Curse 32

886 21 0
                                    

[32]

Andrew's POV

"Ipatawag ang mga kawal! " sigaw ko

Yumuko naman kaagad ito at dali daling umalis. Nagmadali din naman akong naglakad papunta sa dungeon. Kailangan kong magawa ang isa sa mga plano ko. At sisiguraduhin kong magtatagumpay ako.

"Oh Tanya? Kamusta ka na?" tanong ko rito

Ngunit hindi niya ako pinansin at tumingin sa malayo.

"Thena! Bakit ayaw sumagot ng kasama mo! " sigaw ko

Ngunit tinaasan na lamang ako ni Thena ng kilay at bahagyang sinipa si Tanya.

"Alalay. Pakikuha si Tanya. Damitan at bihisan niyo pa siguraduhin niyong ibibigay niyo lahat ng pangangailangan niya. Ngunit huwag na huwag niyo siyang papatakasin! Kung hindi ay alam niyo na ang parusa niyo" sabi ko

Agad agad namang gumalaw ang mga alalay. Ngunit kahit na ganoon ay nagpupumiglas pa din si Tanya.

"SAAN NIYO AKO DADALHIN?! " sigaw nito

Lumapit naman ako dito at hinaplos ang kanyang mukha.

"Dalhin niyo na siya! " sigaw ko

"Thena,Thena paano ba yan?" sabi ko sa kanya

Dahan dahan kong tinanggal ang pagkakatali niya at inalalayan siyang tumayo.

"Ang ganda mo talaga" sabi ko rito

"Ang ganda mong sampalin! "sigaw ko at sinampal siya ng malakas

"Akala mo ba papakawalan kita?! Haha nagpapatawa ka ba?! Hinding hindi ko gagawin yun dahil mamamatay ka na!" sigaw ko rito

Hinampas ko ng malakas ang mukha at tinadyakan ang kanyang tiyan.

"Huwag!" sigaw ni Thena at hinawakan ang kanyang tiyan.

"Ahh" daing niya at kinapa ang kanyang hita.

"D-dugo?" tanong ko sa kanya

Ngunit hindi niya ako sinagot. Pinilit niyang tumayo habang patuloy na umaagos ang dugo sa kanyang mga hita.

Akmang tatanungin ko siya ng bigla siyang nahimatay.

Agad ko siyang binuhat at nagmadaling ipinunta siya sa mga manggagamot.

"Bilisan niyong gumalaw!" sigaw ko sa kanila

"Thena! Umamin ka sa akin! Buntis ka ba?! " sigaw ko rito

Bahagya na lamang siyang tumango at pumikit.

Lessy's POV

Kasalukuyan naming kausap ang mga Fallen Angels ngayon. Maigi naming l
Pinagplaplanuhan lahat ng aming gagawin.

"Kung gayon Shera at Narah simulan niyo na ang paggawa ng mga potions at antidotes para sa lahat" ma awtoridad kong sabi

"Pero paano si Tanya? Si Thena? " tanong ni Klent

Napalingon naman ang lahat sa kanya.

"Ako ang magliligtas sa kanila" sabi ni Spence

Napayukom naman ang aking kamao at tumingin sa kanilang lahat.

"Siguradong gagawing pain ni Drew si Thena at Tanya." mahina kong sabi

"At kapag nagpauto tayo. Masisira ang lahat mananalo ang Dark Souls" sabi ko

"Kung ganoon ay sinong magtatakas sa kanila? " tanong ni Liam isa sa mga Fallen Angels na dumating dito kanina.

"Ako. Mas mapapadali kung ako ang magliligtas sa kanila bukod sa kaya kong magtago sa hangin ay kaya ko ding gumawa ng portal na magbabalik sa kanila dito agad agad" sabi ko

Akmang tututol si Spence ng bigla akong pumunta kay Shera at Narah.

"Bakit Lessy? May problema ka ba? " tanong ni Shera

Umiling naman ako sa kanya at inabot ang amulet niya.

"T-teka hindi mo binigay? " tanong niya

"Gumawa ako ng replica ng amulet mo para hindi manghinala si Andrew" pagpapaliwanag ko dito

Niyakap naman ako ni Shera ng mahigpit.
Ilang saglit pa ay nagpaalam na ako sa kanila at pumunta sa mga Fallen Angels na ngayon ay naghahanda na.

"Salamat dahil tumulong kayo" mahina kong sabi

"Ang hangin ang buhay namin. At hindi namin pwedeng hayaan na may sumakop sa mga elemento" sabi ni Liam

Pinagmasdan ko naman ito ng nakangiti.

"Teka hindi ba dapat may pakpak kayo? "sabi ko sa kanila

Umiling naman ito sa akin.

"Fallen Angel's kami Lessy" sagot ni Ali kapatid ni Liam

Napa "Ahh" na lamang ako at napatango. Akmang maglalakad na ako paalis ng may humila sa braso ko.

"Bakit" mahina kong sabi kay Spence

"May problema ba tayo Lessy? " tanong niya sa akin

Isang ngiti lang ang isinagot ko sa kanya at tinanggal ang pagkakahawak niya sa braso ko.

"Huwag mo na siyang pigilan Spence. Hayaan mo muna siya" sabi ni Klent

Tama si Klent, Spence. Sa ngayon ay hindi muna tayo pwedeng mag usap. Dahil baka ikaw ang maging dahilan kung bakit hindi ko maililigtas si Tanya.


Curse (On Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon