LH8

1.8K 45 0
                                    

Chapter 8:
Picture

MONDAY, umpisa na naman ng kalbaryo ko sa school. Wala man lang akong makasabay. Kaya naman nagpasya na akong hintayin ang mga bago kong kaibigan.

“Hi Abby,” bati ko nang makalapit siya sa akin.

Eksakto naman na dumating sina Janine at Rose. Pinakilala ko sila sa isa't-isa.

“Ahmm.. Shan, kilala na namin ang isa't-isa.” ani Rose.

Maagap naman na sumingit si Abby. “Sila pala 'yong ikinuwento mo kahapon.” wika ni Abby, marahil upang mabawasan ang pagkailang na namumuo.

Namula ang pisngi ko dahil sa pagkapahiya. Ngunit pinilit kong ngumiti. “Ay, oo nga pala. Matagal na nga pala kayo dito.” nahihiyang paliwanag ko.

“It's nice to see her, again.” dugsong pa ni Abby. At umamba pa na kukurutin ang pisngi ni Janine.

Mula sa likod ay dumating ang campus hearthrobs. Hindi lang isa, kundi tatlo sila sa tabi namin.
                                                            

“Hi, Shanielle!” masayang bati ni Dwayne. Hindi ko malaman kung paano ko ba siya sasagutin.

“H-hi.” nahihiyang tugon ko.

“Hi, girls!” bati niya sa aking mga kasama. Kumindat pa siya at kulang na lang ay daklutin ko ang dibdib sa sobrang kakiligan. Kahit na gwapo talaga silang lahat ay mas higit na nangingibabaw ang kagwpuhan ni Dwayne, sa aking paningin.

Nakangiti lang si Traver, sa tabi ng kanyang kaibigan. Nanatili namang poker face si Ranz. Palihim akong umismid sa kanya.

“Hindi ko alam na close pala kayo ng mga gwaping na 'yon.” kinikilig na turan ni Abby. Habang pareho-pareho kaming nakatingin sa papalayong mga binata.

Pagkatapos ng flag ceremony, kanya-kanyang kumpulan. Hindi pa naman kasi dumarating ang advicer namin. Imbes na makigulo at makadagdag ng ingay. Nagplano ang grupo namin na tumambay sa bahay nina Dessa, mamayang lunch.

“Sama kayo,” komento ni Rose. “Bawal ang killjoy.” naramdaman yata na tatanggi si Janine.

“Paano naman kapag nagalit ang Mama ni Dessa?” nag-aalalang tanong ko.

Tiningnan sila ni Dessa na may assurance. “Hindi 'yon magagalit.”

Nagkatinginan kami ni Abby. Na tila nakadepende sa gusto nang isa ang magiging sagot naming dalawa.

Nasa ganuon kaming pagpupulong ng bigla na lang may nakisali sa usapan namin. “Ano ang pinag-uusapan n'yo?” anang tinig ng lalaki mula sa aming likuran.

“Ahm... balak kasi namin na magtambay sa bahay nina Dessa. Pagkatapos ng lunch.” si Rose ang sumagot.

Nakasimangot na sumingit si Dessa. Masama ang tingin niya, partikular na kay Dwayne. “Pwede ba, Dwayne. Alam kong tsismoso ka pero wag ka namang pa-obvious.” nakaangil sa sabi niya.

Napuno ng tawanan ang umpukan namin. Ngunit imbes na mapikon si Dwayne ay tinapunan niya ng tingin ang nasa malapit lang na si Traver. “Sama kami,” wika niya sa amin. Inilibot niya ang tingin sa aming mga babae. “Okay lang naman sa inyo 'yon, di ba?” sabi niya. Kumindat pa siya na lihim na nagpakilig sa mga babaeng nakatingin sa kumpulan namin.

Maliban na lang kay Dessa. Wala siyang ibang nararamdaman kundi ang inis. Habang abala kami sa pagpaplano. Biglang tumahimik ang buong silid. Tila may dumaan na anghel. Natuon ang atensiyon naming lahat sa mga estudyanteng nasa pintuan.

Iyong mga nag-iingay ay natahimik. Pati na din ang mga nagbabatuhan ng basahan ay napahinto. Marami sa mga kalalakihan ang tila nainggit sa paraan ng pagpukol nila nang tingin kay Ranz. Kasabay niya si Marga—na abot hanggang tainga ang ngiti. She really looks proud. Kasunod niya ang kanyang mga alipores.

Let's Heartbeat: Shanielle #Wattys2018Onde histórias criam vida. Descubra agora