Curse 28

915 23 0
                                    

[28]

Third Person's POV

Mahigit isang oras nang naglalaban ang dalawa ngunit kahit saglit lamang ay wala ni isang nagpatinag.

Lahat ng tira nila ay pantay tila ba hindi mo malalaman kung sino ang mananalo sa kanila. Tanging swerte na lamang ang kailangan para matapos ang labanang ito.

"Hyah!!"

Rinig ang pagsigaw ng dalawa sa buong paligid. Pati na din ang pagkakabanggaan ng kanilang mga sandata ay umaalingaw ngaw sa buong paligid.

Akmang hahampasin ni Laure si Lessy ngunit nakaiwas ito at pumunta sa likuran niya. Hindi naman inaasahan ni Lessy na maiisahan ito ni Laure at sinuntok siya sa tiyan niya dahilan ng pagkakabagsak ni Lessy.

"Talo ka na" mahinang sambit ni Laure

Ngunit umiling lamang si Lessy at pinilit na tumayo.

"The rules says it all Laure. Hanggang hindi ako lumalagpas sa bilog ay hindi pa ako matatalo" sabi ni Lessy

Pilit niyang nilabanan si Laure. Ngunit dahil nanghihina na ito ay hindi niya magawang tamaan si Laure.

"Face it Lessy. Isang tira ko na lang sayo ay makakalagpas ka na sa Circle. Talo ka na" sabi ni Laure

Ngunit muli ay umiling si Lessy at dahan dahang tumayo. Hinawakan niya ang kwintas na ibinigay ng kanyang inang si Rosseta.

"Mom I need your help" mahina nitong bulong sapat para hindi marinig ni Laure

Mabilis pa sa kidlat na sinugod ni Laure si Lessy ngunit nagulat ito ng biglang naglaho si Lessy at pumunta sa inner circle o ang sentro ng bilog.

Nagtaka naman si Laure Kaya mabilis siyang lumapit kay Lessy. Akmang hahampasin na niya ito ng sandata ngunit naharang ito ni Lessy gamit ang dagger ng kanyang ina.

Nagulat na lamang si Laure sa kakaibang liwanag na bumalot sa katawan ni Lessy. Biglang nabitawan ni Laure ang kanyang sandata at napaatras.

"Bakit hindi mo ako labanan? "nagtatakang tanong ni Lessy

Hindi siya kinibo ni Laure bagkus ay nanahimik na lamang siya. Hindi na inabala pang kinuha ni Laure ang sandata niya. Naisip niya na ang enerhiya na lamang ng Elemento ng Hangin ang kanyang gagamitin.

Bigla itong nagpakawala ng malakas na enerhiya patungo kay Lessy. Iniisip niya na sa pamamagitan ng enerhiya na ito ay matatalo niya si Lessy ngunit diyan siya nagkakamali.

Hindi niya alam ang tungkol kay Lessy at mas lalong hindi niya alam na si Lessy ang Elemental Goddess of the Elements. Nakangiti si Laure na pinagmamasdan ang pagkatalo ni Lessy. Ngunit nagulat siya ng sipain lamang ni Lessy ang pwersa ng enerhiya na pinakawalan niya at pumunta sa direksiyon niya.

Hindi kaagad nakakilos si Laure kaya tumilapon na lamang siya at eksaktong lumagpas ang kanyang kamay sa Circle.

Lessy's POV

Nakaramdam ako ng pagkahilo sa ginawa ko.Maski ako ay hindi ko alam kung paano at kung bakit ko yun nagawa pero isa lang ang masasabi ko.

"Thanks Mom" mahina kong bulong

Agad agad ko namang nilapitan si Laure na ngayon ay nagsisimula nang maglaho.

"Laure! " sigaw ko

Pumunta naman ako sa tabi niya at nginitian niya ako ng napakalawak.

"Nagtagumpay ka Lessy. Nagawa mo ang pagsubok" mahina nitong sabi

"Pero bakit ka naglalaho? " tanong ko rito

"Ibig sabihin nito ay may bagong tagapangalaga na ang sandata. Matatahimik na ako Lessy" mahina niyang sambit

Tinakpan niya naman ang aking mga mata at bumulong sa akin.

"Pagkagising mo ay babalik ka na sa inyo. Hanapin mo ang book of knowledge sa ilalim ng kama mo. Pati ang dagger ay nandoon na din"

"Wala kang maaalala sa labanan na nangyari dito. Bagkus ay maalala mo lahat ng ginawa mo at ang pag uusap niyo ng inyong ina" mahina niyang sambit

Dahan dahan naman akong binalot ng kadiliman. Parang umiikot ako at hindi ko magawang dumilat.

"Lessy! "

Napabangon ako kaagad sa sigaw na aking narinig. Napatitig na lamang ako kay Spence ng masama.

"Wahhh nakabalik ka na! " sigaw niya sa akin at niyakap ako ng mahigpit

Napatango na lamang ako sa kanya at niyakap siya pabalik. Ngunit pakiramdam ko ay may nagmamasid sa amin.

Inilibot ko ang aking panangin sa paligid at nakita ko ang isang babaeng nagmamasid sa amin.

"Sino siya? " tanong ko kay Spence

Napalingon na lamang siya sa kanyang likuran. Agad namang umalis ang babaeng ito at tumakbo.

"Si Tanya yun Lessy. Hindi mo ba maalala?  Tinulungan mo siya" mahina niyang sambit

Nginitian ko na lamang ito at tumingin sa pwesto ng babae kanina. Nakakapagtaka bakit kaya siya umiiyak?  May nagawa ba ako sa kanya?

Isang oras na ang lumipas ngunit nakatitig pa din ako sa Book of Knowledge.

"Bakit hindi mo buksan? " mahinang sambit ni Shera

Nginitian ko siya at tinitigan muli ang libro.

"Medyo natatakot ako" sabi ko sa kanya

"Sige na Lessy. Nandito lang kami kahit anong mangyari" sabi ni Shera

Dahan dahan naman itong umalis at nginitian ako. Napabuntong hininga na lamang ako at sinimulan itong buksan.

"Sino ka? " basa ko sa sulat na nasa libro

"Ako si Lessy. Ang anak ni Rosseta at kailangan kong malaman ang nangyari 17 years ago. Kailangan kong malaman ang tunay na nangyari" sabi ko rito

"Kung ganoon ay ihanda mo ang iyong sarili ibabalik kita sa panahon kung kailan nagsimula ang lahat" sabi nito

Napatango na lamang ako at napapikit. Walang ano ano pa ay binalot na ako ng nakakasilaw na liwanag.

Curse (On Editing)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora