LH31

1.1K 27 0
                                    

Chapter 31
Ingungudngod

Hindi maubos-ubos ang mga kwento ni Abby. At panay ang pasasalamat niya. Dahil kung hindi raw niya naisipan na puntahan ako kahapon, hindi niya mapapansin ang kakisigan ni Traver. At hindi niya malalaman ng maaga na gusto niya ito. Kulang na lang ay mapaingos ako sa mga sinasabi niya.

"Bilisan naten," anang isang estudyante.

"Mga pasaway talaga ang section-E na 'yan. Lagi na lang nag-uumpisa ng gulo." sabi pa ng lumampas sa amin.

"Oo nga,"

Umamba si Abby na susugod na mukhang natamaan sa mga sinabi ng mga bruhang dumaan. "Grabe 'yon, Bes, ah."

Well, hindi naman talaga lahat ng section-E. Kelan ba mawawala sa isip ng isa na ang kasalanan ng isa ay hindi kasalanan ng lahat?

"Hayaan mo na,"

Para bang nananadya at may isa na naman na napadaan at ang lakas pa ng kwentuhan nila. "Bagay talaga sa kanila na mapunta sa lowest section. Lowest na ang IQ pati na din ang mga ugali."

Kinilig naman ang isang babae, "Pwera na lang ang mga crush naten. Sina Dwayne, Ranz, Traver at Matheus." namimilipit na anas niya.

Wala akong nagawa kundi itaas na lang ang dalawang kilay ko. Habang pinagmamasdan silang malapad na nakabungisngis at nag-apir pa.

"Isa lang,"

"Wag na," saway ko na naman kay Abby.

"Naiirita ako sa babaeng transferee dito." tinuloy na naman nila ang kanilang kwentuhan.

Habang panay din ang sunod namin ni Abby sa kanila. Nakasunod din ang aming tainga.

"Sino?"

"Yung Shanielle ba 'yon."

Gusto kong sabihin na 'ako 'yan' sabay itataas ko ang kamay ko.

"Hmmm, ang landi nya. Alam mo ba nakikita ko na kasama niya si Ranz, lagi."

"Talaga, saan?" namimilog ang mga matang sabi nung kulot na babae. Kulot na nga mukhang hindi pa sinuklay.

Ngunit bigla akong kinabahan sa maari niyang sasabihin. Nagkatinginan kami ni Abby.

"Dun sa private property ng barkada ni Ranz. Tuwing remedial classes nila nakikita ko sila duong pumapasok."

"What?" baling sa akin ni Abby. Ngunit muling natuon ang pansin namin sa mga babae nagtsitsimisan sa harapan naming dalawa.

Bumulong sila pero dinig naman namin. Hindi pa rin nila kami napapansin. "Hindi kaya may ginagawang milagro sila. Grabe ang landi pala ng Shanielle na 'yon."

"Huh? As in bumigay siya kay Ranz tapos dito pa nila ginagawa sa SHSA. My God!"

Hind ako makapagsalita at hindi ko alam kung paano ako magrereact. Gustong isigaw sa kanila na, helli nandito lang ang pinag-uusapan nyo. Nasa likod lang ako. Ang dumi-dumi ng mga isip nila.

Naramdaman ko ang paghila sa akin ni Abby. At namalayan ko na lamang na nasa harapan na kami ng tsismosa. Nakapameywang si Abby at isa-isang tinuro ang estudyante. Namimilog ang mga mata nilang nakatingin sa amin. Magsasalita na sana siya pero bigla na lang nagtatakbo palayo ang mga bruha.

"Bumalik kayo dito," sigaw ni Abby. "Naku kung hindi kayo umalis. Ingungudngod ko ang mga mukha ninyo sa sahig. Mga tsismosa kayo."

"T-tama na," nanginginig ang boses ko.

Paano kung kumalat iyon sa buong campus? No. Parang hindi ko yata kayang harapin.

"At ikaw, anong 'yung sinasabi nila? Kaya ba tuwing nawawala ka... si Ranz ang kasama mo? Tama ba ako o sila?"

Let's Heartbeat: Shanielle #Wattys2018Where stories live. Discover now