.

"Alam mo ba na pwede mong hawakan ang hangin? " sabi nito at tumitig sa akin

Napatawa naman ako sa sinabi niya

"Wehh?  Haha hangin yan duh!  Hindi mo mahaha- Woahhh!!  Paano mo nagawa yan? " sabi ko sa kanya ng nakita kong ginamit niya ang hangin para makagawa ng sandata

"Ang sandatang ito ay galing sa enerhiya ng hangin kaya mas malakas ang sandatang ito kesa sa pangkaraniwan lamang." sabi ni Spence saka ibinato ang sandata sa hangin na dahilan ng pagkakalaho nito.

"Handa ka na ba Lessy?  Hindi magiging madali ito" sabi ni Spence

Nginitian ko na lamang siya at nginitian

"I was born ready Spence" sambit ko rito na dahilan ng kanyang pagngiti

Curse (On Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon