Curse 29

910 20 0
                                    

[29]

Lessy's POV

"Kung ganoon ay ihanda mo ang iyong sarili ibabalik kita sa panahon kung kailan nagsimula ang lahat" sabi nito

Napatango na lamang ako at napapikit. Walang ano ano pa ay binalot na ako ng nakakasilaw na liwanag.

"Rosseta! Ipinapatawag ka ng Elemental Goddess of Air! "

Agad akong napalingon sa boses na aking narinig. Napalapit naman ako kay Mommy. Nanay nga kita Mom magkamukhang magkamukha tayo noong dalaga ka pa.

"Oo saglit lang" sabi ni Mommy

Napatango na lamang sa kanya ang babae at umalis na.

"Tinitignan mo na naman ang mga mortal sa salamin na iyan" bulong ng isang babae sa kanya

Nginitian lamang siya ni Mommy at nilingon.

"Nakakatuwa kase sila Thena. Lalo na ang mortal na iyon" sabi ni Mommy at tinuro ang isang lalake

Nakita ko naman na naglabas ng isang dagger si Thena.

"Ano palang ginagawa mo rito? " tanong ni Mom sa kanya

Nginitian niya lamang si Mommy at isinaksak ang dagger sa likuran niya.

"T-thena b-akit? " nanghihinang sabi ni Mom

"Malilimutan mo kung sino ang sumaksak sayo. Iisipin mo na Dark Soul ang gumawa sayo nito." bulong ni Thena kay Mommy

Akmang susugurin ko na si Thena ng biglang nagdilim ang paligid.

"Teka!  Book of Knowledge!  Yun na yun? " sigaw ko

"Madami ka pang malalaman Lessy. Pero papaalahanan lang kita. Hindi ka nila nakikita kaya walang silbi kung sasabutahein mo sila" sabi nito

Napabuntong hininga na lamang ako at bahagyang napatango. Bigla naman lumiwanag ang buong paligid.

"Rosseta ayos ka lang ba? " tanong ng isang babae sa kanya

"Ayos lamang ako ina. T-teka asan si Thena?! " sigaw ni Mommy

"Nakuha ng Dark Souls si Thena anak" mahina nitong sambit

Agad namang napabalikwas ng tayo si Mommy at nagmadaling naghibis.

"Rosseta!  Maghulos dili ka!  Hindi ka pa magaling! "pagpipigil sa kanya

"Ngunit ina!  Aantayin na lang ba natin na mamatay si Thena?! Hindi pwede! "

Akmang pipigilan na niya si Mommy ng bigla itong naglaho. Kasabay ng paglalaho ni Mommy ay ang pagbabalik ko sa realidad.

"T-teka bakit bumalik na ako?! " sigaw ko

Agad ko namang dinampot ang Book of Knowlede at pilit itong binuksan. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi ko ito mabuksan.

"Lessy?  Ayos ka lang ba? " sigaw ni Narah at lumapit sa akin

Akmang sasagutin ko na siya ng may pagsabog kaming narinig sa labas. Agad kaming tumakbo papunta sa labas at bumungad sa amin ang mga Dark Souls.

"Ilabas niyo si Cleanese! " sigaw ni Drew

Naglakad naman ako papunta sa kanya at inihanda ang dagger ko.

"At bakit naman namin gagawin yon?" tanong ko

Nginitian niya lamang ako ng pagkalawak lawak at tumingin sa akin.

"Bibigyan ko kayo hanggang sa kabilugan ng buwan upang ibalik si Cleanese sa akin kung hindi ay mamamatay ang pinakamamahal mong Daddy Lessy" sabi nito

Akmang susugurin ko na sila ng bigla itong naglaho.

"Siguro kailangan na nating ibali-"

"Hindi!" pagpuputol ko kay Spence

May iba pang paraan para malagpasan namin ang pagsubok na ito. At isa lamang ang nakikita kong paraan dito.

"Narah hindi ba ikaw ang pixie ng imaginations at illusions? " tanong ko rito

Napatango na lamang siya at tumingin sa akin.

"Bakit mo natanong? " tanong ni Narah

"I wonder if kaya mong ipakita sa akin ang mga nangyari 17 years ago? " tanong ko rito

Nginitian niya lamang ako at iginaya sa kama sabay kuha ng Book of Knowledge.

"Lessy makakatulog ang katawan mo pero maglalakbay naman ang kaluluwa mo patungo sa nakaraan" napatango na lamang ako sa sinabi niya at tuluyan nang pumikit

"With this book
And my power
Take her soul
Back in hour
To the day
That she wanted
And the day
  Where all her trouble's began"

Agad naman akong nakadama ng matingding pagkahilo. Ramdam ko ang pagkahulog ko at ang dahan dahan kong pagbagsak.

"Rosseta! "

Napamulat naman ako ng marinig ko ang pangalan ni Mommy. Pero ang nakakapagtaka bakit ako ang kausap ng babaeng yan?

"Jusko!  Rosseta!  Gumising ka na hinahanap ka ng iyong ina" sabi nito sa akin

"R-rosseta? " tanong ko sa kanya

Napabuntong hininga lamang ito at tumitig sa akin.

"Yan ba ang epekto ng pagliligtas mo sa nakababata mong kapatid Rosseta?. Oo!  Ikaw si Rosseta" sabi nito

Napanganga na lamang ako sa sinabi niya. Ibig bang sabihin hindi lang ako bumalik sa nakaraan?  Ibig bang sabihin ay pumasok ang kaluluwa ko sa katawan ng nanay ko 17 years ago?!

"Oh siya. Kanina ka pa hinahanap ng iyong ina. May misyon kang dapat gawin"

Napatango na lamang ako sa sinabi niya. T-teka nakababatang kapatid?  Ibig sabihin?  Kapatid ng Mommy ko si Thena?  I mean!  Siya lang naman ang nanganganib ng dahil sa Dark Souls hindi ba?

Malalaman ko din ang totoo. Agad akong tumayo at naghanda. Sana malaman ko na kaagad ang totoo.

"Rosseta"

Napalingon na lamang ako sa boses na aking narinig.

"S-spence? " mahina kong sambit

Curse (On Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon