LH11

1.6K 37 0
                                    

Chapter 11:
Muse

NAKASUNOD lang ako sa likod ni Traver. Hindi ko pa naman kasi kasundo ang mga kaklase ko. Kahit na kasali ako sa mga officers.

Nandito din naman si Dwayne. Kaya lang naiilang ako sa kanya. Baka mahalata niya na gusto ko siya. Hindi kasi ako mapalagay kapag nasa malapit siya. Ibang-iba sa nararamdaman ko sa bestfriend niyang si Ranz.

Kay Ranz kasi—hindi ako mapalagay kapag nasa tabi ko siya. Kasi natatakot ako sa kanya. Baka sungitan na naman niya ako. Tapos ang seryoso ng mukha niya.

Pero kay Dwayne—kinikilig ako. Kulang na lang ay sumirko ang puso ko. Naramdaman ko ang paghawak niya sa siko ko. Pakiramdam ko ay napaso ako sa init ng kanyang kamay. Kumalat ang init sa aking pisngi. Sa kabilang banda ay hindi ko maiwasan na malungkot. Playboy si Dwayne kaya imposible na mapansin niya ako.

“Tara?” nakangiting yaya ni Dwayne sa akin. Natuon ang pansin ko sa mga mata niya. Halos mawala na ang kanyang mga mata dahil sa pagkakangiti sa akin. Lalo lang tuloy akong nagkakacrush sa kanya. Kapagkuwan ay nahihiyang tumango ako sa kanya.

Ngunit nagulat ako ng may humila bigla sa kamay ko. Nagsalubong ang mga kilay ko nang tiningnan ko siya. He looked at me intently. Parang tumatagos ang mga tingin niya sa akin. Anong problema ng lalaking ito?

“Buds?” tanong ni Dwayne. At nakatingin siya sa braso ko na hawak ni Ranz.

Hindi man lang siya tinapunan ng tingin ni Ranz. Nakatitig pa rin siya sa akin. Ilang beses akong napalunok.

Bahagya lang na umangat ang labi ni Ranz habang nagsasalita. Ngunit himalang malinaw kong narinig ang mga sinabi niya. “Sa'ken tatabi si Domingco.” aniya sa matigas na tinig.

Ngumisi si Dwayne. Naramdaman ko ang mahigpit na paghawak niya sa kabilang braso ko. “Buds, kami ang kasama ni Shan. Kaya sa amin siya tatabi.”

“Secretary si Domingco nang buong klase naten. Kaya dapat lang na sa'ken siya tumabi dahil ako ang president.”

“Baka nakakalimutan mo na wala tayo sa student meeting. Ranz, election 'to ng overall.”

Tahimik lang ako sa gitna nila. Ano bang palagay nila, nasa tug of war kami? At ako ang lubid? Nasasaktan kaya ako sa mga hawak nila.

“Ranz, tayo na lang ang magtabi sa upuan.” ani Marga. Siya ang muse ng buong klase namin. “Hindi mo naman kailangan itabi pa ang babaeng 'yan. Dapat ang president nasa tabi ng muse.” maarteng sabi niya.

“Tinatanong ko ba ang opinyon mo?” si Ranz kay Marga. “Duon ka tumabi sa escort mo. Alis!” pagtataboy pa niya.

Gusto kong matawa ng halos malukot ang mukha ni Marga. At talaga namang napahiya siya.

Bigla na lang tumawa si Traver. Sabay-sabay kaming napatingin sa kanya. “Bakit ba nagtatalo kayo d'yan? Shan, kanino mo gustong tumabi ng upuan, sa dalawang gunggong na 'to?”

Pinanlakihan ko siya ng mga mata. Baka lalo lang maasar ang dalawa sa tabi ko.

“Sabihin mo na, baka mamaya magsapakan pa ang dalawa d'yan. Swerte mo kung ganun lang ang mangyari. Paano kung mahati ang katawan mo sa paghihilahan ng dalawang 'yan? Ikaw rin.”

Ngunit natuon ang mga mata naming lahat sa mga bagong dating. Pinong nakangiti ang babaeng kasama ng matangkad na lalaki at hindi maitatangging guwapo din.

Hindi sinasadyang napatingin ako kay Ranz. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, kung bakit naapektuhan ako. Nakatingin siya sa babaeng bagong dating at ganun din ang babae sa kanya.

“Buds, si Yumi at Brent.” ani Dwayne. Kitang-kita ko ang pagtatagis ng mga bagang ni Ranz.

“K-kay T-Traver na lang ako tatabi.”

Pagkatapos ko iyong sabihin. Walang babala akong hinatak ni Traver palapit sa kanya.

“The nomination for president is now open.” anang tinig ng guro namin.

Nagsimula ang botohan para sa student body organization. Nakakainis lang dahil kada-open ng nomination. Hindi nawawala ang pangalan ko. Laging isinasali nina Traver at Dwayne.

“Ano ba naman kayo, nakakahiya. Hindi naman ako mananalo d'yan. Binabalandra n'yo lang ang mukha ko sa kahihiyan.” sabi ko sa dalawa.

“Bakit kaya hindi mo itaas ang kamay mo? Kaya tayo natatalo,” natatawang payo no Traver.

“Be confident, okay. Si Veronica pa lang ang nanalo sa section naten. Paano naman mapapansin ang section-E, kung wala tayong boses.”

Nanalong Sgt. Of Arms si Veronica Suarez. Minsan ko na siyang nakausap. Mabait naman siya ngunit medyo may ilag sa kanya ang mga kaklase namin. Dahil sa uri ng kanyang pananamit. May suot siyang salamin na medyo makapal. Wala nga lang ding pinapansin na lalaki.

“I nominate Shanielle Domingco for muse.” nagulat ako nang tumayo si Dwayne at i-nominate ako.

Kulang na lang talaga magtago ako. Nilingon na naman ako ng mga nasa unahan na mga estudyante. Iyong iba napapailing na lang. Umiingos naman ang iba.

“Wag kang ambisyosa, Shanielle Domingco. Hindi porque't si Traver ang nag-nominate sa'yo, mananalo ka na. Hindi ka ganuon kaganda.” nakasilip na saad ni Marga.

“Would you please, shut your mouth?”

“Ranz! Pinagtatanggol mo ang babaeng baguhan na 'yan?”

“Tss. Fuck. Na-iingayan ako sa'yo.”

Hindi nakatakas sa akin ang matalim na sulyap ni Marga. Padabog na sumandal siya sa kanyang inuupuan. Sa unahan naman tumingin si Ranz. Naggagalawan ang mga bagang niya.

“I nominate Marga Ramirez for muse.”

“Pwede ba 'yon?” mahinang tanong ko kay Traver.

Tumango lang siya. Kung ako siguro iyon, hindi ko magagawang i-nominate ang sarili ko. Hindi ko yata kayang pantayan ang lakas ng loob ni Marga.

Ngunit mas lalo akong kinain ng insecure ng may magnominate kay Mayumi Contreras. Hindi ko namalayan na nag-uumpisa na pala ulit ang botohan. “Tinawag na ang pangalan mo.” ani Traver.

Nang hindi ko tinaas ang kamay ko ay magkasabay na hinatak nina Traver at Dwayne ang dalawang kamay ko.

“Section-E, 'yung nasa dulo. Hindi pwede ang doble ang taas ng kamay.” sigaw ng teacher sa unahan.

Gusto kong lumubog sa kinauupuan ko. Nagmumukha tuloy akong trying hard. Napakamot lang si Traver. Dinaan naman sa tawa ni Dwayne.

Hindi ko maintindihan kung bakit ako nainis ng iboto ni Ranz si Mayumi. Sana man lang kahit isa sa amin ni Marga ay sinuportahan niya. Kahit si Marga na lang.

Ang kinalabasan nanalo si Yumi. Hindi naman ako nanghihinayang na hindi man lang ako nakapasok. Mas gusto kong maging taga-sunod na lang kesa sa sinusunod.

Lalong nagkagulo sa pag-nominate ng mga escort. Kasama na sina Traver, Dwayne at sympre hindi mawawala si Ranz. Hindi pa din ako tumitingin sa kanya. Hindi ko talaga kaya.

Nagsisigawan sa loob ng classroom. Hindi magkamayaw ang mga babae nang isa-isa pinapunta ang mga lalaki sa unahan. Mas umugong pa ang kantiyawan ng mga lalaki. Halos nakakabingi na nga. May mga sumisipol pa at nagpapalakpakan.

Ibinoto ko si Dwayne, dahil mas bagay siyang maging escort. Gwapo at ma-appeal siya sa mga babae.

“Bakit hindi ako binoto mo?” kunway nagtatampong anas ni Traver. “Mas gwapo kaya ako sa gagong 'to.”

“Lol! Mas ma-appeal kaya ako. Hindi biro ang mga fans ko.” banat naman ni Dwayne. “Pustahan tayo 90 percent ng mga babae dito ako ang crush. Mga tig-lima lang kayo ni Ranz.” pinadaanan pa niya ng daliri ang kanyang ilong. Sabay kindat sa akin.

Gusto kong himatayin dahil sa ginawa niya. Ang angas ng dating niya. Pati dugo ko nag-unahan sa pagpunta sa pisngi ko. Lihim akong kinikilig. Mabuti na lang at hindi napansin ng dalawa. Dahil nagtawanan na ang mga ito ng i-announce ang nanalong escort.

“Nakita mo ba ang itsura ni Ranz? Bud, pustahan tayo dyan na mag-uumpisa'yan.” tawa ng tawa si Dwayne.

Si Ranz kasi ang nanalong escort.

Nag-apir pa silang dalawa. “Bud, magkakajowa na 'yan sa wakas.”

💓💓💓
©froggybean

Let's Heartbeat: Shanielle #Wattys2018Where stories live. Discover now