LH25

1.1K 30 0
                                    

Chapter 25:
Bawiin

“Hindi ayoko nga. Bigay 'to ng kapatid n'ya. Natural lang naman na tumanggap ako ng regalo mula sa kanya, di ba? Nanliligaw siya sa'ken, Shan.”

“Wag mo kong pilitin na magalit sa'yo, Rose.”

“Kahit anong gawin mo. Hindi ko na ibabalik 'to.”

Mas lalo lang akong nagsumikap na makuha iyon. Muli kong tinangkang agawin mula sa kanya. Ngunit itinago niya ang kanyang braso sa likod niya. Pilit ko iyong hinahatak. Nag-iingat din naman ako dahil ayokong masira ang wrist watch.

“Tumigil na kayo pwede ba? Para kayong mga batang paslit.” sigaw ni Dessa.

Masama ang loob na tumingin ako sa kanya. “Akin nga 'yan, Dessa.” nanunumbat na sabi ko. Siya ang naging una kong bestfriend pero hindi man lang niya ako pakinggan.

“Bigay nga sa'ken 'to ni Yordan. Bakit ikaw ang babawi? Hindi ko 'to sa'yo ibibigay.” mariin niyang giit.

“Anong nangyayari dito?” tanong ni Traver.

“Ayaw niyang ibigay ang gamit ko.” sumbong ko sa kanya. Alam ko na kakampihan niya ako.

“Paano ngang magiging sa'yo 'to? Bigay 'to ng kuya mo.”

Tinangka kung lumapit sa kanya. Hinagip ni Ranz ang baywang ko. Kahit na hindi ko siya lingunin. Kilala ko ang amoy ng kanyang pabango. Alam kong siya ang hals nakayakap sa akin mula sa likod ko.

“Papalitan ko na lang ng iba. Wag lang 'yan.”

“Ayoko,”

“Ranz,” humarap ako sa kanya. At nangingilid na ang aking mga luha. “Bawiin naten sa kanya. Akin 'yon, eh.” parang bata na ungot ko.

Hinaplos niya ang pisngi ko at pinunasan ang basa kong pisngi. Hinawi niya ang mga buhok na tumakip sa aking mukha. Hindi ko na alam kung anong itsura ko ngayon. At tsaka siya tumango pero hindi ako naniniwala.

Kumawala ako sa kanyang mga kamay. “Niloloko mo lang ako,” sinigawan ko siya.

“Sumama ka sa'ken,”

Hinila niya ako paalis. At hindi man lang nakialam sina Dessa. Hinayaan niya lang ako na sumama kay Ranz.

“Inumin mo muna 'to,”

Tumalikod ako sa kanya at tahimik na umayos sa aking pagkakaupo. Gusto ko siyang sigawan dahil nagpunta siya sa harapan ko. At pilit na inaabot sa akin ang mineral na hawak niya.

“Sige na,”

Pinukol ko siya ng matalim na tingin. Tumayo ako at tinulak ko siya. “Kasalan mo 'to, eh. Kung hindi mo ako pinigilan naabutan ko sana ang bruhang si Rose. At nabawi ko sana ang relo ko. Bakit ba ayaw n'yong maniwala na aking 'yon?”

“Naniniwala naman ako sa'yo. Pero pag-usapan n'yo—.”

“Hindi na 'yon madadaan sa usapan na mahinahon. Si Rose 'yon.”

Kinuha niya ang kamay ko at inilagay ang bote ng mineral. Inis na hinampas ko siya. Ang lamig kaya. Tinawanan niya lang ako. Isa pa muling hampas ang binigay ko sa kanya.

“Bwisit ka!”

“Oo na lang,”

Ngunit kahit na napatawa niya ako. Hindi ko pa rin maiwasan na maalala na naman ang ginawa ni Kuya Yordan. Hanggang sa hindi ko na kinaya at bumuhos ang luha sa akin mga mata.

Kaagad na lumapit sa akin si Ranz at ipinulupot ang kanyang mga braso sa akin. Yumakap din ako sa kanya na para bang duon ako kumukuha ng lakas. Hinayaan niya lang ako na gamitin ang mga bisig at dibdib niya. “Shhh...”

Let's Heartbeat: Shanielle #Wattys2018Donde viven las historias. Descúbrelo ahora