LH1

5.4K 75 1
                                    

Chapter 1:
That girl

UNANG araw ng klase pero mukhang maleleyt pa yata ako. Habol ko ang aking hininga ng makarating malapit sa bulletin board. Hindi ko magawang lumapit dahil halos magkasakitan na ang mga estudyanteng nagbabasa ng mga  nakapaskil. Mapababae, nakikipagsiksikan para lang huwag maleyt ang mga ito sa unang klase. At ang mga hudyong lalaki naman hindi man lang magpakagentleman. Kilala ko na ang mga karakas nila.

‘Para-paraan talaga para makatyansing.’ anang maliit na tinig sa isip ko.

Ganito ba talaga sa eskwelahan na ito? Sana pala ako na lang ang pumili ng papasukan ko. Kung alam ko lang.

Si Mama at Kuya ang may gusto na dito ako pumasok. Bagong lipat kasi kami dito sa Sta. Barbara, Batangas. Hindi ko pa kabisado ang Sunico High School Academy kaya kailangan ko pang makisabay sa Kuya—na pinaglihi sa pagong—dahil sa taglay niyang kabagalan. Kapag nasanay na siguro ako. Baka mauna na akong pumasok. Hindi ko yata pinangarap na maleyt sa loob ng isang buong taon.

Hindi yata bagay dito ang mga pakyeme. Kaya naman dahan-dahan kong hinakbang ang aking mga paa. Kahit na hindi ko talaga gawain na makipagsiksikan. Usually kasi kapag siksikan na hinihintay ko na humupa ang dagsaan ng mga tao. I hate crowd. Kaya ayokong lumipat ng school. Hirap mag-adjust, panibagong pakikisama na naman.

At dahil sa abala ang utak ko. Hindi sinasadyang may nakabangga akong isang estudyanteng lalaki. He looked at me intently. Bigla akong kinabahan; hindi ko alam kung dahil ba sa paraan niya nang pagtitig sa akin. O dahil sa presensiya niya.

Hindi maitatanging gwapo ang itsura ng kaharap ko. May katangkaran siya, maputi ang kulay ng balat. Tila hindi man lang siya marunong ngumiti. Pero ang mas kapansin-pansin ay ang mga labi niya. He has a sensual and red lips. Tila hindi pa man lang nakakatikim ng sigarilyo. Karamihan kasi sa mga kaedad kong lalaki. Tambay sa harap ng tindahan at may salpak ang bunganga. Habang nagbubuga paitaas ng usok.

“Miss, Are you okay?” walang emosyong tanong ng lalaking nakabanggaan ko.

Namalayan ko na lang ang pagpitik ng daliri niya—di kalayuan sa aking mukha. I jolted back in reality. “H-huh?”

Napakagat ako sa aking labi. Tila may pinunasan siya sa baba ko. Bahagya pa akong napaatras dahil sa pagsayad ng malambot na palad niya. “Laway mo tumutulo.”

Awtomatiko akong napahawak sa bibig ko. Ginamit ko pang pamunas ang sariling kamay ko. Napataas ang kilay ko nang marealize ko na pinagtitripan lang pala niya ako. Paanong hindi? Mukhang nagpipigil siya ng tawa.

Nang mapansin niyang masama ang tingin ko sa kanya. He cleared his throat at sumeryoso ang kanyang mukha. Umismid pa siya sa akin. “Are you okay?” pag-ulit niya, hindi tonong concern. Kundi na naninigurong wala akong maisisisi sa kanya.

Dahan-dahan akong napatango. Mukha na siguro akong ewan dito. Nakaramdam ako nang pagkapahiya. Tumayo ako ng tuwid at inayos ang aking sarili.

Palihim din akong napaismid. Ngunit tumango na lang ako bilang sagot sa tanong niya. Ayaw kong maabala pa siya. Kaya naman, “S-sorry.” mayamaya ay paghingi ko nang paumanhin. Naisip kong may kasalanan din naman ako.

Tumango lang din siya sa akin. “What's your name?”

“H-huh!?”

“Bingi ka ba o hindi ka lang talaga makaintindi ng salitang english.” galit na turan niya. “Maganda nga, ang bopols naman.” bulong pa niya.

“Anong sabi mo?” tanong ko. Hindi ko kasi narinig ang sinabi niya.

“Wala. Tinatanong ko lang naman kung anong pangalan mo?”

Let's Heartbeat: Shanielle #Wattys2018Where stories live. Discover now