Curse 22

1K 28 0
                                    

[22]

Klent's POV

Dali dali akong naglakad papunta sa Dungeon. Kailangan kong sabihin kay Thena na nagtagumpay na ang kanyang pinaplano.

"Thena? Andiyan ka ba? " bulong ko sa kanyang selda

Narinig ko naman na medyo napaungol ito kaya dahan dahan ko na lamang sinilip ang kanyang selda.

"A-andrew hmm p-please stop a-ahh" ungol ni Thena

Nagulat naman ako sa sinabi niya. Anong ibig sabihin nito?!

Sinilip ko ang kanyang selda at hindi na ako nagulat ng makita si Andrew dito ngunit iba na ngayon.  Hinahalikan niya ang bawat parte ng katawan ni Thena. Hinahaplos niya ang mga makikinis nitong mga hita. At ang mas nakakagulat ay hinahayaan lamang ito ni Thena.

"Hmm Thena ang galing mo talaga.Nauto mo na naman ang mga taong nasa paligid mo" sabi ni Drew

Patuloy lamang ako sa pakikinig. Dapat ko nang malaman ang katotohanan.

"Drew sino ba naman ang magtataka kung ikukulong mo ako dito." sagot ni Thena at hinalikan muli si Drew

"Mamayang gabi mamatay na si Lessy. At kanino maipapasa ang trono?  Walang iba kundi sa akin! Haha matutupad na ang mga pangarap natin Drew! Mapaghihigantian na natin ang panghahayop na ginawa nila sayo" mahinang sabi ni Thena

"Teka paano ka namang masisigurong mamatay na siya? " tanong ni Drew

Nginitian na lamang siya ni Thena at niyakap.

"Yung potion. Akala ni Klent maibabalik nang potion na yun ang mga ala ala ni Lessy." sabi ni Thena

Hindi ko na pinakinggan ang susunod niyang sasabihin. Agad agad ko nang pinuntahan si Lessy. Hindi niya pwedeng mainom ang potion na iyon. Hindi pwede.

"Lessy kailangan natin-" naputol ang aking sasabihin ng makita ko si Shera sa loob

"Oh hi Klent!" masayang sabi nito saka binitawan ang dagger na hawak niya.

"Anong ginagawa mo kay Lessy? " malamig kong sabi

"Ano pa ba? Edi papatayin siya!  Haha bummer ang ganda niya sana pero mas maganda pa din ako noh!  I mean look at this face! "sigaw niya

"Subukan mo siyang galawin ako makakalaban mo" sabi ko saya

Nginitian niya na lamang ako at sinugod ngunit bigla akong naglaho at hinawakan ang katawan ni Lessy.

"Bakit mo ito ginagawa Shera?! " sigaw ko sa kanya

"Haha sa tingin mo ba ako talaga ang pixie niyo??! Like eww ang panget niya kaya" sabi nito at nginitian ako

Tinitigan ko naman ito at nakiramdam sa susunod niyang gagawin. Akmang ibabato niya na ang espada niya ngunit bigla kong binuhat si Lessy at naglaho.

Wala akong oras para makipaglaban sa mga walang kwentang tao. Kailangan malaman ni Spence ang mga kaganapang ito.

Drew's POV

"Walanghiya ka! " sigaw sa akin ni Thena

"Haha kung akala mo maililigtas mo si Maunthe nagkakamali ka!  Akala mo ba tanga ako para hindi malaman ang plano mo Thena?! " sigaw ko sa kanya

Hindi niya na lamang ako pinansin at tumingin sa malayo.

"Pakipot ka pa?!  Eh nag enjoy ka kanina haha" sabi ko sa kanya at hinawakan ang kanyang mukha

"Uto uto din yang Klent na yan noh?!  Hindi niya man lang naramdaman na kinokontrol kita kanina?!  Well,  hindi na ako magtataka kung kasing tanga mo ang uutos utusan mo Thena! " sabi ko sa kanya

Ngunit muli ay hindi niya ako pinansin. Dahan dahan akong lumapit dito at hinalikan ng mariin ang kanyang mapupulang labi.

"BABE!  NAKATAKAS SI LESSY! "

Bigla naman akong napatigil sa paghalik kay Thena at tinignan si Cleanese.

"At paano naman makakatakas ang babaeng yun?! " sigaw ko sa kanya

Napayuko na lamang siya at kinagat ang kanyang pang ibabang labi.

"Anong ginawa niyo kay Shera?! " sigaw ni Thena

Nilapitan naman siya ni Cleanese at sinampal.

"Pakialam mo ba?!  Haha mamatay na yung pixie niyo!  Mamamatay na siya! " sabi nito at sinabunutan si Thena

"Cleanese tama na yan" mahina kong sabi.

Inirapan na lamang ako ni Cleanese at nauna nang umalis.

Bago ako umalis ay tinitigan ko si Thena. Sayang minahal pa naman kita pero tanga ka kase eh!  Tanga na nga uto uto pa!  Kagaya mo lang si Cleanese.

"Babe akala ko ba aalis na tayo?! " sigaw ni Cleanese

Napailing na lamang ako at tuluyan nang umalis.

"Cleanese!  Paano nakatakas si Maunthe?!" sigaw ko sa kanya

Ngunit hindi niya ako pinansin at sinuklayan ang buhok niya.

"CLEANESE! " sabi ko

Inirapan niya naman ako at lumingon sa akin.

"Eh ano naman ngayon?!  Nainom niya na yung lason no! "sagot niya

"Anong lason?! " sigaw ko

"Duh!  Ano pa ba edi yung hawak hawak niya kanina! " sigaw niya

"Hindi pwede! " sigaw ko

Hindi pwedeng makaalala si Maunthe!  Hindi pwede hanggang hindi pa kami kasal!

"may ipapagawa ako sayo" malamig na sabi ko kay Cleanese

Tumango na lamang siya at lumapit sa akin. Nginitian niya na lamang ako at hinalikan.

"Makakaasa ka babe" sabi niya sa akin at niyakap ako ng mahigpit

Spence's POV

"LESSY?! "

Agad naman akong tumakbo papunta sa kanila at binuhat si Lessy.

Niyakap ko ito ng mahigpit at hinalikan ng paulit uli ang kanyang pisngi.

"Lessy ko" mahina kong sambit at niyakap siya ng mahigpit.

"Mukhang nainom na niya ang lason" sabi ng lalaki

Akmang hahawakan na niya si Lessy ngunit niyakap ko ito ng mahigpit. Napakunot na lamang ang kanyang noo at tinitigan muli si Lessy.

"Spence sino yan? T-teka Klent! " sigaw ni Narah at tumakbo palapit sa amin

"Kilala mo itong lalaking to! "sigaw ko kay Narah

Napatango na lamang si Narah at nginitian ni Klent. Hmm mukhang may namamagitan sa dalawang ito ahh. Mas mabuti na yun para wala akong kaagaw kay Lessy!  Wahaha

"Aray! " sigaw ko ng binatukan ako ni Narah

"Walang namamagitan sa amin no!  Heh! " sigaw niya at tumingin palayo.

Napatawa na lamang ako sa inasta niya at niyakap si Lessy.

"Lessy gising na.Na miss na kita eh gising na Lessy ko." pabulong kong sabi sa kanya

"Asan pala si Shera? " tanong ni Narah

Napailing na lamang ako at sinabing hindi ko alam. Oo nga, asan na kaya si Shera?  Bakit hindi pa siya bumabalik?

Curse (On Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon