LH22

1.3K 33 0
                                    

Chapter 22:
All for you

“Naku, Yordan... ayoko ng maulit 'to. Kundi mananagot ka sa'ken. Baka gusto mong bawasan kita ng allowance. Nang wala kang magastos dyan sa mga panliligaw mo.”

“Ma, naman.”

“Wag mo akong 'ma 'ma, dyan. Gawin mo ang sinasabi ko.” matigas na utos ni Mama. “Kung ayaw mong tuluyan akong mapuno sa'yo. At sabihin ko sa ate mo ang mga pinaggagawa ninyo.”

Takot si Kuya kay Ate Izza. Takot siyang maputulan ng allowance. Parang gusto ko tuloy pagsisihan ang pagsusumbong ko.

“Opo,” patamad na sagot ni Kuya.

Patingkayad na humakbang ako palayo sa kanila para hindi nila ako mahalata. Nakakailang hakbang pa lang ako.

“Shan, sabihin mo sa'ken kapag hindi ka sinabay ng kuya mo pauwi.”

Halos mapatalon ako ng marinig ko ang boses ni mama. Dahan-dahan akong lumingon at nakasalubong ko ang mga mata ni Kuya, na naninisi.

“Opo,” nakangibit na sagot ko.

“Lagot ka sa'ken,” bulong ni Kuya.

“I love you, kuya.” paalam ko. At mabilis na kumaripas ako patakbo sa aking kwarto.

Sising-sisi na talaga ako sa mga ginawa ko. Kuya is pestering me. Hindi niya ako tinatantanan.

“Kuya, hindi mo na naman ako kailangan na ihatid hanggang sa classroom ko. Tsaka bawal dito ang college student.” saway ko sa kanya.

“Ayoko nga, baka isumbong mo na naman ako kay Mama. Ako pa ang malintikan.” may bahid ng panunumbat ang kanyang boses.

Itinulak ko siya palabas. Patingin-tingin na kasi ang guard sa amin. “Kuya, sige na. Umalis ka na nga,” bwisit na pagtataboy ko.

“Ihahatid na kita sa loob,”

“Ang kulit mo naman, ang aga mong mambwisit.”

Tinawanan niya pa ako. “Gusto kong makilala ang naghatid sa'yo kahapon.”

“Ugh! Kuya...”

“Bakit magpapasalamat lang naman ako dahil inihatid niya ang mahal kong kapatid.”

Pumikit ako ng mariin, kanina pa talaga sumusulak ang dugo ko. Ngunit matapos ang ilang sandaling pang-aasar niya ay nagpaalam din siya. “Sige na... basta mag-ingat ka. Hintayin mo ako mamaya. Bye, lil sis.”

Pinandilatan ko siya ng mga mata. “Kuya...” muli ko na namang saway.

Ayokong tinatawag niya akong lil sis, sa harap ng maraming tao. Baka isipin ng mga estudyante na-spoiled ako sa kapatid ko.

Muli siyang humarap at naglakad ng patalikod. “May ibang araw pa naman para makilala ko s'ya, lil sis.” sigaw ni kuya. Habang nakalagay sa gilid ng kanyang bibig ang dalawa niyang kamay.

“Baliw,”

Napasinghap ako ng pagharap ng may mabangga si Kuya na estudyanteng babae. Hindi magkandaugaga si Kuya sa paghingi ng sorry. Medyo malayo na siya kaya hindi ko masyadong mamukhaan ang babaeng nakabungguan niya. Ngunit kahit malayo ay nangingibabaw ang kaniyang ganda.

Napahagikhik na lang ako habang pinapanood si kuya. Mabuti nga sa kanya. Ang gaslaw-gaslaw niya kasi.

Pagpihit ko ay may nabangga ako. Sinubukan ko na may mahawakan na makakapitan ngunit wala akong mahagip. Ilang segundo bago ako lumanding at mangudngod sa magaspang na semento ay may matigas ma braso na humagip sa beywang ko.

Let's Heartbeat: Shanielle #Wattys2018Where stories live. Discover now