LH38

1K 30 0
                                    

Chapter 38
Bagay kayo

Pinilit kong ibalik sa normal ang samahan namin ni Ranz. 'Yung pareho kaming palagay sa isa't-isa. Pero this time hindi na patago ang pagkikita namin. Sino naman ang maghahangad pa ng ganun? Eh, ang daming tsismosa sa paligid. Bubuo lamang iyon ng kasinungalingan.

“Shan, tara sa cafeteria.” yaya ni Ranz.

Tatanggi sana ako ngunit naisip ko na gusto kong ngang magsimula ng bagong kabanata ang buhay ko. “Bakit hindi ka na lang bumili ng pagkain? Dun tayo sa tambayan.”

“S-sige ba, ang tagal na nga nating hindi nakakapunta duon.” hindi maitago ang saya sa mukha niya.

“Bilisan mo na, bago pa magbago ang isip ko.” nakangiting utos ko. “Tatapusin ko lang 'to.”

At hayun nga at hindi ko na napigilan. Mabilis pa sa alas kwatro na umalis siya sa harapan ko.

Nadaanan ko sina Dessa, Rose, Janine kasama ang mga barkada nina Traver.

Lalapit pa lang si Theus ay pinigilan ko na siya nang pagtaas ko ng aking kamay. “Hep! Hanggang d'yan ka na lang.” sabi ko.

Natigilang napakamot siya sa ulo niya. “My Goddess, bakit ka ganyan? Hindi na nga ako pinapansin nitong bestfriend mo. Tapos ipagtatabuyan mo pa ako.”

Napa-face palm na lang ako habang napapailing. Alam ko na seryoso siya kay Rose. Pero sa tingin ko ay hindi pa handa ang bestfriend ko na magpaligaw. Nahuli ko pa ang pagsimangot niya.

Naagaw ang atensyon ko nang sinabi ni Abby. “Sabay ka na lang sa'men. Lilibre kami ni Traver. Mukhang masaya 'to.” tinapik pa niya ang balikat ng binata—na malapad ang pagkakangiti.

Mabining umiiling ako. May usapan kami ni Ranz. Mahirap na baka tupakin ang isang iyon. “Hindi na,”

Lagi kong napapansin na magkasama sina Traver at Abby. Minsan nagseselos ako. Dahil ako lang naman ang close kay Traver. Ngunit kinastigo ko ang sarili ko. Hindi dapat ako magkaganito, ang atensyon ng kaibigan. Sinishare sa mga kaibigan mo din. Tsaka balita ko ay lagi nang kasama nila si Chelsea.
Anong meron? Tanggap na niya kaya? Nagkibit-balikat na lang ako.

Lumapit sa akin si Traver. “Nagtatampo na ako sa'yo. Ang tagal na nateng hindi nakakapagbonding. Ngayon na nga lang ako magyaya at manlilibre. Tatanggi ka pa.” he tsked. Pinalungkot niya ang kanyang mukha. “Hindi ko alam kung bakit hindi tumalab ang gayuma ko. Ilang panyo na ang binigay ko sa'yo. Pinadasalan ko pa 'yun sa Quipo tapos hindi naman pala tatalab sa'yo. Sayang talaga. Awww!” daing niya.

Bagay lang sa kanya yan. Sinapak ko ang tiyan niya at todo bigay ako. Alam ko na nagbibiro lamang siya. Hindi sinasadyang nagtama ang mga mata naming dalawa ni Dwayne. Kapansin-pansin ang pananahimik niya. Ngingiti at tumatango lang siya kapag may itatanong sa kanya. Pero ako lang naman ang nakakahalata niyon.

“Bye, Janine.” bahagya siyang napaigtad. At tinago ang kanyang cellphone. Bakit kaya 'yung daliri niya ang ganda pa din? Samantalang hindi na yata siya tumitigil sa kapipindot sa pad on Oppo niya. Nakita ko siya minsan sa mall na may kadate na lalaki. Ngunit hindi ako nagpakita. Infairness ang gwapo niya.

“Pakilala mo ako minsan sa boyfriend mo. Bagay kayo.” pabulong na pahayag ko sa kanya. Pinaglapat ko ang labi ko para pigilan ang matawa. Ang bilis niya kasing mamula. At ang cute niya lang tingnan.

“May klase pa tayong mamayang hapon, Shan.” pahabol ni Dessa.

Na senigundahan naman ni Abby. “Siguraduhin mo lang na hindi kayo malelate ni Ranz.”

“Mag-ingat ka sa gagong 'yon. Mas matinik pa iyon kay Dwayne.”

Pinalis ko ang umusbong na kaba sa puso ko, pagkarinig sa pangalan niya. I waved as an answer, instead.

“Bakit ang tagal mo?” masungit na bungad ni Ranz. Mukhang kanina pa siya naiinip.

Nakahain na sa mesa ang mga pagkain na binili niya. Wala na ang magarang chess board na palaging nakalagay duon.

“Nag-usap pa kami nina Traver.”

Hindi man lang niya itinago ang pagsimangot niya. Madilim ang mukha na naupo siya. Gets ko na nagseselos siya. Inumpisahan kong kumain nang hindi kami nag-uusap. Paminsan-minsan ay tatapunan ko siya nang tingin. At kapag nagtama ang mga mata namin ay tsaka naman ako ngingiti.

“Kapag kaya nasa college department na tayo, pwede pa kaya tayong makapunta dito?” tanong ko sa kanya habang inuugoy ng mga paa ko ang duyan—na inuupuan ko. “Siguro hindi na. Ang higpit naman kasi ng mga guard.” sagot ko sa sarili kong tanong.

“You can use my name,”

Naitirik ko ang mga mata ko sa ere. “Yeah. I forgot na apo ka ni Mr. Henaro Sunico Sr. And you're filthy rich boy.”

He smirked at nagpunta siya sa likuran ko. Marahan niyang iniugoy ang duyan. Hindi ko alam kung bakit pinagtyatyagaan ko ang makasama siya.

Binasag ko ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Pinag-isipan ko talaga ito ng maraming beses. “Ranz, pwede bang lumapit ka dito sa harapan ko. May sasabihin ako sa'yo. Bilisan mo naman baka magbago pa ang isip ko. Dali!”

Atubili pa kasi siyang lumapit. Umingos ako sa kanya ng makita ko na nakasimangot siya. His eyes was sharply, bored. Tingnan ko lang kung mabored siya sa sasabihin ko.

“I'm okay to be your rebound,” nakangiting pahayag ko.

His brows furrowed and said, “Rebound?”

“Alam ko naman na gagamitin mo lang ako para makalimutan mo si Yumi. Well, I'm yes to it.” nakangiwing paliwanag ko.

“Kung iniisip mo na gagawin kitang rebound. Nagkakamali ka. Is it possible that‘ll make you a rebound. Because you ditched me?”

Lumabi ako at tsaka umirap. I looked at him intently para alamin kung nagsasabi ba siya ng totoo. “Akala ko magmomove-on ka kay Yumi?”

“Silly girl, it's you. Matagal na akong nakamove-on kay Yumi. I'm just concern to her. Kaibigan ko pa rin siya kahit na iniwasan niya ako nang malaman niya na may crush ako sa kanya. Siguro iniisip niya na ako lang din ang mahihirapan kapag naging malapit pa kami sa isa't-isa. Kaya siya na lang ang lumayo.”

Hindi naman masama na unti-unti kong siyang kilalanin. “You can court me then,” hilaw ang ngiting sabi ko.

Sa sobrang tuwa yata niya ay hinalikan niya ako sa pisngi, sa noo, sa tungki ng ilong. Tumigil siya ng tumapat ang labi niya sa labi ko. He gazed at my lips and shallow, gently. One, two, three and four before I jolted back to reality.

Nanginginig ang mga palad ko na lumapat sa buong mukha niya. “S-sobra ka na,” even my voice was shaking. “Pumayag pa lang akong manligaw ka. Hindi pa kita sinasagot, Mr. Ranz Sunico.” sarkastikong paalala ko.

💓💓💓
ⓒfroggybean

Let's Heartbeat: Shanielle #Wattys2018Où les histoires vivent. Découvrez maintenant