Epilogue

1.9K 33 0
                                    

Epilouge

Lessy's POV

"MOM! " malakas kong sigaw at niyakap siya ng mahigpit.

Nguniti naman si Mommy ng napakalawak na tila ba sobrang nagagalak ito sa aking pagbabalik.

"Ibig bang sabihin nito tinatanggap mo na ang pagiging Elemental Goddess mo? " tuwang tuwang sabi ni Mommy ngunit isang iling lamang ang aking sinagot.

Napabuntong hininga ako ng malalim at niyakap ng mahigpit si Mommy umaasa na payagan ako at suportahan sa desisiyon na aking gagawin.

"Mom alam kong sobrang halaga sa Elemental Creatures ang Elemental Goddess pero sa tingin ko hindi ako ang karapat dapat na maging pinuno dito. I mean it's indeed a great responsibility but sa tingin ko mas magiging maganda ang pamumuhay ng mga Elemental Creatures kapag kilala na nila ang namumuno sa kanila. Yung tipong buong buhay siyang nanirahan sa mundong ito para makapag silbi sa kapwa nila Elemental Creature" pagpapaliwanag ko

Isang ngiti ang sumilay sa bibig ni Mommy. Agad ko naman siyang niyakap ng mahigpit at hinalikan sa pisngi.

"Pero anak kung gusto mong bumalik dito laging bukas ang mundong ito para sayo" mahinang bulong ni Mommy

"So sino nga ba ang itatalaga mong bagong Elemental Goddess" tanong ni Mom

Napangiti naman ako sa kanya at napaisip. Sigurado ako na siya ang karapat dapat sa tronong ito. At sigurado din ako na hinding hindi ako magsisi sa desisiyon ko.

"MABUHAY ANG BAGONG REYNA! " sigaw ng mga tao

Agad naman akong naglakad patungo sa kanilang harapan dala ang Celestial Crown.

Nakakabinging sigawan ang binigay ng mga Elemental Creature. Tuwang tuwa sila sa bago nilang reyna. Na alam kong siya din ang makakapagbigay buhay muli sa apat na Elemento ng mundo.

"Lessy sigurado ka na ba?  Bakit ako pa?  Eh madami namang iba diyan" bulong nito sa akin

Ngunit isang ngiti lang ang aking ibinigay at dahan dahang ipinatong sa kanyang ulo ang Celestial Crown.

"Ngayon. Iminumungkahi ko na ang bagong reyna na mamumuno sa apat na Elemento ng mga Elemental Creatures. Magbigay pugay!  Kay Reyna Shera!" sigaw ko

"MABUHAY! " sigaw ng mga tao

Agad naman akong niyakap ng mahigpit ni Shera.

"Lessy kapag nagka anak ka. Ipangako mo na siya ang papalit sa akin. Bilang aking tagapagmana. " bulong nito sa akin

"Pangako. Oh siya!  Oras na ng pagdiriwang" sabi kong muli sa kanya

Tumango na lamang siya at dahan dahang umalis. Napangiti ako sa aking nakikita. Tama nga ang naging desisiyon ko. Tama nga na ginawa kong reyna si Shera.

Napuno ng kasiyahan at pagdiriwang ang buong palasyo ng Elemento ng Hangin. Syempre kasama na ang mga Fallen Angels at mga kinatawan ng iba't ibang Elemento.

Napangiti na lamang ako sa aking nasasaksihan.  Kung may isa akong pwedeng hilingin ngayon. Ay yun ay makita ang mga Elemental Creatures na masaya.

Lumipas ang gabi ay naisipan ko ng umalis na. Siguro nga hindi ito ang mundo ko. Siguro nga pakiramdam ko ay may bagong buhay na nag aabang sa akin sa mundo ng mga Mortal.

Akmang maglalakad na ako papunta sa portal ng may biglang humigit sa aking braso at niyakap ako ng mahigpit.

"Spence?! " gulat kong tanong dito

Napatingin naman ako sa likod at nakita ko ang aking naging pamilya sa mundong ito. Sila Shera, Narah, Klent at Tanya. Pero mas nagulat ako ng makita ko si Drew na nakangiti sa akin.

Agad kong kinalas ang aking pagkakayakap kay Spence at dahan dahang pumunta kay Drew na ngayon ay bitbit at buhat buhat niya ang kanyang nagiisang anak na babae.

"Ang cute naman niya" bulong ko dito at hinimas ang mukha ng baby

"So aalis ka na? " tanong niya sa akin

"Oo. Ayokong iwan si Daddy mag isa doon. And besides nakasanayan ko na ding tumira sa mundong iyon" sagot ko sa kanya

"Eh ikaw hindi ka babalik? " dugtong ko

"Saka na siguro. Ayokong iwan si baby Anastasia ngayon. Pero siguro kapag maayos na ang lahat ay babalik ako. Pero Lessy" mahinang sabi ni Drew

Agad naman akong napatingin sa kanya.

"G-gusto ko lang sabihin na hanggang ngayon mahal pa din kita. At totoo. Totoo ang pagmamahal na binigay ko sayo at patuloy kong ibibigay kung hahayaan mo sana akong nakawin ang iyong puso. Sisisguraduhin ko na hinding hindi ka magsisi" sabi nito

Hindi ko naman maiwasang hindi mapangiti sa sinabi niya. Oo alam kong hindi biro ang naging relasyon namin. At alam ko ding nabulag lang siya sa galit.

Akmang yayakapin ko na si Drew ng bigla akong hinila ni Spence at hinalikan ako sa pisngi.

"Lessy ako wala nang ligaw ligaw mahal kita. Halika na magpakasal na tayo! " sigaw nito.

"Aray! " sigaw niya at hinimas ang batok niya

Haha ayan kase! Itong si Drew talaga kung ano anong tumatakbo sa utak!

"Anong walang ligaw?!  Ano kayo siniswerte?" sigaw ko sa kanila

Napangiti na lamang si Drew pero Spence nakasimangot at binatukan si Drew.

Konting yakapan pa ang naganap at pagpapaalam ng napagdesisiyonan kong umalis na.

Agad ko silang kinawayan at nginitian ng matamis. If not for them malamang itinuturing ko pa ding sumpa ang aking kakayahan. Kung wala sila malamang wala din ako ngayon.

Dahan dahan kong pinagmasdan ang bahay namin at pumasok. Agad kong niyakap ng mahigpit si Daddy.

"I miss you Dad" bulong ko rito

This is my life. Dito ako nagumpisa. Dito ako naghirap at dito ako kinutsa dahil sa isang kakayahang itinuring kong sumpa.

Isang sumpa na akala ko'y hindi matatanggal. Kung ngayon ay gustong gusto kong mawala ang sumpang ito ngayon ay itinuturing ko na itong kayamanan. Isang kayamanan na magpapa alala sa akin sa mundong aking pinagmulan.

Before I consider myself strong but now. Natutunan ko na hinding hindi ako magiging ako ngayon kung hindi dahil sa mga Elemental Creatures.

I am Lessy. A girl who was born in darkness. A girl who considered here self as a Curse. But things change. Hindi ko na ito itinuturing sumpa. Kundi isang parte ng aking buhay. Isang parte na kailanman ay hinding hindi mawawala sa akin.

-End-

Curse (On Editing)Where stories live. Discover now