LH43

1K 24 0
                                    

Chapter 43
Kalimutan

Aaminin kong unti-unti nang nahuhulog ang loob ko kay Ranz. Pero inabot pa rin nang isang taon ang panliligaw niya sa akin. Masaya ako na hindi siya sumuko kahit na pinahirapan ko siya. At pinatagal ang paghihintay niya. Hindi katulad ng kuya ko. Well, kung sincere ka naman talaga sa panliligaw sa isang tao kahit na gaano katagal ay mahihintay mo siya. Lalo na kung mahal mo talaga.

“Okay, bye. Hintayin mo na lang ako mamaya.” dinig kong sabi ni Kuya Yordan sa babaeng kinaiinisan ko.

Nakataas ang kilay ko ng halikan niya sa pisngi ang Kuya ko. Wala akong balak na alamin kung ilang buwan na ang relasyon nila.

“Bye,”

Natigilan siya sa paglalakad ng makita niya na nakatingin ako sa kanya. Mayamaya ay nginitian niya ako pero hindi ko iyon tinugon. Hindi niya ako makukuha sa mga pangingiti-ngiti niya.

“Bakit hindi ka man lang gumanti ng ngiti?” tanong ng lalaki sa tabi ko.

“Hindi ngiti ang gusto kong iganti sa kanya. Sampal, Ranz. Baka nga mas malala pa dun.”

“Shan,” saway niya.

Tiningnan ko siya ng matalim ngunit hindi man lang siya natinag. “Nagseselos ka?” napipikon na tanong ko.

Hindi niya ako sinagot sa halip ay tintigan niya lang ako. His jaw clenched at parang pinipigilan niya na wag akong bulyawan.

“Kung nagseselos ka, bakit hindi na lang siya ang sundan mo? Tutal naman mas nag-alala ka pa sa kanya. Damayan mo. Yakapin mo. Wag ka ng umalis sa tabi niya. Kasi kapag nagkaroon talaga ako ng pagkakataon. Kakalbuhin ko siya.”

“Ang bitter mo,” bulong ni Ranz.

“Ano 'yun?” nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya. Subukan lang niyang magkamali ng sagot. Talagang malilintikan siya sa akin. Makikipagbreak talaga ako.

Inunat niya ang binti niya at sumandal sa likod ng puno. Tsaka niya pinatong ang braso niya sa balikat ko. Pumiksi ako at tumayo. Hindi ko na siya pinansin at tuloy-tuloy akong naglakad. May usapan pa naman kami ng mga kaibigan ko na magkikita kami duon.

“Shan, kalimutan mo na kasi 'yon. Ang tagal-tagal na n'yan. Ayokong may girlfriend ako na bitter.”

“Whatever!”

Pagdating ng hapon wala akong nagawa kundi ang kausapin siya. Mukha namang balewala lang sa kanya ang nangyari. Hinatid niya ako sa bahay namin.

“I'll fetch you tomorrow.”

Every Wednesday ay pareho kaming ten o'clock ang pasok. Sinadya yata niya na halos lahat ng sched ay magkatulad kami. Mahina akong tumango bilang pagsang-ayon. Ngumiti ako sa kanya para magpaalam. He leaned to kiss me on my cheeks.

“Bye,” kumaway pa ako. Ngunit hindi man lang ako kumilos mula sa kinauupuan ko. Tila nakapako ang pang-upo ko.

“Kapag nagtagal ka pa dito. Baka kung ano na ang isipin ni Yordan o ni Tita. Shan, kailangan mo ng bumaba.” mahinahong pagtataboy ni Ranz sa akin palabas.

“Hindi mo man lang ba ako sasamahan na bumaba? Ihatid mo muna ako hanggang sa pintuan. Tsaka baka hanapin ka ni Mama.” pangungulit ko.

Ngunit hindi naman iyon umobra. Kinalas niya ang seatbelt ko at siya na ang nabukas ng pintuan—tinulak niya iyon mula sa loob—na nasa gilid ko. Pairap na tumingin ako sa kanya.

He grabbed my hand and looked straight into my eyes. Yung tingin na nakikiusap at may halong pagmamahal. “Hindi na. Baka malate ako sa usapan namin nina mommy.”

His not the kind of a boyfriend na sweet at very caring. Tama lang. Minsan nga lumalabas pa rin 'yung side na pagiging snobero. Naiintindihan ko na hindi siya showy sa nararamdaman niya. Ang mahalaga ay hindi niya nakakalimutan ang responsibilidad niya bilang boyfriend.

“Gusto mong sumama?” tanong niya.

“Hindi na,” ayoko naman kasi na nakipagkita ngayong sa kapatid niya at mommy. Hindi na nila ako mapakawalan. Wala akong lakas ngayon para makipagsabayan ng kwentuhan sa kanila. Madami kaming ginawa sa University. Ang gusto ko lang ay ang magpahinga.

Mabini niya akong hinila bago kintalan ng halik sa noo. Nakangiti akong umibis ng sasakyan. Hinintay ko pa makalayo ang minamaneho niya bago ako pumasok sa bahay namin.

Nakasalubong ko pa sina Kuya Yordan at ang babaeng kanina lang ay kinaiisan ko. Mukhang ihahatid na siya ni Kuya pauwi. Tuwing nandito ang babaeng 'yan ay hindi ako umuuwi kaagad.

“Hi, Shane.” bati ni Yumi. Walang halong kaplastikan ang mga ngiti niya.

Siguro naman ay hindi makakabawas sa pagkatao ko ang pagbalik ng ngiti sa kanya. At isa pa naisip ko ang mga sinabi ni Ranz. Ayoko naman sa tuwing magkikita-kita kami ay lagi akong sasabihan ng boyfriend ng bitter.

“Hi,” I greeted back. Masyado nang matagal ang alitan namin.

Halos magtatalon sa tuwa si Yumi dahil duon. Tumingin siya kay Kuya at hinawakan naman nito ang kanyang kamay. Sa sulok ng aking mga mata, nakita ko pa ang naluluhang mga mata ni Yumi. Binalewala ko lang iyon at tinuloy ko ang paghakbang ko. Nakarinig ako ng mga tawanan sa kusina. At awtomatiko akong napatakbo papunta duon.

“A-ate Issa,” I cried out habang tumatakbo akong palapit payakap sa kanya. Hindi ko akalain na may naghihintay na supresa sa akin. Nagulat talaga ako na makita siyang nakauwi na.

Doktor ang propesyon nito sa ibang bansa. Kaya naman sinundan ko ang yapak nito. I was a second year BS Biology.

“Dalaga ka na, ah.”

“At ikaw naman, Ate, matanda ka na pero hindi ka pa nag-aasawa.” balik biro niya.

Nagsisi ako dahil nabanggit ko pa ang bagay na iyon. Ang kaninang masayang ngiti niya ay napalitan ng lungkot.

“Kaya nga ako umuwi dito. Nagyayaya nang magpakasal ang nobyo ko pero hindi pa pwede.” pahayag niya.

Nakakunot ang noo kong bumitiw sa kanya. Kauuwi pa lang niya pero problema na ang dala niya. Walang reaksyon na tiningnan kami ni Mama.

“Magmeryenda na nga muna kayo.” aniya.

Ngunit mas pinili ko ang umakyat muna sa kwarto. At magpalit ng damit. Hindi ko maiwasan na ma-excite dahil hindi na ako mag-iisa sa kwarto. Bumalik na nag roommate ko.

“Anak, hindi mo na kailangan pang hintayin na makabalik pa ang papa nyo. Magpakasal ka na kung guto mo. Walang katiyakan na makikita pa naten sya.” iyon ang naabutan kong tagpo.

Tumingala si Ate Issa at tiningnan ako. Alanganin ang ngiting pinakawalan niya. “Shane, halika! Magmeryenda tayo. Namiss ko ang baby sister ko na.”

“Ate parang kang si Kuya. Masyado nyo akong bini-beybi.” nakalabing sagot ko.

Sa kabila ng kasiyahan nila. Alam ko na mas lamang ang lungkot duon. Wala akong ideya kung bakit kailangan pa nilang itago sa akin. Iniisip ba nila na magiging emosyonal na naman ako. Dahil ba ako ang mas close kay Papa?

Kahit ako man ang nasa kalagayan ni Ate. Gusto kong si Papa ang maghatid sa altar. Kapag dumating ang araw ng pinakaimportanteng pangyayari sa buhay ko. Kaya gagawin ko ang lahat para makita ko siya.

💓💓💓
©froggybean

Let's Heartbeat: Shanielle #Wattys2018Where stories live. Discover now