LH7

1.9K 44 0
                                    

Chapter 7:
New friend

NANGHIHINA ang katawan ko nang makarating ako sa bahay namin. Mabuti na lang at huling araw ng pasok ngayon para sa linggong ito. Bukas ay pahingang-pahinga ang gagawin ako.

“Kumusta ang pagpasok mo, anak?”

“Okay lang po, Mama.” lumapit ako sa kanya at humalik sa pisngi.

Kakatwang hindi na ako nakakaramdam ng pagkasabik, pagkagaling mula sa eskwela. Simula ng nagkaisip ako at pumasok sa eskwelahan. Kinasasabikan kong marinig ang tinig niya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Parang may kulang sa pagkatao ko. Dati rati naman ay natutuwa ako kapag kinukumusta niya ako.

“Sige na umakyat ka na. Tapos bumalik ka dito sa baba at sabay na tayong magmeryenda.”

“Ma,” tawag ko sa kanya. Hindi man lang niya ako nilingon.

Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko. Tila may bikig sa aking lalamunan at hindi ko magawang itanong ang bagay na 'yon.

“Nasaan na nga pala ang Kuya mo?” tanong ni Mama.

“May pinuntahan lang po. Itetext daw po niya kayo mamaya.”

Kaninang uwian ay hinintay ako ni Kuya Yordan—iyong ang pinakagusto ko sa kanya. Hindi niya ako pinapabayaan na umuwing mag-isa. Kahit na may pupuntahan siya ay sinusundo niya pa rin ako. At ihahatid niya muna ako sa may gate ng subdivision kung saan kami nakatira ngayon. Habang napapailing na lang ako habang naglalakad siya palayo. Nasisiguro ako na pupuntahan siya sa dating tinitirahan namin. Maalaga siya sa akin bilang kuya.

“Sige na, anak. Bilisan mo gutom na ako.”

“Busog pa po ako. Dumaan po kami ni Kuya sa nadaanan naming lomian kanina. Kayo na lang po ang magmeryenda.”

Sinulyapan lang ako ni Mama. At bumalik na ulit siya sa kanyang ginagawa. Sa taas naman, patamad na binagsak ko ang pagod na katawan ko sa kama. Hindi ako kumilos bagkus tumitig lang ako sa kisame. Pinagsawa ko ang aking mga mata duon. Blanko ang isip ko.

Hindi ko alam kung ilang minuto ako sa ganuong ayos. Nang may biglang pumasok sa isip ko. Mabilis na pumunta ako sa kwarto ni Kuya. Kinuha ko ang kanyang laptop. Nag-log-in agad ako sa facebook account ko. Ngunit nadismaya ako ng tuluyang makumpirma na halos anim na buwan na siyang hindi nagbubukas ng account.

“'Pa, kelan ba kayo uuwi sa bahay. Namimiss ka na namin.” tanong ko sa aking ama.

Mahigit isang taon na namin siyang hindi nakakausap. Hindi ko na nga matandaan kung kelan kami huling nakapagbonding.

May narinig kaming iyak nang bata mula sa loob ng bahay. Dali-daling pumasok sa loob nang gate si Papa. Pagbalik niya ay mayroon na siyang karga na dalawang taong gulang na batang babae.

“Baby Sharinna, say hello to Ate Shanielle.” malumanay na utos niya sa batang babae. Nang hindi umimik si Sharinna, hinawakan ni Papa ang maliit na kamay nito. At ikinaway sa akin. Mayamaya pa ay inosenteng ngumiti ang bata. “Hello.” sabi pa rin ni Papa.

“No!” malakas na sigaw ko. Mabilis na bumalikwas ako ng bangon. Butil-butil ang pawis ang namuo sa aking noo. Hinahabol ko din ang aking paghinga.

Nanghihinang naitukod ko ang mga siko ko sa aking mga tuhod. Habang naihilamos ko ang palad ko sa aking mukha. Isang masamang panaginip lang pala ang lahat.

HINDI ko na namalayan kung anong oras dumating si Kuya Yordan. Hindi ko na rin nagawang makapaghapunan. Kaya naman sumakit na ang aking ulo paggising ko kinabukasan.

“Good morning, Ma.” bati ko. “Asan po si Kuya?” bagot na tanong ko.

“Naku, gabing-gabi na naman nakauwi.” may iritasyon sa tinig niya nang maalala iyon.

Let's Heartbeat: Shanielle #Wattys2018Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz